Chapter 18

1.1K 30 16
                                    

A/N: Bakit ganun kayo? Nawala na yung mga constant voters and commenters... Dahil ba sa hindi na madalas mag-UD ang author? :(

Anyway, wala naman ako magagawa kung ayaw nyo na mag-comment at vote. UD-UD na lang si AKO... :)

Sa mga nagbabasa pa rin nito hanggang ngayon at sa mga matyatyagang nag-aantay ng UD, thank you... Eto ng Chapter 18. You might find it lame, pero wala eh... Yan lang nakayanan... :)

 

- Sarrah ♥

 

>>>♥<<<

 

18

Shane's POV

"Dad, hindi ko po ba talaga pwedeng makita si Reggie?" Paulit-ulit na tanong ko kay Dad simula pa kaninang nagising ako.

"Anak, hindi nga daw pwede sabi ng doktor... Wag ng makulit ah? Sabi ni doc, kelangan mo ng total bed rest..." Paulit-ulit rin na sagot nya sa'kin.

Aba eh, masisisi nyo ba ako kung miss ko na agad ang Tart ko? Hayz... Ano ba naman kasi yan? Para ba namang mamamatay ako kapag pumunta lang ako sa kabilang kwarto... Ewan ko lang ah? Pero feeling ko kasi may tinatago 'tong si Daddy sa'kin eh...

"Hmm... kahit na mag-wheelchair ako?" Hirit ko pa.

"Shane?" Sabi ni Dad sa tono ng nananaway.

"Okay, okay... Hindi na..." Sagot ko na lang with matching taas ng dalawang kamay.

"Para ba naman kasing may mangyayaring masama sa'kin 'pag umalis ako dito sa kama..." I murmured, pero sinadya kong iparinig kay Dad.

"Shane, kung ayaw mong may mangyaring masama dyan sa baby mo, sumunod ka na lang sa bilin ng doktor, okay?" Sermon ni Dad.

Doon lang ako natauhan... Oo nga pala, may baby na nga pala ako sa tyan ko na dapat alagaan. Tama si Dad, hindi dapat ako nagpapasaway...

Tumingin ako kay Dad at ngumiti.

"Hehe..."

"Don't worry, 'pag nagising naman 'yun si Reggie, pupunta naman 'yun agad dito eh..." he said, without looking at me. Inilipat lang nya yung tingin nya sa dyaryong nakapatong sa side table. He's obviously trying to get his gaze away from me. Mas lalo lang tuloy akong naghihinalang may tinatago sya sa'kin.

Magrereact pa sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Come in..." sigaw ni Dad.

I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon