8

6 1 0
                                    

Step 5: deny everything at all cost

| present |

•°

nasa byahe ako ngayon, papunta ako sakanila dahil may sakit siya, tinignan ko ang wristwatch ko, magtatanghali na pala, mamaya pa akong hapon makakarating sakanila, sinandal ko muna ang ulo ko sa upuan at tumingin sa bintana, blanko ang pag-iisip ko, nakatitig la'ng ako buong byahe sa mga tanawing nadadaanan namin.

nang makarating ako sa lugar nila ay nagarkila na la'ng ako ng tricycle papunta sa bahay nila, tahimik nanaman ang bahay at wala nanaman ang lola niya, mag-isa nanaman siya ulit sa bahay nila. dire-diretso na akong pumasok sa loob dahil nakasanayan na ata nilang iwan itong nakabukas, okay la'ng iyon dahil kamag-anak naman nila ang mga kapitbahay nila. pinihit ko ang doorknob ng kwarto niya at nakita ko siyang nakahilata sa kama habang nakabalot ang katawan niya ng kumot, tumabi ako dito at hinawakan ang noo niya

"Love, ang init mo. ano bang ginawa mo?" tanong ko dito, minulat niya ang mga mata niyang namumula pa

"galing ako sa inuman no'ng isang araw, sumakto pang umulan kaya natuluyan ako" saad nito, tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng kwarto, kumuha ako ng maliit na planggana at malinis na bimpo sa sampayan nila, nilagyan ko ito ng tubig galing sa gripo at mainit na tubig galing sa thermos nila, hinalo ko ito at nang makuha ko na ang maligamgam na temperatura ng tubig ay dinala ko na ito sa kwarto

muli akong umupo sa tabi niya at dahan-dahang pinunasan ang mukha niya pababa sa leeg niya, pinapakiramdaman ko kung aanggal siya pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya, sunod ko namang pinunasan ang mga braso niya saka muling kinumutan siya, itinabi ko ang plangganang may laman na tubig at tumabi sakanya sa kama

"love?" tawag ko dito, hindi siya nagsalita kahit na alam kong gising siya, napatingin ako sa lamesa niya, wala na doon ang mga litrato naming dalawa, pumukaw ng pansin ko ang bote ng pabangong alam kong hindi saakin at mas lalong hindi sakanya, color pink ito at malakas ang kutob kong sa bago niya ito, nakapunta na pala ito dito, ani ko sa isipan ko.

"nakapunta na siya dito?" tanong ko na hindi ko mapigilang bigkasin sakanya

"oo" sagot nito na mas lalong nagpasikip sa puso ko, kaya pala wala na rito ang mga gamit na binigay ko sakanya

"nasa'n si smiley?" hindi ko na kasi ito nakikita dito, noong huli ay nasa kama pa niya ito

"tinago ko, nasa loob ng cabinet, kung kukunin mo sa may bandang kanan sa pinakababa" saad nito, nanggigilid naman ang luha ko sa sinabi nito, wala na nga talagang halaga sakanya ang lahat ng mga binigay ko, umiling-iling ako na para bang inaalis ko ang lahat ng nasa isipan ko, ayokong gumawa ng ikakagalit niya ngayon lalo na't may sakit siya

"kilala na siya ni lola?" pag-iiba ko na la'ng sa usapan

"oo" sagot nito, nagustuhan kaya siya ni lola? tanong ko sa isipan ko, sana mahalin niya rin ito gaya ng pagmamahal na ibinigay ko dito, parang nanay na ang turing ko doon kahit na may mga pagkakataong hindi ko nagugustuhan ang tratong ibinibigay niya sa apo niya

"nagustuhan siya?" tanong ko

"sakto la'ng" sagot nito, napatango na la'ng ako, nilingon ko siya at nanatili itong nakapikit, para la'ng akong naghihingi ng update sa kaibigan ko, pero ang totoo niyan, durog na durog nanaman ako sa kaloob-looban ko, pilit kong tinatago ang mga sakit sa tanong ko, sinisigurado kong hindi magtutunog nasasaktan ang boses ko.

15 Steps to Move On by Mitty ChanWhere stories live. Discover now