Anikka
Hay salamat! Matatapos na rin itong pamamanhikan na ito. Kanina pa ako inaantok, kanina ko pa gustong matulog.
Higit sa lahat,mawawala na rin ang lalaking ito sa tabi ko. Kanina pa talaga ako naalibadbaran sa mga tingin at sa mga ngisi niya, maraming beses ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin, hindi ko na lang pinapansin. Sobrang creepy niya kaya!
Sinusubukan ko na huwag magpaapekto, pero nakakainis lang kasi he's always giving me goosebumps Pang manang na nga yung suot ko, pinagnanasan ako.
Pinagnanasaan ba talaga o pinagtitripan?
Dapat kasi huwag ko na ngang isipin. Maasar lang talaga ako, sobra!
"Iho,ikaw na kaya maghatid kay Anikka, para mas maging close kayo. Saka kasi may flight kasi kami. Walang nahahatid sa kanya sa bahay." What!!! No way! Saka gabi na, hindi sila umaalis ng gabi. Saka nandyan naman si Manong Maning, yung driver namin kaya hindi ko siya kailangan para maghatid sa akin.
"Don't call Maning iha, natutulog na yun." Hay nako. Oo nga pala bawal magpuyat si Manong Maning.
"But ma!" No! hindi pwede. Hindi ako papayag.
"Anak naman, parang ihahatid ka lang ni Lukas." Talaga lang? Kung sana yun lang. Hindi ba sila kinikilabutan sa nilalang na ito? Mukhang rapist na disente lang!
"Ok lang ba sa iyo yun iho."
Ano ba yan! So no choice ako but to cross fingers and pray that Lukas will not agree.
That is my only hope to save my self! To save my virginity!
Ano ba iyan Anikka! Pinag-iisip mo, kung ihahatid ka nga "lang" lang nilalang na iyan.
"Ok tita!" No! Nonono! Bakit ka pumyag? Gusto mo bang magkadisaster? Pababalikin ko si Yolanda para guluhin ka.
"Ok! We trust you iho ha, ma iuuwi mo ng ligtas ang anak ko." Hay nako! Ipinagkakatiwala na nila ako ngayon sa lalaking ito. Iuuwing ligtas? paano kapag ginahasa ako nito?! Paano? Nakakaasar talaga! Akala ko pa naman, mawawala na sa siya sa paningin ko. Iyon pala kasama ko pa pag-uwi. Buhay nga naman.. Buhay!
"Apo, paalam na sa inyo ha. Ingatan mo yang apo ako." Tapos ningitian na ako ni Lolo. Ngayong umalis na sila at kami na lang ng lalaking ito ang nandito. Tapos na nakatingin na naman siya sa akin at yung ngisi niya ay parang aso, mukha siyang may gagawing hindi maganda. Kaya dapat hindi ako maging kampante.
"Magtataxi na lang ako, at baka may lakad ka pa, maiistorbo pa kita." Saka ako umalis. Dadali dali akong naglakad para di niya ako maabutan. Tama yan Anikka, faster! Arriba! Arriba!
"Where are you going Anikka?" Tapos hawak niya pa yung braso ko pero binitawan niya rin ito.
"Mag aabang ng taxi." Sabay alis ko at tumakbo palayo, pero nahabol pa rin niya ako. Punyeta! Lukas Hindi ba obvious na ayaw kitang kasama.
"No,ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo." Tapos hinawi niya yung buhok na nakaharang sa mukha ko, tapos yung titig na naman niya. Creepy!
"Kung hold-up-in ka ng taxi driver na sinasakyan mo? Mas safe kung ako mismo ang maghahatid sayo." Mas safe? Kinakabahan nga ako sayo at kung anong magawa mo sa akin. Mas kampante pa talaga akong magtaxi. Pero no choice na rin ako kasi nahila na niya ako sa kotse niya at sumakay ako sa backseat.
"Anikka, gusto mo ba na magmukhang driver mo itong gwapo at hot na katulad ko?" Geez! Hot daw? He's not hot enough for me. Gwapo? Mukha naman siyang kabayo.
BINABASA MO ANG
Respectfully Yours
Algemene fictieLukas Aragon, a famous engineer, billionare, and a certified womanizer. He was forced to marry Anikka Fuentes, a law student who is too conservative and too childish, old fashioned woman. They must have a child within 15 months or else..... they wil...