Chapter 7

2.5K 59 13
                                    

A/N: Dedicated sa Tita kong maganda... :) *kaway kaway*


- Sarrah ♥


>>>♥<<<


7


Nagda-drive na ako pauwi galing sa trabaho ng biglang mag-ring yung phone ko. Nung makita ko kung sino yung caller, napangiti naman ako.

Si Luis talaga, habang papalapit ng papalapit yung grand opening ng Man-Man, nadadagdagan at nadadagdagan din yung pagiging paranoid nya. Kesyo daw baka mamaya, unti lang ang pumunta or worst baka wala pang pumunta? Kesyo daw baka pumalpak yung South Band at pumiyok yung lead vocalist nila? Kesyo daw baka hindi magustuhan ng mga tao yung drinks? Hayz... Puro sya 'baka mamaya'... Pero imbes na mainis ako, natatawa na lang ako, kasi... Duh?! Ang i-imposible naman ng mga iniisip nya. First, pa'nong walang pupunta eh halos oras-oras ng program ko, pina-plug ko yung Man-Man. Second, pa'no papalpak yung South Band, eh sanay na ang mga yun sa gig. At higit sa lahat, pa'nong hindi magugustuhan ng mga tao yung drinks, eh galing pa yun ng Paris. O diba? Nakakatawa naman talaga. Hahaha...

Anyway, bukas na ang grand opening ng Man-Man kaya sigurado ako, hindi makakatulog to si Luis. Tignan mo nga at tumatawag na naman.

"O Manong? Kung sasabihin mo na naman sa'kin na kinakabahan ka para bukas, please... matulog ka na lang at wag mo na lang isipin na bukas ang opening ng Man-Man, okay?" sabi ko as soon as I press the answer button.

("No Shane. This isn't about that. Well... sort of, but not totally about that...") sagot naman nya.

Huh? Shane? Hindi Manang? Ano naman kayang problema ng isang 'to?

"Ha? Bakit? May problema ba?"


("Shane, I need to fly to Paris first thing in the morning. Na-rush daw kasi si Daddy sa ospital. Inatake. Hindi pwedeng hindi ako pumunta dun...") problemado nyang sabi sa kabilang linya.

"Ha? So pa'no? I-mo-move natin yung grand opening?"


("No. We don't need to do that... Yun nga lang, ikaw munang bahala... Okay lang ba?")


"O sige. Wala naman akong magagawa eh... Ingat ka na lang and ikumusta mo na lang din ako kina Tita..." tukoy ko sa Mom nya.

("Okay good... Sige... Basta tawagan mo ako kahit anong mangyari ah?")


"Psh... Ano ka ba Manong... Wag mo na alalahanin pa yung grand opening, ako na bahala dun. Don't worry..."

I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon