Kheanna's POV
" Sa susunod, kung aawat ka ng away, lakasan mo ang loob mo. Hindi yung ikaw pa ang unang dadalhin sa clinic." napasimangot ako sa sinabi ni Kuya.
Pinilit kong lunokin ang tocino. Panay ang sermon niya sakin dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko naman ine-expect na ganun ang mangyayari eh. Kahit sino naman siguro, hahapuin talaga kapag galing sa pagtakbo.
"Bida-bida kasi. Ayan tuloy!" tinapunan ko ng masamang tingin si Klyde. Isa pa ang mokong na to eh. Nakikigatong pa.
"Pake mo? Kesa naman sayo na imbes umawat sa away eh pinapanood mo lang."
"Mas ok na 'yun kesa naman maki-awat tapos siya pa unang dadalhin sa clinic. Weakling!"
"Tanginam-..ARAY!" malakas na batok ang natanggap ko mula kay Kuya. "Kuya naman, masakit eh!"
He glared. "Your mouth, Avery!" at ayun na nga, tinawag niya na ako sa second name ko. Gagalet na talaga ang walanjowa kong Kuya.
Padabog kong tinapos ang pagkain saka tumakbo na papuntang kwarto. Wala akong mapapala kung makikinig lang ako sa sermon ni Kuya buong maghapon.
Matapos kong maligo at magbihis, lumabas agad ako sa kwarto at bumaba. Nakita ko pa si Klyde na bitbit ang bag niya palabas ng bahay. Sumunod din nama agad ako at saktong paglabas ko sa gate, mukha ni Dustine ang nakita ko. May band aid ang kilay niya pati gilid ng labi. Kawawa naman ang creature na to.
"Let's go?" tanong niya.
Sumakay na ako sa kotse niya at ganun din ang ginawa niya. Tahimik lang kami sa byahe. Gusto kong magtanong kung ayos na ba siya o kung ano ang reason ng away nila ni Sean kahapon, pero kinakain ako ng hiya. Parang anytime kasi, mapapahiya lang ako.
"Uhmm..D-Dustine?" alanganin na tanong ko. Lumingon naman siya.
"Hmm?"
"A-ayos ka na ba?"
"I'm fine!"
Tinanguan ko ang sagot niya at ibinaling sa labas ang tingin. Andito pa rin ang urge na gusto ko talagang malaman kung ano ang dahilan ng away nila. Malakas ang kutob ko, na tungkol yun sakin pero sa anung dahilan? Ayoko naman maging manghuhula. Hindi ako fortune teller.
Pagkarating namin sa school ay pinagtitinginan kami ng mga madaanan namin. May mga bumubulong, meron ding umiirap na para bang against sa kanila na magkasama kami ni Dustine. Problema ng mga 'to?
"Malandi kasi. Akala mo naman maganda"
"Iba yung friendly sa malandi, sis"
"Grabe nga 'yun. Matapos kay Sean, si Dustine naman"
Huminto ako sa harap nila mismo bago sila tapunan ng ngiti. Gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ako apektado dahil mas kilala ko ang sarili ko.
"Next time, kung gusto niyo talaga magchismisan, 'wag naman sa harap ng mismong laman ng chismis niyo. Napaghahalataan kayong attention seeker!" nginitian ko ulit sila bago sumunod kay Dustine na nauna na.
YOU ARE READING
Sideway of Chances ( High School Series 1 )
Teen Fiction-COMPLETED- "Once is enough, twice is too much and thrice is over" Yan ang paniniwala ni Kheanna. She was left-behind by a person whom she thought her endgame. As the process continues, Kheanna convinced herself to move forward and heal on her own...