7

12 1 0
                                        


| present |

•°°

lumipas ang dalawang araw, nadelivered na sa bahay nila ang package na pinadala ko, alam na alam ko 'yon kasi nakabantay ako sa tracking number nito, minessage ko kaagad siya

Love, nasa bahay niyo na ung regalo ko, nakita mo na? - message ko dito

hindi ako umuuwi ng bahay - reply nito

asan ka ba? - muling tanong ko dito pero hindi na siya nagreply pa

nakaramdam ako ng lungkot na hindi naman na bago saakin, huling pera ko na 'yon noong araw na binili ko iyon, ako la'ng pala ang excited na matanggap niya 'yon.  bakit ba nagpupumilipit pa ako? hindi ko na rin alam, ang nasa isip ko la'ng ay ayoko siyang sukuan, hanggat kaya ko.

dinampot ko ang cellphone ko sa kama at nagtingin-tingin sa mga contacts ko, sakto namang isang unread message galing kay erica ang nakita ko, kaibigan namin si erica, saksi ito kung paano kami nagsimula hanggang sa magtapos, binuksan ko ang message niya

asan ka? gala tayo - tuesday 4pm, tinignan ko ang petsa ngayon, friday na pala, sa sobrang kalutangan ko ay hindi ko na rin masyadong nakakalkal ang cellphone ko, madalas la'ng kasi akong dumidiretso sa convo namin o kaya sa timeline niya, nawawalan na ko ng gana pang bigyan ng atensyon ang ibang taong nagaapproach sakin maliban sakanya

pakiramdam ko kailangan kong gumala nanaman ngayon, ayokong mapirmi sa bahay hanggat maaari, kaagad kong nireplayan si erica at tinanong kung nasaan siya

bahay la'ng, punta ka. - reply nito, kaagad na akong nag-ayos at umalis ng bahay

°•°

alastres na nang makarating ako sakanila, naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit, tinutupi niya iyong damit na nilabhan niya kahapon, nakaupo la'ng ako sa kama at pinapanood siya

"kumusta ka na?" tanong nito habang abalang nag-aayos

"okay la'ng " sagot ko dito, binato ako nito ng damit na ilalagay na sana niya sa loob ng cabinet

"maglolokohan pa ba tayo?"

" sige la'ng, sanay naman na akong niloloko"

"sira" sagot nito at itinigil ang pag-aayos saka umupo sa tabi ko

"sa tingin mo, kaya mo?" hindi ko alam kung anong tinutukoy nito kaya dinugtungan ko na la'ng ito sa isipan ko, kung kaya ko pa ba?

"oo, mahal ko eh" tanging sagot ko dito at nilibot ang paningin ko sa kwarto niya

"hindi ko man alam ang lahat pero nandoon ako noong mga panahong mahal na mahal ka pa niya, saksi ako kung paano ka niya alagaan at ipagmalaki sa lahat, pero mitty, tama na. tignan mo nga iyong sarili mo, tumingin ka sa salamin, hindi na siya ang taong kilala at minahal mo" saad nito, sa puntong 'to ay tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata, may kirot sa puso ko ang lahat ng sinabi niya

"mahal ko ang lahat ng pangit sakanya, erica. Tanggap ko ang lahat sakanya" saad ko dito, tumayo siya sa pagkakaupo at dinampot ang damit na binato niya saakin kanina at tinupi ito saka iniligpit, nakatingin la'ng ako sa likod nito habang nag-aayos

"hindi ganyan iyong mitty na kilala ko" saad nito habang hindi tumitigil sa ginagawa niya, hindi siya nakaharap saakin pero ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses nito

"hindi ko na rin kilala ang sarili ko, ano ba ang dating ako?" tanong ko dito

°°•

hindi rin ako masyadong nagtagal kila erica dahil pakiramdam ko anytime sasabog ako, bakit ba hindi niya ako maintindihan? bakit ba walang makaintindi sa nararamdaman ko?

nasa terminal na ako ngayon at habang naghihintay ng bus ay inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan siya, nagsimula nang mag-ring ang tawag at heto nanaman ang puso kong pabilis nang pabilis ang tibok, nang icacancel ko na sana ang tawag dahil pakiramdam ko hindi rin naman niya ito papansinin ay sinagot niya ito, nabuhayan nanaman ako ng loob.

"asan ka? kumusta ka?" masayang bungad ko dito

"bakit?" tanong nito

"kailangan ba ng dahilan para tawagan ko ang taong mahal ko?" tanong ko dito, bumuntong-hininga siya bago nagsalita

"may kasama ako ngayon" saad nito

"sino? puntahan kita" saad ko dito, hindi pa siya nakakasalita nang marinig ko ang kaibigan niya sa telepono

"oh bakit andito ka sa labas, sinong kausap mo? nasa loob 'yong girlfriend mo, hinahanap ka" namanhid ang kamay kong may hawak ng cellphone ko na nakatapat sa tenga ko, kilala ko ang boses na iyon, isa iyon sa mga kaibigan niyang kahit nakakausap ko noon ay malayo ang loob ko, nararamdaman ko kasi kapag ayaw saakin ng isang tao kahit gaano pa ito kabait saakin, naalala ko no'n, ilang beses kong sinabi sakanya ito pero dahil ayoko na ring palakihin pa ay isinawalang bahala ko na la'ng, doble-doble ang sakit na nararamdaman ko lalo na noong malaman kong ka-close ng kaibigan niyang iyon--iyong ipinalit niya saakin, napapatanong nanaman tuloy ako kung bakit kailangan kong danasin ang lahat ng ito sakanya, kung bakit kailangan niyang iparanas ang mga bagay na alam niyang dudurog saakin ng husto.

narinig ko na la'ng na nagdisconnect ang tawag, wala akong narinig na nagpaalam siya, bigla na la'ng naputol ito nang magsalita ang kaibigan niya, dahan-dahan kong ibinaba ang nakaangat kong kamay at hinayaang magpahinga ang mga palad ko sa hita ko, hindi ko pa mamamalayang umiiyak nanaman ako kung hindi ko nakitang sunod-sunod ang patak ng tubig sa pantalon ko, huli na nang mapagtanto kong luha ko pala iyon.

bago ako uluyang umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng alak, paniguradong hindi nanaman kasi ako makakatulog nito. Nilalaro-laro ko ang tubig na tumutulo sa labas ng baso ko dahil malamig ang iniinom ko, sunod-sunod ang salin ko sa baso at diretso lagok na hindi man la'ng dumadaan sa dila ko ang pait ng alak, napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kama ko, mas nalungkot ako nang makitang wala na doon si smiley, iyong stuffed toy na binili ko at ipinadala ko sakanya, iyon kasi ang kayakap ko sa mga oras nalulungkot ako, akala ko sasaya siya kapag nakita na niya iyon pero hindi na pala kailangan dahil may ibang nagpapasaya sakanya. Nararamdaman kong sumasakit nanaman ang sikmura ko, huling kain ko pa pala ay kaninang umaga at tinapay la'ng iyon, napasabunot ako buhok ko dahil hindi ko na alam kung anong uunahin ko sa mga sakit na nararamdaman ko, tanginang buhay 'to!

itinabi ko ang alak sa lamesa ko at pagewang-gewang na naglakad papunta sa kama, nang makarating ako dito ay isinubsob ko ang katawan ko paharap dito, nakalubog ang mukha ko sa unan at walang humpay na pinakawalan ang mga hiyaw na walang sawang kumakawala sa bibig ko, hirap na hirap na ko, hindi ko alam kung paano makakaalis sa sitwasyong ito, umayos ako ng higa at humarap sa kisame, mahal ako non. Tama, mahal ako no'n! itutulog ko la'ng 'to at bukas okay na kami, papayag la'ng ako sakanya sa kama at pagkatapos no'n magiging okay na kami, parang tanga akong tumango-tango habang nakapikit na para bang sang-ayon na sang-yon sa sarii ko.

15 Steps to Move On by Mitty ChanStories to obsess over. Discover now