10

10 1 0
                                    

| present |

•°

⚠️warning⚠️

sunod-sunod ang mga halik na ibinigay niya sa labi ko, para itong hayok na hayok sa paghimas sa bawat parte ng katawan ko, marahan niya akong inihiga sa kama nang hindi pinuputol ang halik namin, malaya niyang nahahawakan ang mga pribadong parte ng katawan ko

"namiss kita tangina" saad nito na hindi  ko na sinagot pa, maya-maya la'ng ay tumigil siya sa paghalik at tumayo sa pagkakahiga, nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nagtatanggal na siya ng damit, nagsimula na rin akong iangat ang suot ko at tanggalin ang mga panloob ko, nakaramdam ako ng ilang nang titigan niya ako, bahagya kong itinakip ang kamay ko sa tinitigan nito, kaagad naman niyang hinawi ang kamay ko sa pagkakatakip ko dito

"i love you" saad nito at muli wala nanamang lumabas sa bibig ko, gulong-gulo na ako sa mga reaksyon na ibinibigay ko, umigti ang panga nito senyales na naiinis na siya

"ano ba, may problema ba? bakit ba napakatahimik mo?" ang inis na saad nito, kaagad naman akong humingi ng sorry sa mga inaasta ko

"sorry love...pagod la'ng siguro ako" saad ko dito

"pagod? bakit may iba na ba? may iba na bang gumagalaw sa'yo?" nasaktan ako ng sobra sa sinabi nito, hindi niya ako tinuring ng ganito noon kapag tumatanggi ako, gusto ko siyang sigawan pero walang lumalabas sa mga bibig ko

"may iba na ba?" muling tanong nito habang pinaglalaruan ang pagkababae ko, lumabas ang mahihinang unggol sa bibig ko

"akin ka la'ng, tandaan mo 'yan" saad nito, napaiwas ako ng tingin, sa'yo la'ng ako, pero ikaw...sakin la'ng ba?

tipid la'ng ang mga salitang binitawan ko hanggang sa matapos kami, at gaya ng dati, mauupo siya sa gilid ng kama pagkatapos niyang makuha ang gusto niya saka muling itututok ang atensyon niya sa cellphone niya, kahit hirap ay pinilit kong umupo sa gilid ng kama kasalungat ng pinag-uupuan niya

"saakin mo la'ng ba ginagawa ito?" tanong ko dito, sinagot niya ako nang hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya

"oo" tipid na sagot niya

"bakit hindi mo magawa sakanya?" tanong ko dito

"hindi pa siya handa" simpleng sagot nito, nakatitig la'ng ako sakanya

"wala na ba talaga tayong pag-asa? hindi mo na ba ako kayang bigyan ng isa pang chance?" tanong ko dito, tumigil ang mga daliri niya sa ginagawa niya sa cellphone niya

"hindi pa ba chance ito?" tanong niya

"chance ba ang tawag mo dito? kung ako, ako la'ng. bakit mayroon pa ring siya?" nanginginig ang boses kong tanong dito, pinipigilan ko ang sarili kong maiyak nanaman sa harapan niya

"siya ang kasama ko noong mga panahong kailangan kita" dahilan nito

"dahil hinayaan mo! hinayaan mong samahan ka niya imbis na ako ang kasama mo, hinayaan mong punan niya lahat ng pagkukulang ko na ako dapat ang gumagawa, hindi pa ba sapat? hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko? kulang pa ba?" tanong ko dito na hindi ko namamalayan ang mga luhang lumalabas sa mata ko, tumaas na rin ang boses ko

"ginawa ko na lahat, pinagsisisihan ko na lahat, pati ang mga bagay na bumubuo sa pagkatao ko ay binago ko para sa'yo, para saatin" sunod-sunod ang mga hinaing kong isinaad ko dito dahil paniguradong hindi na ako magkakalakas pa ng loob na sabihin ito

"mahal kita pero pasensya kung hindi ko ito mapatunayan sa'yo" tanging saad nito, mahal niya ako

mahal niya ako

mahal niya ako

mahal niya ako

ganito ba ang pagmamahal na gusto ko? parang hindi ko na maramdaman, iba ang pinaparamdam niya sa sinasabi niya, magulo pa rin ang isip ko, sobrang sikip pa rin ng puso ko na nahihirapan na akong huminga, hindi na ako nagsalita pa at ibinaling sa iba ang tingin ko.

totoo ang sabi nila, you deserve what you tolerate, at deserve ko nga talaga ito dahil hinayaan kong ipagpatuloy pa rin niya ang ganitong trato niya saakin sa kabila ng katotohanang hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon.

°•

pagkatapos naming magpahinga at mag-ayos ay inihatid na rin niya ako pauwi, walang bago, tahimik pa rin kami sa buong byahe, nagpababa na la'ng ako ilang bahay ang layo saamin at sinabing maglalakad na la'ng ako, pumayag naman siya at kaagad na rin akong lumabas ng sasakyan.

sa bawat hakbang ko papalapit sa bahay ay sunod-sunod ang paghaplos ko sa braso ko, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko, bakit nakakaramdam ako ng ganito? sa taong mahal ko naman ibinibigay ang sarili ko kaya bakit ganito ang nararamdaman ko?

pagkauwi ko ng bahay ay muli akong naglinis ng katawan ko, kahit anong kuskos ko dito ay hindi mawala-wala ang pagkadismaya ko sa sarili ko, ilang beses ko ng ginagawa ito sakanya ngunit ngayon ko la'ng naramdaman ang pandidiring ito sa katawan ko.

alasyete na ng gabi nang maisipan kong tawagan si erica, sinagot naman niya ito

"napatawag ka?" tanong nito

"busy ka?"

"may lakad ako ngayon" saad nito

"ganitong oras?" tanong ko, saan naman kaya siya pupunta? sa pagkakatanda ko walang pang-night shift ang trabaho niya

"magsasaya" saad nito

"sama?" tanong ko dito

"kaya mo? eh iwas ka sa iba diba, marami kang makakasalamuha doon" paninigurado nito, ayoko ring tumambay ngayon sa bahay dahil ayokong maisip ang mga nangyari kanina

"sige la'ng, wait mo 'ko, kita tayo sa bayan" saad ko dito at pinatay na ang tawag, kaagad akong nag-ayos at umalis na ng bahay.

nakarating naman kami kaagad sa pupuntahan namin, maingay ang paligid,  magkahalo ang amoy ng alak at sigarilyo ang bubungad saiyo pagkapasok mo pa la'ng sa loob, hindi naman ganoon katapang ang amoy sapagkat may mga naglalakihan silang humidifiers na naglalabas ng usok na amoy hindi ko maipaliwanag ngunit mabango at nag-aalis ng mabahong amoy galing sa sigarilyo.

umupo kami sa isang table, nandoon na rin ang iba pa niyang mga kasamaan, wala akong kilala sa mga ito kaya nagfocus na la'ng ako sa pag-inom ko, hindi gaya noon, tumaas na ang tolerance ko sa alak dahil na rin siguro sa madalas kong pag-iinom nito, hindi na rin ako mabilis tamaan nito hindi gaya ng mga kasama ko, maya-maya la'ng ay nararamdaman kong may mga tama na sila at nagsimula nang sumayaw sa dance floor, tahimik la'ng akong umiinom sa table, sinabi kong ako na la'ng ang magbabantay sa mga gamit nila.

napalingat ako nang may maramdamang may nakatingin saakin, hinanap ko ito at isang pares ng mata ang malakas na loob na nakipagtitigan saakin, sa hindi kalayuan ay may isang lalaki ang umiinom, tatlong table ang layo saamin, may mga kasama ito na sa tingin ko ay mga kaibigan niya, tumingin-tingin ako sa paligid ko dahil baka nag-aassume la'ng ako na ako ang tinitignan niya, pero mag-isa ko la'ng sa pwesto dito, kinunutan ko siya ng noo at kinusilapan niya ako, KINUSILAPAN NIYA AKO?! gagong 'to, malakas pa ata ang toyo saakin, muli niya akong nilingon at inirapan, bakla ba 'to? teka lasing na ba ako?

15 Steps to Move On by Mitty ChanWhere stories live. Discover now