Step 1: Beg
| present |"ate, ikaw muna magbantay sa tindahan, tatapusin ko la'ng assignment ko" tumango ako at nagtungo na sa tindahan namin, naupo ako sa harap at nagmuni-muni, day-off ko ngayon, wala akong ganang gumala kaya tumambay na la'ng ako dito sa bahay. wala namang bago, pakiramdam ko napakabagal ng oras ngayon
"mits!" tawag ng kaibigan ko sa labas, napalingon ako
"uy wakin! musta?" tanong ko dito, lumabas muna ako ng tindahan, wala rin naman kasing masyadong nabili
"ikaw ang kamusta, tulala ka diyan eh" napakamot na la'ng ako sa sinabi nito, masyado na ba akong halata?
"ahhh wala naman, masyado la'ng madaming iniisip" sagot ko na la'ng
"nakita ko post mo ah"
"sa facebook?" tanong ko
"oo, anyare? wala na kayo?" tumango la'ng ako sa tanong nito
"bakit?" tanong niya ulit
"eh sa wala na eh, haha, napagod daw, napagod din naman ako eh, ilang beses, pero hindi naman ako bumitaw" saad ko dito
"gago 'wag kang iiyak hindi ako marunong magcomfort ng babae" natawa naman ako sa sinabi nito
"epal, paiyak na ko eh" biro ko dito, nagkwentuhan la'ng kami at maya-maya ay nagpaalam na rin siya
ano nanaman kayang gagawin ko? pakiramdam ko mababaliw ako sa lungkot kapag mag-isa, hindi ko naman masabi ang mga ganitong bagay sa pamilya ko dahil simula pagkakabata ay mailap na ako sakanila, hindi naman sila masamang tao, sadyang kinalakihan ko la'ng na hindi nagsasabi ng problema sakanila.
wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw, tatayo kapag may bibili, magsusukli, uupo at tatayo ulit, hanggang sa unti-unti ng dumidilim, pagtingin ko sa orasan ay alasyete na rin pala, dumating na rin ang kapatid ko at sinabing siya na raw ang magsasara ng tindahan.
dumireto ako sa kwarto ko at humiga sa kama, nakatitig la'ng ako sa kisame, dalawang linggo na simula makipaghiwalay siya pero pakiramdam ko, taon na. ayan nanaman, tumutulo nanaman ang luha ko ng hindi ko namamalayan, may katapusan kaya itong mga luhang 'to?
kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang fb ko, online nanaman siya pero wala ako ni isang message na natanggap sakanya, sinubukan kong iistalk ang profile niya, para nanamang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko, todo flex siya sa bago niya at makikita mong suportado iyon ng mga kaibigan niya, may parte saaking naiinggit, hindi ko kasi ganoong kaclose ang mga kaibigan niya dahil sa ugaling mayroon ako, ugaling hindi ko mabago-bago, isang ideya ang pumasok sa isipan ko at sa dami ng tumatakbo dito ay ramdam kong nawawala na rin ako sa katinuan, pero balewala saakin iyon, ang importante ay magawa ko ang sinasabi ng isip ko, kailangan kong mapakita sakanya lahat ng nagustuhan niya sa bago niya, kailangan maging kaulad niya rin ako, kasi pagkukulang ko la'ng naman ang nakita niya doon
tinawagan ko siya at nag-ring ito see? nag-riring, mahal ako no'n walang ibang kausap 'yon, maya-maya la'ng ay naputol ang pag-ring nito hudyat na cinancel niya ang tawag ko, minessage ko ito
Asa work ka pa ba? call tayo - at sinend ko sakanya, nanatili akong nakatitig sa screen ko habang tinitigan ang active now niyang status, nasundan pa ito ng sunod-sunod na message dahil nakikita ko namang nagdedelivered ang mga messages ko, sinubukan kong tawagan ulit siya pero connecting na ito, nagsend ulit ako ng message
nawalan ka ba net? chat ka kapag mayroon na, wait kita, i miss you - at muli ay sinend ko ito sakanya
lumipas ang mga oras at nanatiling unread ang mga messages ko, nasubaybayan kong isa-isang magdelivered ang mga chat ko ngunit wala pa rin akong reply na natanggap sakanya, muli kong inistalk ang profile niya at nakitang 2 minutes ago ang mga shared post niya, para naman akong paulit-ulit na pinapatay sa mga nararamdaman ko, pero balewala saakin 'yon, tinatawag na ako ng pamilya ko para kumain pero tumanggi ako, hindi kasi ako nakakaramdam ng gutom, bigla kong naalalang wala pa pala akong kain buong maghapon, muli kong sinulyapan ang cellphone ko at nakitang alas-otso na pala ng gabi, sinubukan ko ulit siyang i-chat
YOU ARE READING
15 Steps to Move On by Mitty Chan
Romanswhat a plot twist you were _____ Started: 03/18/2023 Completed: ---