| past |
•°°
"Love! bilisan mo baka maubusan tayo!" sigaw nito, kakalabas la'ng namin sa sinehan at heto nanaman siya, hinahatak ako patakbo sa foodcoourt dahil baka maubusan nanaman daw kami ng paborito niya
"heto na! heto na! mukha kang palabok eh!" reklamo ko dito, sa totoo la'ng mahilig din naman ako dito pero mas nagustuhan ko ito nang malamang ito ang favorite niya, dumiretso siya sa counter at kaagad na nagorder
"dalawa pong order ng palabok, pa-additional ng egg at toppings" saad nito, naglabas na ako ng wallet nang bigla niyang bayaran ito
"hoy! magbabayad ako!" sigaw ko dito
"bakit ba ayaw mong nililibre ka?"
"kasi may pera ako, ito bayad ko" saad ko sakanya at inabot ang pera ko
"bahala ka diyan, wala akong nakikita" tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito, dalawang kilay nga la'ng, hindi ko kaya na isa la'ng eh, ba't ba. Pumunta ako sa zagu at nagorder ng dalawang drinks, isang chocolate at buko pandan shake, hinanap ko siya at nakitang nagsisimula na siyang kumain, madaya!
"sabing hintayin mo ko eh" pagmamaktol ko
"sorry na love, gutom na ko eh hehe"
"palagi kang gutom pagdating sa palabok, oh drinks mo" saad ko at inilapag ang shake niya, kinuha niya ang wallet niya at nag-abot ng isang daan saakin
"wala akong nakikita." bawi ko dito, tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay, tangina mas mataray pa si gago, bahala siya diyan. ganito kami, kapag siya sa pagkain, ako sa drinks, palagi kaming salitan, hindi rin ako komportable na ako ang nililibre lalo na't alam kong mahirap kitain ang pera, saka isa pa, it should always be give and take, hindi ko alam kung sasang-ayon lahat pero ganito la'ng siguro ako
°•°
"galit ka nanaman" saad nito, hindi ko siya inimik, i have a bad habbit of giving him a silent treatment, masyadong matigas ang puso ko kapag galit o nasasaktan ako, pakiramdam ko lahat sasaktan ako kaya i raise my walls in heights i know he cannot reach, hindi ko na naiisip ang mararamdaman niya
"huwag mo akong kausapin" saad ko dito
"love naman" ramdam ko ang sakit sa boses nito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi lumalambot ang puso ko kapag nasasaktan ako
"ano ba! sinabing huwag mo akong kausapin eh! umalis ka nga! alis!" sigaw ko dito, pinagtabuyan ko siya paalis kahit na gabi na, simpleng bagay la'ng ang kinakagalit ko pero palagi kong pinapalaki, hindi ko maiwasan...hindi ko mapigilan...
tinignan ko ang bagsak niyang balikat na sumakay ng sasakyan at umiwas la'ng ako ng tingin nang makasakay na siya, binaba niya ang bintana ng pinto niya at nagpaalam
"i'm sorry, love. sorry kasi hindi ko talaga alam ang kinakagalit mo, i-message mo la'ng ako kapag okay kana, i love you" hindi ko siya sinagot at nanatiling nakaiwas ng tingin, tinaas na niya ang bintana niya at pinaandar paalis ang sasakyan, tumulo ang luha ko, i'm sorry love.. i'm sorry kasi napakahina ko para labanan ang sarili ko, hirap na hirap akong kontrolin ang sarili ko, para bang may sarili itong buhay na nag-iiba kapag nasasaktan ako, they say maybe it's my initial reaction from traumatic experience
i used to be treated like this, ako ang pinagtatabuyan noon kapag galit ang ex ko, ako ang sinisigawan at sinisisi sa mga bagay na hindi ko alam, hindi ko aakalaing magiging ako ang taong kinaaayawan ko, i became toxic, iam worst when i'm hurt, hindi ko naiisip na nasasaktan ko na rin siya, hindi ko malabanan ang sarili kong trauma
lumipas ang mga araw na hindi ko pinapansin ang mga chat at tawag niya, nag-aalala ako pero nagmamatigas pa rin ako. Dumating siya sa panahong nagkakalabuan kami ng ex ko, he said things that i was longing to hear from my ex, he give promises na ni minsan hindi ko naranasan, slowly i see myself cheating, i cheated and chose him, i wasn't given a chance to heal, bago saakin ang lahat ng ito, i came from a red flag and suddenly there he is, a walking green flag that i only dream before. i was adjusting... i may sound i was only reasoning but i really do, i really do try hard, i pushed myself in limits, those little gestures, that was my best, the least for ohers are my all.
isang linggo ng hindi ko siya kinakausap, one night i saw a picture he posted, umiinom siya, that's when i knew he reached his limit, he only drink when he can no longer handle the situation, hindi ko naman siya pinagbabawalan pero tapos na raw siya phase na palainom siya, i became his priority and doon ko napagtantong masyado ko ng nasasaktan ang taong mahal ko, agad-agad ko siyang minessage, tumawag ako at sinagot naman niya agad ito, he was drunk.
"love? love i'm sorry, i'm sorry, tama na, huwag ka ng uminom" nanginginig ang boses ko sa tawag
"i try really hard, Love. i...i was also trying...h-hindi ako siya, b-bakit ako ang nagsusuffer?.. h-hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ka na la'ng nagagalit, isang araw okay tayo, k-kinabuksan bigla-bigla ka na la'ng magagalit, ano ba talaga?" saad nito , halatang-halata mo ang pagkalasing sa boses niya, para itong batang nagsusumbong sa nanay niya, napaiyak ako
"i'm sorry..." ang tanging nasabi ko na la'ng
"i love you...i really do, pero napapagod din ako" natatakot ako sa mga susunod niyang sasabihin
"Let's end this" nagulat ako sa sinabi nito
"Love..."
"ilang araw ko ring pinag-isipan 'to, let's end this" why? ang sabi mo...nangako ka...
isang napakatagal na katahimikan ang namahagi saamin, tumigil sa pagkakatulo ang mga luha ko, hindi ko maadapt ang mga nangyayari
"i'm hanging up, nandito ang mga kaibigan ko, let's give each other a space" wala akong naisagot sa mga sinasabi nito, he never choose his friends over me, the next thing happened is our call disconnected, saglit akong hindi nakagalaw, pakiramdam ko hindi ko kilala ang nakausap ko, he doesn't sound like someone i love.
°°•
within those week, nagfocus la'ng ako sa trabaho ko, palagi kong naaalala na noong mga oras na tinitiis ko siya, trabaho la'ng ang ginagawa ko, it's been a week, he never contacted me since then, patuloy ko pa ring iniisip ang lahat ng nangyari, napakabilis ng lahat, he posted a picture of him together with another girl and recently ko la'ng nalaman na nakilala niya ito sa kaibigan niya and they've been talking in days we are not okay. so this...is how it feels to be cheated on. He treated me so well i couldn't think there was someone else, we've known each other for so long para ganito kabilis la'ng niya akong ipagpalit, ayoko mang tanggapin but it really sounds like he only ended our relationship so i can't call his doings as cheating, he knew everything about my trauma, alam niyang hindi napupunta sa iba ang atensyon ko kapag may mahal ako, alam niya kung gaano ako kasuplada pagdating sa iba, he knew i can't replace him the way he replaced me.
hindi ako makausap, palagi akong tulala, hindi ako umiiyak pero wala ring ekspresyon ang mukha ko
the man...the man i trusted the most...cheated on me
the man...i trusted myself with...cheated on me
the man...who knew everything about me...
the man... i fought to be with...
the man i choose...
the man...
he cheated on me.
YOU ARE READING
15 Steps to Move On by Mitty Chan
Romancewhat a plot twist you were _____ Started: 03/18/2023 Completed: ---