6

15 1 0
                                    

Step 4: exceed your limit

| present |


•°°

tahimik ang paligid, tunog la'ng ng bentilador at patak ng ulan ang maririnig mo, alasdos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, ramdam ko ang hagod ng alak sa lalamunan ko kada lagok ko dito, napatawa ako sa ideyang iyon, sinong mag-aakalang kakaadikan ko rin pala ito,  hindi ko maintindihan ang mga taong nalululong sa alak noon, madalas ko pang tanungin kung anong nakukuha nila dito pero sa totoo la'ng, para itong gamot na kaparehas ng epekto sa mga sleeping pills na nasubukan ko, bukod sa mas mura pa, di-hamak na mas safe pa.

muli kong sinalinan ang baso ko at nilagok ito, naalala ko noon, pangiwi-ngiwi pa ako kapag nakakatikim ng alak, samantalang ngayon parang tubig ko na la'ng, hindi totoong nakakalimot ka kapag nakakainom ka, ang totoo niyan, nailalabas mo lahat kapag lasing  ka na, naiiyak mo lahat ng kinikimkim mo at pagkatapos ng lahat ng hinaing mo ay makakatulog ka--iyon la'ng naman ang habol ko dito, pero bukod doon ay may kakaiba itong tama saakin na nagiging dahilan ng kawalan ng kontrol ko sa emosyon ko; lumalakas ang loob ko.

panay ring la'ng ang naririnig ko, tinawagan ko ito ng paulit-ulit hanggang sa sagutin niya ito

"hoy! hoy ikaw!" sigaw ko dito

"nakainom ka ba?" tanong nito

"oh eh ano? umiinom ka rin naman e, edi parehas na tayo? saka bagay pa tayo" sana hindi ko pagsisihan ang lahat ng ito bukas o sana nga hindi ko na la'ng maalala, alam ko ang sinasabi at ginagawa ko, sadyang mas malakas la'ng ngayon ang emosyon ko kasya sa pag-iisip ko, hindi ko mapigilan ang mga pinaggagawa ko, pakiramdam ko sasabog ako kapag hindi ko ito nagawa, baliw na ata ako.

"ibababa ko na"

" 'wag! 'wag mo kong iwan" nanghihinang saad ko dito, hindi siya sumagot, kahit nanlalabo ang mata ko ay tinignan ko ang cellphone ko, hindi naman pala niya pinatay sadyang ayaw la'ng niyang magsalita kaya ako na la'ng ulit ang nagsalita

"sabi mo mahal mo ko, sabi mo babawi ka" sumbong ko dito, naalala ko kasing noong minsang ginagawa namin iyon ay sinabi niya sa kalagitnaan naming babawi siya sa lahat ng nagawa niya, hindi ko naman alam na may duration la'ng pala iyon at applicable la'ng yon kapag nasa kama

"bakit hindi ka bumabawi? bakit patuloy mo pa rin akong sinasaktan ha?" ang malakas na loob na tanong ko dito

"lasing la'ng ako no'n, wala ako sa katinuan kaya nasabi ko 'yon" sagot nito na taas noo ko rin namang sinuklian

"pwes lasing din ako ngayon, humanda ka, humanda ka talaga kapag nabawi kita" pananakot ko dito

"oh anong gagawin mo kapag nabawi mo ko? sasaktan mo ko ulit, gaganti ka? lolokohin mo rin ako?" sunod-sunod na tanong nito, sobra ng bigat ng ulo ko at hindi ko na malabanan ang antok ko shit, lumalakas na ang epekto ng alak at hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga mata ko

"kapag nabawi kita---" aalagaan kita, mamahalin kita at handa kong kalimutan lahat ng ginawa mo saad ko dito na sa isip ko na la'ng pala nasabi, napapikit na ako at dumilim na ang buong paligid, may naririnig pa akong nagsasalita pero wala na ako sa katinuan para intindihin ito

°•°

tulala ako sa lamesa habang humihigop ng kape ko, sobrang sakit ng ulo ko na parang nakasanayan ko na rin tuwing sasapit ang umaga, pero may kakaiba ngayon, nakatitig ako sa cellphone ko habang naka-open ang convo namin at bungad dito ang call naming tumagal ng two hours tangina ano nanamang ginawa ko? tanong ko sa sarili ko, mas lalong sumakit ang ulo ko nang pilitin kong alalahanin ang mga napag-usapan namin kagabi pero iilan la'ng talaga ang naaalala ko, saka sigurado akong hindi lalampas ng kalahating oras iyon kaya paanong tatagal ang tawag namin ng dalawang oras? baka nakalimutan niya la'ng patayin pangungumbinse ko sa sarili ko kahit alam ko namang iritable siya sa boses ko, ibinaba ko na ang cellphone ko at nagfocus na la'ng sa kape ko

dinala nanaman ako ng mga paa ko sa mall, ewan ko ba, bigla ko na la'ng nakita ang sarili kong naliligo kanina at nagbibihis panlakad, mas okay na rin siguro ito dahil baka magbigti pa ako sa kalungkutan kapag nanatili ako sa bahay.

naglakad-lakad la'ng ako tutal bihira la'ng naman ako makaramdan ng gutom kaya pinapagod ko na la'ng ang paa ko sa paglalakad, napahinto ako sa mga stuffed toys sa isang store, umagaw ng pansin ko ang kulay dilaw na parang emoji na nakangiti, dinampot ko ito at hinaplos ang nakakurbang labi nito na nakangiti, hindi ko namalayang nakangiti na rin pala ako, kinuha ko ang wallet ko at tinignan ang laman nito, 300 na la'ng pala ito at kung isasama ang mga barya ko ay makakaabot pa ito ng 350, kasya na ang singkwenta pamasahe ko pauwi, 300 kasi ang presyo nitong stuffed toy, magdadalawang linggo na kong walang trabaho kaya todo rin ang pagtitipid ko dahil walang pumapasok na pera saakin, gustuhin ko mang pumasok ay ayaw akong tanggapin ng boss ko, nakakadagdag la'ng daw ako sa trabaho at sesesantihin niya na raw ako ng tuluyan kapag nagpumilit pa ako, kaya heto, wala akong choice kungdi maging tambay at mas kainin pa lalo ng lungkot dahil palagi akong mag-isa o di-kaya ay nasa bahay.

pagkabayad ko sa cashier ay umuwi na rin agad ako, hanggang sa byahe ay yakap-yakap ko na ito, pakiramdam ko gumagaan ang loob ko kapag hawak ko ito, ilang gabi ang nakalipas at ito ang karamay ko sa tuwing umiiyak ako, naging routine ko na--na pagkatapos kong magmakaawa sakanya ay iiyak ako hanggang sa mapagod ang mga mata ko at makatulog ako habang yakap ito.

tatlong araw na simula binili ko ito, pinangalanan ko siyang si smiley dahil kahit gaano kabigat ang dinadala ko ay napapangiti ako kapag tinitignan ko siya, sinigurado kong malinis ako bago ko siya hawakan at yakapin dahil nagplaplano akong ibigay ito sakanya, pakiramdam ko kasi kahit wala na ako sa tabi niya ay magiging okay siya basta nasa katabi niya ito, kahit na alam ko namang okay siya kahit wala ako, baka kasi maramdaman din niya ang kakaibang pagka-kalma na naibibigay nito saakin

°°•

kinabukasan pumunta ako sa pinakamalapit na courier saamin, ipapadala ko na kasi si smiley ngayon, medyo malayo kasi ang tinitirhan niya saamin at aabutin pa ako ng ilang oras para makarating doon, bukod sa wala akong kasiguraduhan kung maabutan ko siya doon ay minabuti ko na la'ng na ipa-package ito sakanya, excited akong finill-upan ang form at inilagay ang name at address niya, lumabas ako ng office na masaya.

nasa park ako ngayon, ala-sais na pala kaya medyo madilim na, nakaupo la'ng ako sa swing at dinuduyan ito ng dahan-dahan, nakita kong online siya kaya kaagad akong nagchat

uy, may regalo ako sa'yo - ang masaya kong bungad dito, nagseen siya kaya lumiwanag ang mukha ko, ilang minuto na ang nakalipas pero wala akong reply na natanggap, napatawa ako, sanay na ako pero ang sakit pa rin pala

ingatan mo 'yon ha, importante saakin 'yon - muling chat ko dito at hindi na siya nagseen pa at nanatiling delivered ang message ko

nilakasan ko ng kaunti ang pagtulak sa swing ko gamit ang paa ko hanggang sa hindi ko na nararamdaman ang lupa na sumasagi sa paa ko, kasabay nang mabilis na paggalaw ng swing ko ay ang pagtulo ng mga luha ko

15 Steps to Move On by Mitty ChanWhere stories live. Discover now