>>>♥<<<
21
Shane's POV
"Tart! Ano?! Di ka pa ba tapos magbihis?" Narinig kong sigaw ni Reggie mula sa sala nina Mario.
"Eto na! Palabas na!" Balik sigaw ko sabay tingin ulit ng sariling repleksyon sa salamin. Nung nasigurado kong okay na ang mukha ko ay saglit kong nginitian ang sarili ko, pagkatapos ay lumabas na ng kwartong tinutuluyan namin ni Reggie.
"Grabe! Ang tag --- " Naabutan ko si Reggie na nakatayo at nakapamewang sa may pintuan. Mukhang magrereklamo sana sya, ngunit hindi ito natuloy pagkakita nya sa'kin, dahil bigla na lang syang napatulala at napanganga.
Okay? May problema ba sa suot ko?
Wala sa sariling napatingin rin tuloy ako sa sarili ko. Nakasuot lang naman ako ng above-the-knee length na floral dress na powder blue ang kulay saka may manggas, tapos wedge na sandals na may kulay na kaparehas ng dress ko. Nung tiningnan ko naman yung sarili ko sa salamin kanina, sinigurado kong okay naman yung pagkakaponytail ko sa buhok ko. As far as I know, wala namang mali sa itsura ko, pero bakit nakatulala sya?
"Ui Tart! May mali ba sa suot ko?" Di ko na napigilan itanong sa kanya.
"Wow! You look...... Simple but amazing!" Manghang-manghang sabi nya sa'kin.
Napangiti na lang tuloy ako. 'Kala ko naman kung ano. Well, dapat lang talaga syang magandahan sa'kin, dahil kaya ako natagalan sa pagbibihis ay dahil di ko alam kung anong isusuot ko. Date namin ngayon. Syempre ang gusto ko yung maganda talaga ako. Lol.
"Bagay pala sa'yo ang dress eh. Lagi ka na lang mag-dress ah?" Dagdag pa nya habang naglalakad papalapit sa'kin, at nung nakalapit na nga sya'y ikinawit nya yung right arm ko sa left arm nya, pagkatapos ay iginiya na ako papunta sa sasakyan. Oo nga pala. Ngayon nya lang ako nakitang naka-dress.
"Sus! Binobola mo pa 'ko, eh pumayag na nga akong magpakasal sa'yo, diba?" Nakangiti kong sabi habang naglalakad kami papunta sa kotse nya.
I saw a smile formed on his lips sabay napailing-iling sya ng bahagya, pagkatapos ay pinagbuksan na ako ng car door. Andito na pala kami sa may sasakyan.
As I've mentioned, date namin ngayon. Fifth day na namin ito ngayon dito sa Baguio, pero ngayon pa lang kami magdedate na kaming dalawa lang. Nung mga nakaraang araw kasi, lagi naming kasama sina Mario at ang family nya, or kapag may trabaho naman si Mario, kasama pa rin namin sina Shara at Justin. Kasama nga ulit sana namin yung dalawa ngayon, kaso kagabi, sabi ni Shara, mas maganda daw kung makakapamasyal naman kami nang kaming dalawa lang. Tapos isa pa, last day na rin namin ngayon dito, kaya ayun, di na lang sila sumama.
BINABASA MO ANG
I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLD
RomanceContinuation of I'm Yours (A T-shirt Love Story)... <3