CHAPTER 29: Celebration

170 2 0
                                    

Kheanna's POV

"Where's the others? Bakit di ko sila nakikita dito sa loob?" tanong ko kay Sean.

Siya lang kasi ang andito ngayon at nakaupo sa sala nang mag-isa. May kinakalikot naman siya sa cellphone pero nang marinig ako ay agad rin'g tumigil.

"N-Nasa frontyard. Nilipat nina Tita ang table dun para malapad ang space," sagot niya.

Tumango ako at tinalikuran siya. Hindi pa man ako nakakahakbang ng panibago, agad ko'ng naramdaman ang kamay niyang humawak sa braso ko.

Napatigil ako dahil sa ginawa niya. Nang lingonin ko'y mabilis siyang napayuko at binitawan ang aking kamay. Eto na naman ako sa pakiramdam na parang may car race sa dibdib ko. Dumadagundong ang kaba at ang paghawak niya ay parang kidlat na nagpasindak sa buo ko'ng sistema.

"Bakit? May problema ba?"

Hindi siya sumagot. Mabilis niyang tinawid ang distansya namin saka ako niyakap. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Gusto ko siyang itulak but at the same time, i want his embrace, his touch, his smell, his.....his love. The whole him again for the second time. Pero takot ako! Takot ako na baka maulit ang nangyari sa'min. Ngunit ano ang magagawa ko? He belongs to Alessia at hindi na iyon mababago pa.

"S-Sean! B-Bitaw..." utal-utal ko'ng sambit.

Nagbabadya ang luha ko'ng bumagsak. Ayaw ko neto. Ayokong umiyak sa kandungan niya mismo.

"I won't! Dito ka lang sa'kin. Hindi ka na pwedeng mawala. Hindi na pwedeng wala ako sa tabi mo. Babawi ako!" sambit niya.

Ansarap pakinggan ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko, kami pa rin-na ako pa rin ang mahal niya. Ansarap ulit manirahan sa imahinasyon ko kasama siya. Sa librong siya at ako ang bida. Pero hindi iyon maaari. Isa nalang ako'ng nakaraan. Parte nalang ako ng bangungot niya.

"H-Hindi! Bitaw na please. Huwag na ganito, Sean. Nagmo-move on na ako. Bumalik ka na kay Alessia dahil hindi na kita kailangan."

Pagkasabi ko nun ay kumalas siya sa aming yakapan. Namumula ang mata niya dahil pinipigilan ang pag-iyak. Nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako dahil hindi na kami pwede. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya. Nasasaktan ako dahil....dahil siya pa rin. Siya palagi. Siya araw-araw. Kaso hindi na ako. Ako lang ang prologo at si Alessia ang epilogo.

"Please don't move on from us. Wala na kami ni Alessia. I'll make it up to you this time, Kheanna. Give me another chance. Give me another permit to enter the sideway of chances. Pangako, hindi ka na masasaktan. Sisiguradohin ko iyon. Ipaglalaban kita!" seryusong sabi niya. "....please, let's fix it."

Gusto ko'ng maniwala, pero malaki ang takot ko. Sirang-sira na 'yung tiwala ko sa kanya at hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako ulit.

Tumalikod ako. Bumalik ako'ng muli sa kwarto gaya ng ginawa ko kanina after Mom teased me to Sean. I was embarrassed. Feeling ko, naging apple na ang mukha ko dahil sa embarrassment. She knows me but she doesn't know what really happened to us. Ang sinabi ko lang noon ay kailangan namin ng time sa isa't-isa para makapag-isip. In short, cool off. Hindi niya alam ang totoong nangyari. Maging ako ay hindi ko alam kung ano nga ba ang main reason kung bakit kami humantong sa hiwalayan.

Sideway of Chances ( High School Series 1 )Where stories live. Discover now