Chapter 36

31.3K 474 1
                                    

Anikka

I can't believe what I am seeing right now. Gusto kong pagsasampalin ang sarili ko para magising, nananaginip lang ako. Nananaginip lang talag.

Kasi, paano siya mapapadpad dito? Dapat nasa Singapore pa siya, dahil isang linggo siya dapat manatili doon. Pero nandito siya, nandito sa mismong harapan ko na natutulog mismo sa harapan ko.

Gusto ko siyang dambahin at yakapin, halikan, lapitan, sikmuraan, hilahin palabas, gisingin. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was so shocked. Totoo ba talaga na nandito siya? Baka naman kasi sa sobrang kakaisip ko sa kanya ay nag-iilusyon na ako na nandito siya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya para hindi ako makagawa ng ingay na maaring gumusing sa kanya. Pero kada hakbang ko ay naghuhurementado ang puso ko, mas kumakalampag pa ito nang papalapit na ako sa kanya. Magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ko. Nananabik ako na makita siya muli at kinakabahan dahil baka magising ko siya.

Mas maganda kasi pag tulog ang amo amo ng mukha niya, para bang wala sa itsura niya na gumawa ng masama. He's to harmless pag tulog at hindi mo aakalain na naraming kabalbalan ang kaya niyang gawin sa buhay.

Saka baka pagising niya ay bigla na lang ako magwala o magtago na lang.

Hanggang sa malapit na ako sa kanya, umupo ako sa gilid ng kama para mas matignan siya ng malapitan.

Pinagmasdan ko muli ang kanyang mukha, tila kinakabisado ko ang lahat ng parte na iyon.nangingig pa ang aking kamay na hawakan iyon. Baka magising ko siya sa oras na maramdaman niya ang dampi ng aking mga kamay. siya na mabuti, ang makinis niyang mukha. Ang makurba niyang pilikmata, ang matangos niyang ilong, ang manipis niyang labi na kay sarap halikan, Tss. Anikka natikman mo na ang labi na yan.

"Bakit ba ako nahulog sayo." Bulong ko, hindi naman niya ako siguro maririnig dahil tulog na tulog na siya dahil naririnig ko ang mahihina niyang hilik.

Hanggang ngayon kasi ang hirap pa rin ako aminin sa sarili ko na mahal ko siya, lalong lalo na sa kanya. Kahit isinisigaw ng puso at utak ko na mahal ko siya. Eversince ayoko sa kanya napakabastos niya, nakakairita ang mga ngisi niya ang pang-aasar niya sa akin. Pero sa isang iglap bigla itong nagbago at ito nahulog ako sa gagong ito.

Pero tanga lang eh, mahal ko siya.

Pinagmasdan ka muli yung mukha niya.

Hindi ko maiwasan na mamangha sa kanya, kahit tulog ay gwapo pa rin hihi.

Napansin ko rin na may tumutubong stubbles sa kanyang panga pati na rin ang itim na nakapalibot sa kanyang mga mata. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa, masyado siya yatang pinahirapan doon at wala na siyang time na mag-ayos ng sarili niya.

Pero kahit na may eyebags pa siya gwapo pa rin siya. Parang walang bagay ang magpapapangit sa kanya. I wish that I could stuck my eyes on him ang sarap niya talagang pagmasdan.

Impit akong napatili ng magdilat siya ng mata? Is he awake? Sana ay hindi niya marinig ang pinagsasasabi ko sa kanya. Nakakahiya! Agad tumama ang mga titig niya sa akin na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Gusto kong magtago sa kasuluksulukan ng lugar na ito, sa hindi niya ako makikita. Grabe nakakahiya! Nahuli niya ako nakatingin sa kanya. Wala naman akong maipapalusot sa kanya huli na ko sa akto.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong niyakap. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin, na para bang isang taon kami hindi nagkita at ayaw na niya akong pakawalan. Hindi ako nanabaginip

" Anikka I miss you." I miss you too. Nais kong sabihin sa kanya iyon kaso nahihiya ako. I'm not good at words kapag sa ganyan. I'd rather do it in action kaya niyakap ko siya pabalik. Mahigpit akong yumakap sa kanya para maramdaman niya na namiss ko siya ng sobra.

Respectfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon