Chapter 56

26.6K 394 7
                                    

Anikka

"Please Anak, labasin mo naman kami dito." Ani ni Mama, kanina pa siya katok ng katok sa pintuan, pero ayokong lumbas. Alam kong nag-aalala na sila pero ayokong makita nila akong ganito miserable. Mas mag-aalala pa sila sa akin lalo.

Mugtong-mugto na ang mga mata ko kakaiyak. He's not worth the tears, pero kahit anong pigil ko ay hindi pa rin mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.

Kada iniisip ko yung mga masasaya naming alaala ni Lukas, ay may kirot sa dibdib ko na tila sinasaksak ako ng paulit-ulit. Kasi lahat ng mga iyon ay pawang mga kasinungalingan lamang, pinaniwala niya ako sa lahat na iyon.

Kaya ito ako ngayon walang humpay sa kakaiyak. Gusto ko man na kalimutan siya, hindi ko magawa. Saksi ang kwarto na ito sa mga pangyayari sa pagitan namin ni Lukas, dito niya ako unang hinalikan.

Napapikit ako pero mukha ni Lukas ang bumungad sa akin. Lintik! Bakit hindi ka mawala sa isipan ko! Please kahit minsan lang makalimutan kita, para maibsan itong sakit, yung pagdurog niya sa puso ko.

Ang sakit sakit sobra! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Ang hirap pala ng ganito. Akala ko hindi ko dadanasin ito kay Lukas, akala ko magiging masaya kami.

Wala akong ginagawa sa kanya, I am very loyal to him. Pinakita rin niya sa akin na ako lang. Hindi pala totoo lang lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung saan ko nagkulang at nagawa niya pa akong lokohin. Hindi ba ako sapat sa kanya

Hindi talaga siya nagbago, siya talaga yung Lukas na napakababaero. Napakasama niya.

Sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Lukas.

"Lukas lutang na lutang ka yata ngayon." Nag-angat lamang ako ng tingin kay Ken.

"Lukas, look pirma ka na lang ng pirma diyan, di mo man lang binabasa. Baka mamaya hindi mo namamalayan, pagpasa na ng kayamanan ang pinipirmahan mo. Just chillax bro!" Ani ni Ken na ngiting ngiti pa, siguro nakaiskor ang mokong.

Umiling na lang ako sa kanya. I cant damn focus, siya pa rin ang laman ng utak ko. I dont know what to do. Gusto kong gugulin ang oras ko sa trabaho kahit makalimutan siya kahit saglit. Kahit kaharap ko itong sandamukal na papel na ito, siya pa rin yung iniisip ko.

I love her but she's away with me. She's freaking mad at me. Hindi ko alam ang gagawin, ayaw na niya akong paniwalaan.

"Oh boy! Brokenhearted ka nga pala loverboy. Kung dinamayan mo ko kahapon, dadamayan din kita diyan. Ano? Gusto mo ipaligpit na rin natin pati ex mo."

Tinitigan ko lang siya.

"Oh sorry, gusto lang kitang ngumiti, yung mukha mo kasi di na maipinta sa sobrang lungkot."

"I just cant help it Ken."

"Whatever it is bro, magpakatatag ka. Fight for Anikka,you love her right?" Bigla akong nabuhayan, I really love her, hindi ko kayang mawala siya sa akin. Wala akong saysay kung wala si Anikka. Hindi ako sanay ng wala siya at hindi ko na nakikita ang sarili ko na bumalik sa dati, dahil si Anikka lang ang hahawakan ko, hahalikan at pag-aalayan ng sarili. Hindi ko na kayang gawin iyon sa ibang babae. Kaya naniniwala ako na wala talagang nangyari sa amin ni Eris. She just need to believe, pero mukhang hindi naman mangyayari iyon.

"Remember this bro, the truth will always prevail. Alam kong wala kang kasalanan. Ang lakas kaya ng tama mo dun sa nerd na yun."

"She's not a nerd!" I hate when someone's saying she's a nerd. She's not! G

Respectfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon