9

12 1 0
                                        

Step 6: always cry.

| present |

ilang araw na ang nakalipas at sigurado akong magaling na siya, nakita ko kasing fineflex nanaman niya ang bago niya habang magkasama sila, ang sikip nanaman ng puso ko, hindi na ata ako masasanay sa sakit na ito, inopen ko ang convo namin at nagmessage sakanya

okay ka na ba? - message ko dito, nagseen din naman siya kaagad at nireplayan ako

oo - reply nito, tinignan ko ang orasan, alas-onse na pala ng tanghali

tawag ako - saad ko dito at hindi na naghintay pa ng reply niya bago pindotin ang call button, ilang ring la'ng ay sinagot din niya ito

"kumusta pakiramdam mo?" bungad na tanong ko dito

"okay na ako, noong isang araw pa" sagot naman nito

" ba't hindi mo ako inupdate?" ang may bahid ng tampo na tanong ko dito

" sorry, naging busy ako" sagot naman nito, kahit na alam ko ang totoo ay hindi na ako kumontra pa

"ikaw ba kamusta na?" ginanahan naman ako sa tanong nito, totoo ba ang naririnig ko? kinakamusta niya ako, sobrang saya ko kasi naiisip na niya ulit ako

"okay la'ng din, Love. kumain ka na ba?" tanong ko dito

"hindi pa nga eh, ipagluto mo nga ako" biro nito, natawa naman ako sa sinabi nito, unti-unti na ba kaming babalik sa dati? hindi ko maiwasang mapangiti ng sobra sa ideyang iyon

"baliw, kung malapit la'ng ako eh" saad ko dito, muli ko nanamang naalala iyong nangyari saakin noong nakaraang punta ko sakanila, nagkaroon nanaman tuloy ako ng panibagong trauma

"ikaw na la'ng kainin ko" saglit akong natahimik sa sinabi nito, kaya pala malambing, ani ko sa isipan ko, para akong nawalan ng lakas at nawala ang mga ngiti sa labi ko

"gago" saad ko dito

"bakit ayaw mo ba?" tanong nito sa tonong nang-aasar

"sige..." ang salitang tanging lumabas sa bibig ko

"mamaya ha, sunduin kita" ani nito at namatay na ang tawag, naiwan akong nakatulala sa kawalan, napansin ko na la'ng na may tumutulong likido papunta sa leeg ko, tangina, umiiyak nanaman ako. bakit ba hindi ako masanay-sanay?!marahil tuwing tinatrato niya akong ganito ay ang mga masasayang ala-ala pa rin namin ang naaalala ko, palaging puso ang umiiral saakin pagdating sakanya. hindi naman kasi niya ganito ako ituring noon, busog na busog ako sa pagmamahal at palaging nangingibabaw ang respeto niya saakin noon.

palagi kong iniisip na kasalanan ko kaya humantong kami sa ganito, pinagod ko ang taong mahal na mahal ako, kasalanan ko ito lahat kaya wala akong karapatang magreklamo, hindi ko maipagkakailang may mga pagkakataong namimiss ko rin ang pakiramdam na nilalambing na walang kapalit, ang may nagtatanong kung kumusta ang araw ko at sasamahan ako tuwing nalulungkot ako, ngayon kasi ako na la'ng mag-isa, ni hindi ko na maalala kung ano ba ako noon.

nag-ring ang cellphone ko at bumungad saakin ang pangalan ni kathleen, dating katrabaho ko, hindi ko na namamalayan ang araw, ilang buwan na pala ang nakalipas simula tuluyan akong masesante sa trabaho, hindi na rin ako nagreklamo nang tuluyan akong patigilin  ng boss namin sa pagpasok dahil alam ko rin naman sa sarili kong palagi akong wala sa katinuan, mabait naman ang boss namin, kaso syempre pagdating sa trabaho ay strikto siya, puwede naman daw akong bumalik kahit kailan basta kaya ko ng isantabi ang trabaho sa mga personal na problema ko, mabuti na la'ng ay may mga naitabi akong ipon sa bangko na siyang ginagamit ko sa araw-araw.

napabalik ako sa ulirat nang muling mag-ring ang cellphone ko, hindi ko pala nasagot ang unang tawag niya, pinindot ko ang answer at itinapat sa tenga ko ang cellphone ko

"uy kath, 'musta?" saad ko dito

"ikaw ang kumusta walangya ka, ghinost mo kami!" natawa naman ako sa sinabi nito

"hoy hindi ah, medyo la'ng" saad ko naman dito

"anyway, balik kana raw sabi ni boss, wala raw makatapat sa galing mo" ani nito

"well ako la'ng 'to"

"oo, ikaw la'ng 'yan, si mitty na martyr na hanggang ngayon habol pa rin ng habol sa ex niya, kabet na kabet tunugan natin friend ah?" pang-aasar nito, kahit kailan talaga hindi na nagbago ang tabas ng dila nito, isa si kathleen sa mga una kong nakaclose noon sa trabaho noong bago pa la'ng ako, prangka rin kasi ito at lahat ng nasa isipan niya ay sinasabi niya agad kahit na minsan nakakalimutan niyang nakakasakit na siya

"bunganga mo pasmado!" saad ko naman dito

"the pleasure is mine" sagot naman niya

"ulol" ang tanging nasabi ko na la'ng

"pero seryoso, pwede ka na raw bumalik sabi ni Boss, may mini gathering bukas sa may office, 1 pm, pumunta ka kung ayaw mong kaladkarin kita diyan palabas ng bahay niyo, tigilan mo na kakamukmok! get your life back bitch!" ang matilis na boses nito

"oo na oo na letse ka"

"ge bye" saad nito at binaba na ang tawag, for once sa loob ng ilang buwan pakiramdam ko ngayon la'ng ako nakaramdam ng ganitong saya, ang saya na may naghahanap saiyo, i isolate myself from everyone, hindi ko kinakausap ang lahat ng kaibigan ko sa kadahilanang ayoko kumausap ng iba maliban sakanya, pinaikot ko ang mundo ko sakanya dahil sa paulit-ulit na paninisi ko sa sarili ko.

lumipas ang mga oras at alasingko na ng hapon, nagtext siyang nasa labas na siya ng bahay namin, naaninag ko naman ang kulay pula niyang kotse sa labas ng gate namin, tumayo na ako at nagpaalam na aalis muna ako

"ate, akala ko ba wala na kayo? nakikita ko sa fb niyang iba na ang pinopost niya ah?" ani ng nakababata kong kapatid na babae, napansin siguro niya ang kotseng nakaparada sa harapan

"wala na nga, magkaibigan na la'ng kami" ang pagsisinungaling ko, hindi na siya muling nagsalita pa at nagsimula na akong humakbang palabas ng bahay, mabibigat ang mga yapak ng paa ko, para bang gusto kong tumigil maglakad pero wala akong lakas para gawin ito, nagflashback nanaman ang mga ala-ala naming dalawa, parati niya akong sinusundo noon, gamit din ang kulay pulang kotse na nasa harapan ko, pero hindi  gaya noon, hindi na ako masaya tuwing sumasakay ako dito, bumungad saakin ang matamis na amoy pagkapasok ko ng sasakyan, nakaramdam ako ng hilo sapagkat hindi ko hilig ang ganitong klase ng pabango, napansin niya ito kaya binuksan niya ng kaunti ang bintana

"sorry, hinatid ko kasi muna siya sakanila bago ako pumunta dito" paliwanag nito na sana hindi na la'ng niya ginawa

"gano'n ba" ang naging saad ko na la'ng, tahimik la'ng kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa hotel na binook niya, nauna na siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako nakaramdam ng kilig, nasanay kasi akong palaging nangingibabaw ang saya kaysa sa lungkot kapag kasama ko siya, hindi ko maintindihan ang sarili ko sa kakaibang nangyayari saakin ngayon.

hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob, pagkatapos isettle ang lahat sa counterdesk ay kaagad na rin kaming sumakay ng elevator, tahimik la'ng ako sa tabi niya

"tahimik mo ata ngayon?" tanong niya, nasanay kasi siyang napakadaldal ko tuwing nandito kami, sunod-sunod ang mga tinatanong ko sa mga nangyari sakanya sa buong araw, pero iba ngayon, tahimik la'ng ako at para bang nawala lahat ng lakas kong sakanya ko la'ng kinukuha, nasa tapat na kami ng room namin at tinapat la'ng niya ang beepcard sa lock ng pinto at bumukas ito, pagkapasok na pagkapasok namin ay kaagad niya akong hinalikan.



15 Steps to Move On by Mitty ChanStories to obsess over. Discover now