Chapter 62

36.1K 501 15
                                    

Lukas

"Ano pang hinihintay mo? Alis na! Bago pa magbago ang isip ko."

"Salamat talaga Eris, salamat!" Halos mayakap ko na siya sa tuwa, pero tinabig niya ang aking kamay. It is just a friendly hug, pero siguro sadyang gusto na niyang magparaya

Napakasaya ko talaga ngayon, naayos ko na ang sa amin ni Eris. May isang bagay na lang ako na dapat ayusin. Kailangan na namin mag-usap ni Anikka.

First thing in the morning, agad kong inayos ang mga dapat ayusin sa opisina. Halos sumakit na ang ulo ko, dahil panay walang kwenta ang mga nababasa ko, Pero hindi ko na inalintana iyon, this is a big day dapat hindi ko iistress ang sarili ko baka pumangit pa ako sa paningin ng Mahal ko.

Maya maya ay narinig ko na nagring yung phone ko, hindi ko na sana sasagutin dahil unregistered number naman.

"Lukas bilisan mo, umalis ka na diyan now na!" Agad ko naman nakilala ang boses ng nagsasalita. It was Nicole.

"Bakit." Tanong ko, nagtataka rin ako bakit ganoon ang boses niya, parang nagpapanic. May nangyari bang masama kay Anikka. No!

"Basta umalis ka na bilisan mo!

"Bakit nga?!" Medyo magpapanic na ang boses ko, sobrang kaba ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi ko gusto, baka napaano na si Anikka ko.

Nakakainis naman kasi bakit ayaw niya pang sabihin. Pinapakaba pa ako niya ako.

"Aalis si Anikka ngayon! Malamang nasa airport na yung babaeng iyon. Ni hindi man lang nag-paalam sa amin ni Yen. Hay!" Para akong nanigas sa kinakatayuan ko, na may sumabog sa loob ko. Aalis si Anikka, Iiwan na niya ako?

"Basta bilisan mo! Pigilan mo!" Agad akong bumalik sa aking sarili,

Hindi na dapat ako magpaligoy-ligoy pa.

Dali dali akong tumakbo palabas. Kailangan ko siyang mahabol agad agad. Hindi sigurado ako na hindi pa siya nakakalayo.

This would be my last chance to get her, hindi ko ito dapat ipasawalang bahala, dahil maaring mawala siya ng tuluyan sa akin, pati na ang magiging anak namin.

Hindi maaring mangyari iyon, lalo pa at ayos na kami ni Eris at hindi na siya manggulo pa sa aming dalawa.

"Sir may pipirmahan pa po kayo." Agad akong hinarangan ng secretary ko, hawak ang santambak na mga folder. Muntik ko pa siyang masagi dahil paharang-harang siya sa daan.

"Just give it to my old man." Mabilis kong sabi at tumakbo na palayo. Alam kong tinatawag pa ako ng secretary ko, pero hindi ko na iyon pinansin, hindi mahalaga sa akin ang mga tambak na folder na hawak niya. Mahalaga sa akin na mahabol ko si Anikka, na mabawi ko siya muli.

Halos paliparin ko na ang sasakyan patungong airport. Kailangan ko talaga siyang mahabol, hindi ako pupwede na magtagal.

Putangina traffic.

Tila wala pang usad ang mga sasakyan. Napaka-goodtiming naman oo! Dammit! Hindi ba talaga uusad ang mga sasakyan na ito. Kailangan ko pang mahabol ang mahal ko!

Bullshit! This is bullshit! Kung pwede ko lang hawiin ang mga sasakyang nakaharang sa harapan ko, para lang makarating sa airport!

Airport? teka? Hindi ba NAIA na itong natatanaw ko?

Kasunod ay may natanaw ako ay isang papaalis na eroplano.

Baka si Anikka na ang susunod doon, o di kaya siya na ang laman ng eroplano na iyon.

Respectfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon