Step 3: be desperate
| present |
•
friday ngayon, cinocompute ko ang total expenses ng company namin sa nagastos last project, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong isang-tabi ang problema ko kapag nasa trabaho ako, pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapigilan, naka-ilang ulit ako sa ginagawa ko dahil may kulang sa computation ko, paulit-ulit kong iniisip kung saan ako nagkamali pero walang akong maisip na dahilan, bigla-bigla akong matutulala at mabablanko, maya-maya la'ng lumapit na saakin ang boss ko at ano pa bang aasahan ko? napagalitan nanaman ako.
maaga akong pinag-out at syempre kalahati la'ng ang sweldo ko para sa araw na ito, ngayon la'ng ako nagkaroon ng pagkakataong tignan ang cellphone ko, kapag nasa trabaho kasi kahit papano ay nagiging busy ako kahit na wala doon ang isip ko.
bumungad saakin ang message niya, ito ang kauna-unahang siya ang unang nagchat saakin
asan ka? - simpleng chat la'ng nito pero sobra na akong nabuhayan, nireplayan ko siyang maagang natapos ang work ko ngayon
punta ka dito - nagulat ako sa sinabi nito, naguguluhan man ay hindi na ako nagtanong pa, madaming tumatakbo sa isipan ko, makikipag-ayos na ba siya? magiging okay na ba kami? sobrang nagagalak ang puso ko sa mga oras na ito. Dumating ako sa bahay nila, wala ang lola niyang palagi niyang kasama dito, maayos ang bahay na palagi naman dahil masinop ang lola niya, sinabi niyang pumasok la'ng ako sa loob dahil iniwan niyang nakabukas ang gate at pinto nila, dumiretso na la'ng daw ako sa kwarto niya, pinihit ko ang doorknob at sinalubong nanaman ako ng naglalakihang usok galing sa vape niya, umagaw ng pansin saakin ang limang bote ng alak sa lamesa niya, lahat ito wala ng laman, nakaupo siya sa kama at nakasandal ang kanyang likod sa headboard, sinenyasan niya akong tumabi sa tabi niya
"Love?..." tanong ko dito
"kamusta ka?" anong niya
"okay la'ng, ikaw ba? kumain ka na ba? may problema ba?" ang nag-aalala kong tanong dito pero wala ni isa siyang sinagot sa mga ito
"namiss kita" nagulat ako sa sinabi nito, namiss...namiss niya ko? talaga ba? halos maiyak na ako sa tuwa
"i miss you too, love. miss na miss na kita" ang masayang saad ko, tinignan ko ang kanyang mga mata at sinuri ito, may kakaiba sa mga mata niya ngayon, isang bagay na ayokong isipin, ayokong tanggapin
"i love you" bigkas nito, hindi ako kaagad nakasagot sa pagkagulat dito, mahal niya ako... pero bakit parang may mali? parang may iba?
"mahal mo rin ako diba?" ulit na tanong nito habang palapit ng palapit saakin
"L-Love?...love...anong ginagawa m-mo?" ang nag-aalangan kong tanong habang lumalayo ng kaunti sakanya, hindi bago saakin ang bagay na ito sapagkat paulit-ulit kong ibinigay ang sarili ko sakanya noong kami pa, lahat ng bagay para mapatunayan ang pagmamahal ko ay ginawa ko sakanya at wala akong pagsisisi doon, pero iba na ngayon, may girlfriend na siya at hindi na ako iyon, hindi ako ang pinili niya, i chase him to choose me, i chase him to be with me, to have a second chance to prove my worth, hindi ako naghahabol para sa wala, patuloy kong inaayos ang relasyon namin dahil mahal na mahal ko siya, dahan-dahang dumampi ang labi niya saakin, hindi ako makagalaw
"response love" ang puno ng pagnanasa na saad nito, hindi ako makapag-isip ng maayos, nakita ko na la'ng ang sarili kong sinusuklian ang mga halik niya
"love..." tawag ko dito
"hmmmn?" ang malambing niyang saad, i miss this voice... palagi na la'ng kasing sigaw ang nakukuha ko sakanya ngayon
"may...may girlfriend kana d-diba, why...why do it with me?" nagtigil siya sa paghalik sa leeg ko
"we never do it, sa'yo ko la'ng gustong gawin ito" sagot nito at itinuloy ang ginagawa niya, hindi ko alam ang mararamdaman ko, it means he still love me right?, mahal niya pa rin ako and that's what only matters, i hugged him tight and change our position, i'm now above him like he always love, as i do the work, i looked straight at his eyes, hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan naman niya ang kamay ko, tumulo ang luha ko, hindi niya ito nakita sapagkat nakapatay ang ilaw, i miss this man , kung sa ganitong paraan la'ng kita makakasama then be it.
nang matapos kami ay kaagad din siyang nakatulog, binalot ko ang sarili ko ng kumot at tumabi sakanya, hindi ko mapigilan ang maiyak, kinagat ko ang labi ko upang hindi ito makalikha ng ingay, baka kasi magising siya. kailan ba ako masasanay sa ganitong trato niya? bakit patuloy pa rin akong nasasaktan sa kabila ng paulit-ulit na dahilan, unting-unti ng naglalaho ang taong minahal ko pero patuloy akong kumakapit dahil sa pangakong hindi ko binigkas sa harapan niya ngunit patuloy kong tinutupad ngayon, mananatili ako kahit sa mga oras na malabo na. naiiyak nanaman ako sa ideyang iyon, ako na la'ng ang lumalaban pero pilit ko pa ring inaayos ang sira na. just one chance, please one last chance. ang paulit-ulit na saad ko sa sarili ko, tumayo ako para hanapin ang mga damit ko, nakakakalat pala ito sa sahig, dinampot ko ito isa-isa , napakalabo nanaman ng mata ko dahil sa mga luhang patuloy na kumakawala dito, hindi ko maiwasang maalala kung paano niya ako itrato noon
"do you like it?" tumango ako sa tanong nito, sunod-sunod ang unggol na lumabas saaking bibig
"i love you, love" saad nito habang tinitignan ako ng puno ng pagmamahal
"ang ganda-ganda mo, ang ganda ng asawa ko" namula naman ako sa sinabi nito, how can we make love and still make me blush? damn this man.
"bolero" saad ko dito
"totoo kaya"
"a-ako la'ng l-love ha? ughmn.." i said between my moans
"ikaw la'ng pangako" sagot nito, nang matapos kami ay hinalikan niya ako sa noo at pinunasan ang pawis ko
"naks ang sweet ah, parang gusto pang mag-second round" biro ko dito
"bakit kaya mo pa ba?"
"tangina mo" natawa siya sa reaksyon ko, kinuha niya ang mga damit ko at binihisan ako saka inabutan ng tubig
"i love you" saad nito habang nakatingin saaking mga mata, nakahiga na kami sa kama
"i love you too, tulog na tayo?" tanong ko dito, pinalapit pa niya ako sakanya para humiga sa braso niya at mayakap ng malapitan, hinalikan niya ulit ako sa noo at pumikit na, nakangiti akong nakatulog.
pagkadampot ko sa mga damit ko ay kaagad akong dumiretso sa banyo at naligo, napakasikip ng puso ko, hirap na hirap akong huminga, binilisan ko ng maglinis ng katawan at nagsuot na ng damit. muli akong bumalik sa kama at umupo sa tabi niya, umilaw ang cellphone niya hudyat na may notification, sinulyapan ko siya at mahimbing pa rin siyang natutulog, dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya at binuksan ito, naopen ko naman dahil walang password, bumungad saakin ang convo nila, kahit na alam kong ikakasakit ko lalo ito ay patuloy akong nagscroll up, napakalambing niya dito, nalaman ko ring kachat niya ito kanina bago niya ako papuntahin dito, dapat ko bang ikasaya ito? napakasaya ng mundong mayroon sila, ganitong-ganito kami noong nagsisimula pa la'ng, walang katapusang mga tanungan tungkol sa sarili namin para mas lalo pang makilala ang isa't isa, kahit alam ko na ay masakit pa rin pala, masakit na makitang nagsisimula na siya sa iba habang ako ay naghahabol pa sakanya, nakita ko rin dito ang mga litratong magkasama sila, dapat ko bang ikasaya na nasa kanya ang assurance pero nasa akin siya pagdating sa kama?
isa...dalawa....naulit ito ng ilan pang beses, patuloy kong binigay ang sarili ko sakanya sa kabila ng katotohanang may iba na siya, patuloy kong pinanghawakan ang pagmamahal na mayroon pa rin sakanya, umaasa akong kapag ginawa ko ang lahat ng ito ay babalik kami sa dati, na baka maisip niyang ako pa rin talaga
![](https://img.wattpad.com/cover/337053763-288-k84939.jpg)
YOU ARE READING
15 Steps to Move On by Mitty Chan
Romancewhat a plot twist you were _____ Started: 03/18/2023 Completed: ---