Step 2: chase
| present |
•°
mabilis lumipas ang mga araw, ilang buwan na rin pala, sariwa pa rin ang lahat, pakiramdam ko kahapon la'ng nangyari ang lahat, nasa labas ako ngayon ng bahay nila, ilang araw na kasi niyang hindi pinapansin ang mga tawag at message ko, kumatok ako sa gate nila at lola niya ang nagbukas
"magandang hapon po, nandyan po ba siya?" tanong ko
"nako hija, ilang araw na siyang hindi umuuwi" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa nalaman ko, kung ganoon nasa'n siya? hindi ko ipinahalata ang pag-aalala ko dahil ayoko ng makadagdag pa ito ng stress sa lola niya, nagpaalam na rin ako dito
naglakas loob akong ichat ang mga kaibigan niya, nagreply ang isa dito
nandito siya, tulog - tipid na reply nito, alam kong mukha na akong katawa-tawa sa mga mata nila pero wala saakin 'yon, ang importante malaman ko ang kalagayan niya, pumunta ako sa bahay ng dati niyang pinagtratrabahuan, mabait kasi ang amo niya doon kaya kinalaunan naging pamilya na rin ang turing sakanya, nandoon siya tuwing may okasyon o kung kailan nila gusto, malayo pa la'ng ako ay rinig ko na ang napakalakas na kantang pinapatugtog nila, nang nasa tapat na ako ng gate ay kumawala ang mga usok na nanggagaling sa loob, naubo pa ako nang malanghap ko ito tanginang vape 'yan
"nandyan ba siya?" tanong ko sakanila, nandoon ang mga kaibigan niya, natahimik ang mga ito nang makita ako, sumenyas silang nasa loob, pumasok ako at pinuntahan ang kwartong tinuro nila, maraming bote ng alak sa paligid, nagkalat ang mga gamit doon, nasa sahig ang mga damit at nakakahilo ang amoy sa loob, amoy alak na nakulog, nakahiga siya sa kama at nakaopen ang screen ng cellphone niyang nakatutok sa mukha niyang natutulog, sinilip ko ito, may ka-video call siya, pinigilan ko ang sarili ko sa kung anong emosyong gustong kumawala sa puso ko, tulog pa ang babae kaya mi-nmute ko ang call nila at tinaob ko sa kama ang cellphone, dahan-dahan kong tinapik ang balikan niya
"love, gising" saad ko dito, nakailang tapik pa ako bago siya nagising, minulat niya ang mata niya at kitang-kita ko ang pangangasim sa ekpresyon nito
"anong ginagawa mo dito?" tanong niya at umupo sa kama, halatang-halata mo sa boses nito ang pagkakainis
"hindi ka kasi nagpaparamdam, nag-aalala la'ng ako sa'yo, pumunta rin ako sainyo, ilang araw kana raw hindi umuuwi, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko dito
"ano bang pakialam mo? tapos na tayo! bakit ka ba nanghihimasok pa sa buhay ko? puwede ba, hayaan mo na ko." sigaw nito, alam kong naririnig kami ng mga kaibigan niya sa labas dahil sa lakas ng sigaw nito, pinigilan ko ang sarili kong magkaroon ng ekspresyon sa inasta nito
"nag-aalala la'ng ako" sagot ko dito
"umalis ka na" pagtataboy nito, kinuha niya ang cellphone niya at pinatay ang tawag nila, nakita kong tulog pa rin sa screen iyong kausap niya, may chinat siya dito at nilapag na niya sa lamesa ang cellphone niya
"kumain ka na ba? ipagluluto kita, inom ka nanaman ng inom" panenermon ko dito, yumuko ako para pulutin ang mga nagkalat niyang damit sa sahig nang pigilan ako nito
"umalis ka na" ang pag-uulit niya
"mahal mo na ba siya? hanggang pagtulog katawagan mo siya, tayo dapat 'yan eh, bakit ba pinapahirapan mo pa ako? bumalik kana sakin" saad ko dito
![](https://img.wattpad.com/cover/337053763-288-k84939.jpg)
YOU ARE READING
15 Steps to Move On by Mitty Chan
Lãng mạnwhat a plot twist you were _____ Started: 03/18/2023 Completed: ---