Chapter 14

1.9K 43 17
                                    

A/N: On-hold muna 'to dapat eh. Kaso na-miss ko sina Reggie at Shane kaya nag-UD ako... Hahaha...

Comment and Vote kayo  para sipagin akong mag-UD every week... Haha...

- Sarrah ♥

>>>♥<<<

14

Shane's POV

Mahigit isang buwan na rin ang nakararaan simula nung nakita ko uli si Reggie at nagkabalikan kami, although wala naman talaga kaming formal break up. So far, so good naman. Hindi naman inaatake ng sakit sa ulo ang Tart ko. Ewan ko lang din. Malay mo kasi tinatago nya lang sa'kin, diba?

Anyway, pinipilit pa rin sya ni Tito Dennis na magpa-chemo. Nagkita na rin kasi uli kami ng Dad nya. Nagkasama pala kasi sila ni Daddy sa conference na pinuntahan nila. And if you're asking, yes, magkakilala ang Daddy ko at ang Daddy ni Reggie. Naikwento ni Tito Dennis kay Dad yung nangyari kay Reggie, kaya naman pagkauwi na pagkauwi pa lang ni Dad, niyakap nya agad ako at ikinwento sa'kin yung mga nalaman nya, not knowing na alam ko na ang lahat. Hahaha...

Well anyway, hindi na 'yun mahalaga. Ang mahalaga ay mapilit namin ni Tito Dennis na magpa-chemo si Reggie para tuluyan na talaga syang gumaling, although hindi 100% yung assurance, at least may pag-asa. Yung operation na ginawa kasi sa kanya, first step lang yun. Kelangan pa rin talaga nyang magpa-chemo.

Sabado ngayon at andito ako sa Man-Man kasama si Romaine habang pinapanood mag-practice ang South Band. Kung tatanungin nyo naman ako kung nasa'n si Luis, aba malay ko! Inis na inis nga 'tong si Romaine sa kanya eh.

"Hay naku Shane! Nakakainis talaga yung bestfriend mo na yun! Napaka-insensitive! Ang nasty-nasty na nya ngayon sa'kin! Before naman, nung hindi pa nya alam na may gusto ako sa kanya, mabait naman sya sa'kin ah? Siguro talaga dapat, bumalik na lang ako sa New York at tanggapin yung work na ino-offer sa'kin dun..." maluha-luhang sabi ni Romaine sa'kin.

Four days ago kasi nag-inuman sila kasama yung South Band at doon inamin ni Romaine na may gusto sya kay Luis. Well syempre, hindi ko naman talaga alam ang buong pangyayari dahil may trabaho ako nung gabing yun. Kinwento lang sa'kin ni Reggie. At yun nga, according dito kay Romaine, simula nung gabing yun, lagi ng masama ang pakikitungo ni Luis sa kanya.

"Maine, 'wag ka namang magpadalos-dalos. Don't worry, kakausapin ko sya para sa'yo..."

"Eh feeling ko kasi ---" bigla kong itinapat yung palad ko sa mukha nya nung makaramdam ako ng pangangasim ng sikmura, kaya naman bigla syang huminto sa pagsasalita, habang ako naman ay dumiretso sa CR ng bar at sumuka.

I didn't realize sumunod pala sa'kin si Romaine.

"Shane, buntis ka ba?"

I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon