Chapter 37

32.2K 511 6
                                    

Anikka

Nanlaki ang mga mata ko na sinabi ni Lolo.

"May nabuo na ba?"

Nabuong pagmamahalan oo, pero hindi nabuong bata? Wala!

Oo may nabuong pagmamahalan pero takot naman akong aminin ito sa kanya..Parang baliw lang, paano may mabubuo kung hindi ka aamin? I am still afraid of the consequences na maaring mangyari, Natatakot pa rin ako masaktan, natatakot ako na mabaliw sa kakaiyak. Gaya sa nababasa ko sa mga novels, napakahirap masaktan at ayokong maranasan iyon. Oo duwag na kung duwag pero ayoko lang masaktan at wala pa akong lakas loob para sabihin sa kanya. Para kasing uurong yung dila ko pagkaharap ko siya, natitiklop ako.

Maya maya ay natapos na kaming kumain. Sinabi ni Lukas sa akin na ihatid ko daw siya sa unit niya para makakuha siya ng damit, dahil nakabalandra daw yung katawan niya sa harapan ko, baka pagnasaan ko. Ang kapal ng pagmumukha!

Hay nako Anikka halos mag laway ka na nga sa tuwing nakikita mo ang nagtitigasan niyang abs.

Dammit! Ang landi landi ng utak mo Anikka. Umayos ka!

Napailing ako ng ulo sa naisip. Nagkakaganito naman na ako simula ng makilala ko itong hinayupak na ito.

Sumakay na sa Honda Jazz ko

Oo yung pinakamamahal kong sasakyan. Nagulat na lang ako ng makita ko muli iyon sa garahe. Ok na ok na uli iyon, dahil wala na yung basag niya sa bintana. Mukhang bago pa nga itong carwash at mas kumintab na iyon.

Tumingin ako sa kanya. Sobra akong natouch sa ginawa niya. Para akong kininilig sa kanya kasi nag-effort para siya para sa akin.

Why is he doing this, mahal niya ba talaga ako.

Napabuntong hininga na lang ako at sumakay na lang sa sasakyan.

Walang imikan sa aming dalawa, punong puno ng awkwardness ang paligid namin. Why is it always awkward between of us. Bakit naimbento pa ang salita na iyan, tuloy hindi ako mapakali dito. I want to get out, para bang lumiliit lang ang paligid sa pagitan naming dalawa.

Pinili ko na magconcentrate sa pagmamaneho ko, baka hindi kami makarating ng maayos kung masyado akong magpapaapekto sa kanya.

Pero how could I, kung ramdam na ramdam ko yung matatalim niyang titig, it makes me shiver. Nagiging abnormal uli ang tibok ng puso ko. Lalo na nang hawalan niya yung kamay ko habang hawak ko yung clutch. May kuryente akong naramdaman na nagdikit ang balat namin. Bakit kasi laging ganoon ang epekto niya sa akin, nakakainis nagiging abnormal ako sa tuwing kasama siya.

Imbis na makafocus sa pagmamaneho ay mas lalo akong nadidistract. Please Lukas, tumigil-tigil ka baka hindi kayo makarating sa unit mo.

I sigh, para maibsan kahit papaano yung pakabog ng dibdib ko, pero parang wala pa rin itong epekto, because he exist, at wala siyang alam gawin kundi pakabugin ang puso ko, kahit sa simpleng actions lang niya.

Ganito pala yun, kapag inlove ka, titibok ng titibok ng mabilis ang puso mo kapag kasama mo ang taong mahal mo. Buti wala pang naibabalita na lumabas na ang puso sa sobrang lakas ng tibok kapag kasama nila ang mahal nila.

Laking pasasalamat ko ng makarating kami sa unit niya ng maayos at ligtas. Agad kaming pumasok sa elevator para makapunta sa unit niya. Hawak hawak niya lagi ang kamay ko, pilit kong inaalis ang kamay ko sa kanya. Hindi pa rin mawala-wala ang kuryenteng nagmumula sa kanya sa tuwing madidikit ang balat namin, it makes me shiver always.

Kumunot ang noo ko nang mas mahigpit niya pa itong hawakan.

"Please don't let go, let me hold your hand." Maawtoridad niyang sabi, wala na akong choice kundi magpaubaya na lang kahit ramdam na ramdam ko yung kuryenteng nagmumula sa kanya.

Respectfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon