Kheanna's POV
2 weeks? 3 weeks? Ganun na pala katagal ang naging pamamalagi ko rito sa hospital. Pabalik-balik sina Dustine at Ely, maging sina Kuya ay ganundin para sa pagbabantay.
Habang tumatagal, parang mas lalo ako'ng nanghihina. Hindi sanay ang katawan ko'ng puro nalang higa dito sa hospital bed. Ayoko ng ganito pero oa lang talaga sina Mom para pahabain ang recovery ko.
"Nag-quiz kami kanina. Perfect ni Dustine kaya maaga kami'ng pinauwi," wika ni Ely habang nagbabalat ng mansanas.
Napabuntong-hininga nalang ako. Ilang lessons na ang na-fail ko'ng atenan at ayaw ko naman iasa nalang kay Kuya ang grades ko. I am still responsible for it. Hind porke teacher namin siya ay iaasa ko na.
"Sina Sheila? Kamusta sila? Si Deceryl?" tanong ko.
"They're good. Bukas na nga pala discharge mo noh?"
"Oum!"
Discharge day ko na nga pala bukas. Sa wakas, makakaalis na rin ako sa kwarto'ng ito. Namimiss ko na rin pumasok.
Pero mas miss ko si Sean. Eme!
"Tahimik mo ah? Miss mo?" pilyong tanong ni Ely.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha? Sino naman?"
"Yung ex mo'ng nag-ala superman 'nung nakidnap ka. Sheesh, haba ng hairlalu mo, Khea. Hindi ko na ma-braid."
Sinimangutan ko siya bago umayos ng higa. Ramdam ko pa rin naman ang kunting sakit sa tagiliran ko pero kaya naman. I don't want to stay longer here.
"Matutulog muna ako, Ely. Inaantok nalang ako palagi dahil sa gamot na tinuturok sa'kin,"
"Sige!"
Lumabas din agad siya nang mamaalam ako'ng matutulog na. Ipinikit ko na ang aking mga mata pero kahit ano'ng pilit, hindi ko magawa ni umidlip man lang. May mga bagay na gumugulo sa isipan ko. My what if's.
Hanggang sumapit ang gabi, hindi talaga ako nakatulog. Andito na rin si Klyde para magbantay pero ang loko, mas nauna pa'ng matulog sakin. Alas 7 na rin kasi at maya-maya lang ay darating na ang dinner ko.
Bumaba ako sa kama dala ang dextrose. Naiihi na kasi ako at ayaw ko naman gambalain pa si Klyde sa tulog niya. Kaya ko naman ang sarili ko, sila lang talaga ang OA.
"Let me help you!" boses ng kung sino.
Sa sobrang gulat ko ay muntikan na mahablot sa kamay ko ang dextrose. Nilingon ko naman ang nagsalita at si Dustine lang pala.
"Bakit ka ba nanggugulat?" reklamo ko.
Sumilay ang pilyong tawa sa labi niya. "I'm not! Gusto ko lang tumulong dahil ang bantay mo tulog." baling niya kay Klyde na nakabukas ang bibig.
Pinandilatan ko muna siya bago pumasok ng tuluyan sa cr. Ilang sandali lang 'yun at agad din ako'ng lumabas. Naabutan ko si Dustine na inaayos ang pagkakalagay ng mini table kung saan nakapatong ang dinner ko.
"Kumain ka na. But before that, wash your hands first." iminuwestra niya sa harap ko ang pagkain kaya agad ako'ng naupo.
Hahawakan ko na sana ang kubyertos nang mahina niyang hampasin ang kamay ko.
YOU ARE READING
Sideway of Chances ( High School Series 1 )
Novela Juvenil-COMPLETED- "Once is enough, twice is too much and thrice is over" Yan ang paniniwala ni Kheanna. She was left-behind by a person whom she thought her endgame. As the process continues, Kheanna convinced herself to move forward and heal on her own...