Chapter 10

39K 552 5
                                    

Anikka

*KRIIIIIIIIIIIIING!*

Tinitigan ko na lang yung Alarm clock ko na nagriring pa rin, Tsk! Nauna pa ko sa kanya na nagising

Walang kwentang alarm clock! Ang sarap itapon.


Napahilot ako sa sentido ko ang sakit sakit ng ulo ko, dahil sa puyat, I didn't sleep well , dahil hindi ako pinatulog ng Lukas na iyon.

Crap! dont think green.

I can't sleep because I'm thinking of Lukas all night!

Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay ang nakangiting si Lukas ang nakikita ko. Gusto kotigilan ang kakaisip ko sa kanya ngunit hindi ko mapigilan, dahil kusang nagpa-popup ang mukha niya sa isip ko. Having me think kung anong nangyari.. His good side.. kung paano siya kumain ng isaw at adidas... his expression. Lahaaaaat!

Hindi kapanipaniwala na magagawa niya pero, nagawa niya.


Hay nako, ano ba tong nangyayari sa akin. Bakit ko ba nararanasan ito sa kanya

I really really really don't know.

Makagayak na nga lang mas maganda.

.........................

Wearing again my long long skirt and long sleeved blouse at siyempre my thick glasses. Dali dali akong lumabas ng kwarto, baka kasi maabutan ako ni mama,sitahin pa ako nun.

Pero saktong pagbukas ko ng pinto.

....

Saktong nandun na rin si Mama papaayat ng hagdan.

I'm dead!

Tumingin sa akin ng masama si Mama.

Patay! Brace yourself Anikka.... pero pumikit naman ako.

"Pumasok ka na anak, baka malate ka."

Agad akong napadilat ng mata.

"Pumasok ka na anak, baka malate ka."

Teka bakit di niya ako sinita?

Nasaan yung?

"What are you wearing?"

"Magpalit ka ng damit."

Bakit ganito ang sinsabi niya.

"Pumasok ka na anak, baka malate ka."

Teka nasa panaginip pa rin ba ako? Baka hindi si mama ito?

"Anikka, bumaba ka na at hinihintay ka na ni Lukas sa baba"

Tapos umalis si mama. Yey! For the first time of my life di ako sinita ni Mama. Yes! Yes! Yes!

Pero teka....Nandito din si Lukas?!?!

Anong ginagawa niya dito?

Agad akong bumaba at nakita ko si Lukas sa dining area namin, kausap si Lolo.

"Good morning Lolo." Tapos hinalikan ko yung cheek ni Lolo.

"Hey honey, Good morning. Where's my kiss?"

Agad akong humarap kay Lukas.

May pakisskiss pa siyang nalaman. Pusha! Ayoko! Mas gusto ko pang ikiskis ang mukha niya sa pader!

Tapos....

Honey? Teka ako? Honey? Anikka naman alangan naman yung lolo mo ang tinatawag niyang honey, siyempre ikaw yun, utak nga naman Anikka

Hay nako, huwag ko na nga lang pansinin!

Agad ko siyang inirapan at tumalikod na ko sa kanila.

"Honey, hindi ka pa kakain?"

Bakit ba siya tawag ng tawag ng honey sa akin, di ako pulupukyutan!

Tapos paano ako kakain, kung makatingin siya sa akin akala mo may masamang balak. Nakakawalang gana!

makaalis na nga lang!

"Honey, where are you going?"

Honey na naman eh! Ano bang nakain niya at tinatawag niya akong honey? Dahil ba sa adidas at isaw na nakain niya. Hay nako makaalis na nga lang.

"Hon, ihahatid na kita."

"No need, may sasakyan ako remember?" Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

Speaking of sasakyan bakit wala ang Honda Jazz ko dito?! Diba dapat nakaparada na dito yun. Nasaan ang honda Jazz ko?! Arghhhh!

"Hoy Lukas nasaan ang sasakyan ko!" Singhal ko sa kanya.

"Ginagawa pa ah." What?! Flat tires lang naman yun ah. Mabilis lang gawin yun.

"Habang wala pa ang kotse mo, hayaan mo na ako ang magsundo sayo, total close na tayo honey."

Geez kinikilabutan pa rin ako sa pagtawag niya ng honey sa akin.

Nagulat na lang ako na nahila na niya ako sa Ferrari niya. Kahit naman na pumalag ako wala naman akong magagawa.

Errrr, close na pala kami..

Paano?

Ahhhh... yung kagabi?

naging close na pala kami nun? Di ko alam.

Respectfully YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon