Chapter 4

52.8K 764 38
                                    

Anikka

"Yung lolo mo, nasugod sa ospital." What?? May nangayaring masama sa Lolo ko? Dali-dali na akong umalis sa mall, hindi ko na naisipan na magpaalam sa mga friends ko dahil alam ko na mas kailangan na ako ngayon ng Lolo ko. Hindi ko na kakayanin kapag wala ako sa tabi niya ngayon.

Pagdating sa sasakyan ay agad ko na itong pinaharurot. In just fifteen minutes nasa ospital na ako.

"Ayon po sa mga test namin, napag- alaman namin na may Lupus ang Papa niyo."Lupus? Wala naman sa itsura ni Lolo ang may Lupus. Mas malakas pa yata si Lolo sa kalabaw. Ayoko ng pakinggan ang iba pang sinasabi ng doktor. Hindi ko kayang pakinggan na nagkakaganito ang Lolo ko, tapos sasabihin niya na mawawala siya sa amin.

Agad ko na lang nilapitan sila Mama.

"Si lolo?"Hindi na ako makapagsalita at agad ko na lang niyakap si Mama at humarap sa doktor.

"Paano po magkakalupus ang Lolo ko eh malakas pa siya ah! Saka lagi naman siyang nagpapacheck-up bakit ngayon pa nakita?!"

Napakasakit ito para sa akin. Hindi ko talaga matanggap na ganito. Hindi ko kaya.

"Dahil ngayon lang lumabas ang mga sintomas nito. Tatapatin ko na po kayo, dahil malala na ang lupus ng Lolo mo, hindi na kaya ng ano pang medication. May taning na ang buhay niya."Napahagulgol na lang si mama niyakap naman siya ni Papa, nakita ko na naiiyak na rin. kahit ako ay hindi ko na mapigilan yung mga luha ko.I almost have a perfct life with them. Tapos ganito bigla na lang mawawala ang si Lolo Juan. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala si Lolo sa amin. Mahal na mahal ko si Lolo dahil siya ang katuwang nila sa pag- aalaga sa akin. Siya lagi ang nagtatanggol sa akin kay Mama, kapag pinipilit niya ako pasuotin ng mga damit na ayaw ko. Siya rin ang tumutulong sa akin kapag nahihirapan ako sa Law school.

Maya maya ay pinayagan na rin kami ng doktor na pumasok sa kwarto niya. Dahan-dahan akong pumasok. Parang hindi ko kayang tignan si Lolo na nakahiga habang may suwero sa kanan niyang kamay. Sobra sobra akong nakakaramdam ng awa.

"May taning na pala ang buhay ko. Hahaha."

"Pa, nagagawa niyo pa po tumawa niyan?" Natutuwa rin ako kay Lolo kahit ganoon na ang sitwasyon ni Lolo nagagawa pa rin niyang maging masaya. Umupo na lang ako sa tabi ni Lolo Juan at hinawakan ko yung kamay niya. Gusto ko lagi na ako sa tabi niya, ayokong umalis doon, gusto ko kasama niya ako habang nilalaban ang sakit na ito, though kahit sabi ng doktor ay wala itong lunas pero alam kong lalaban ang lolo ko.

"Anikka, labas ka muna may pag- uusapan kami ng Papa mo." Napatingin ako kay mama.

"Hindi po ba pwede na nandito ako?"

"No, sige na anak, labas ka muna." Tapos sinamahan ako ni mama.Kahit labag sa kalooban ko ay sinunod ko na lang siya. Ayoko talaga umalis sa tabi niya, paano kapag may nangyari sa kanya? Tapos wala man lang ako sa tabi niya para patatagin ang loob niya.

Anikka, don't be a paranoid, malakas ang lolo mo.

Lukas

"I've been waiting for you so long, Akala ko di ka na darating" Nakangiting bungad ni Lolo sa pintuan.

"Traffic Lolo." I said coldly, alam ko ang ngiti na iyon, may ginawa siyang hindi ko gusto.

"By the way,Happy birthday my apo." Agad akong niyakap ni Lolo.

"Yan lang po ba ang sasabihin mo." Direkta ko nang sinabi sa kanya, kung yan lang ang sasabihin niya sa akin aalis na lang ako, at dahil diyan naistorbo pa ako.

Respectfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon