CHAPTER 27: Kiss

224 3 0
                                    

Kheanna's POV

Madilim ang paligid. Umaalingawngaw ang boses ng mga tao sa di kalayuan. Mabaho ang amoy. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil nakatali ang kamay ko sa likod. I was kidnapped.

"May tao ba riyan? Anong kailangan niyo sakin?"

Pinilit kong magpumiglas sa tali pero masyado itong mahigpit. Sumasakit na ang kamay ko't binabalot na rin ng takot. Hindi ko alam kung bakit may ganito.

"You're finally awake. How are you?" boses ng babae ang narinig ko. "It's been awhile, Kheanna."

Hindi ako pamilyar sa boses niya. Parang narinig ko na pero hindi ko maalala kung sino.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa'kin?"

She lifted my chin up by force. Kahit di ko makita ang mukha niya dahil sa blindfold, alam kong galit siya.

"You forgotten me? I was the one who imprisoned you in the stock room,"

"Erah?"

"Absolutely!"

Napaungol ako dahil sa marahas niyang pagtanggal ng blindfold sa mata ko. Ngayon, nakikita ko na siya. Nakatayo sa harapan ko at nakapa-meywang. May hawak na sigarilyo't wine glass at may mga tauhan na nasa likod niya.

"Ano bang kailangan mo? Bakit may pa-kidnap na part?"

Naupo siya para mapantayan ako sabay ngisi. "To pay off your debt." and she sipped the wine.

Tiningnan ko siya ng maigi. Masasabi ko na talagang baliw siya dahil sa behaviour niya ngayon. Tumatawa kahit walang nakakatawa. Magiging seryuso, ngingisi na parang timang at aaktong iiyak. Wala na, finish na!

"As far as i remember, i have no debt to pay." plain kong sabi.

Malakas na halakhak na naman niya ang narinig ko. Naghatid iyon ng matinding kilabot sa aking katawan. Alam ko'ng anytime, may gagawin talaga siya na hindi maganda, kaya kailangan kong makatakas.

I was freed from the shackles. Kinuha ko ang pagkakataong maitulak si Erah kahit ramdam ko ang sakit ng tiyan ko. Tuluyan siyang natumba kaya dinaluhan ng mga tauhan para mapatayo.

"Baliw ka na! Wala akong utang na dapat bayaran sayo. Ni hindi nga ako nangungutang kahit piso tapos ngayon maniningil ka?"

Malakas na sampal ang natanggap ko. "Bitch! Hindi lang pera ang inuutang," hinila niya ang aking buhok.

Sinubukan kong makawala sa pagkakasabunot niya at nagtagumpay naman. Malakas ko siyang naitulak kaya napaupo siya ulit sa sahig.

"Ano bang pinagsasabi mo? Dinaig mo pa ang future na mahirap hulaan,"

"You! And, Dustine!"

Napatingin ako sa kanya ng seryuso habang pinapagpag ang damit na kinapitan ng alikabok. Ngayon ko lang narealize, malayong-malayo na ang Erah na nakilala ko noon sa school kesa ngayon. Maikli ang buhok. Haggard at pumayat ng sobra.

"I only want him, Kheanna. Masama ba 'yun?"

Pumungay ang kanyang mga mata. Pilit ang ngiti at nakita ko ang pagdaloy ng luha.

"I'm suffering too much. From my illness, from people's judgement that i'm insane, from my family and pain because of Dustine. Mahal ko siya, Kheanna!" humagulgol siya ng iyak. ".....nakalimutan mo na ba? Ang araw na nag-away si Dustine at Sean? For sure they didn't tell you the reason behind that."

Sideway of Chances ( High School Series 1 )Where stories live. Discover now