Chapter 17

1.3K 21 4
                                    

A/N: :) Sorry guys, hindi ako nakapag-UD kahapon as promised. Nagkaroon ng biglaang lakwatsa ang author nyong maganda eh (chos! =>)... Ayun, pag-uwi ko, pagod to the max na ang beauty ko, kaya di na ko nakapag-comp... Hehe... :) Sorry naman... Peace tayo guys... Labyu! :D

Okay, so here's the UD... Enjoy reading... :)

- Sarrah ♥

 

>>>♥<<<

 

17

I went to the front desk and ask the female nurse about my doctor. Sinabi rin naman nya agad sa'kin yung pangalan at kung na'san yung office nito.

While I'm on my way to the 2nd floor of the hospital kung sa'n naroon yung opisina ng doktor ko, ay wala namang pagsidlan ang kaligayahan ko. Oo nga at kahit papa'no ay nalulungkot ako dahil sa kalagayan ko, pero mas nangingibabaw pa rin talaga yung kasiyahan na nararamdaman ko. Since nalaman namin yung tungkol dito sa sakit ko, I never expected na sasaya pa ako ng kagaya nito. Ganito pala yung feeling ng magiging tatay na.

Hindi nagtagal, narating ko rin naman agad yung office ni Doktora Nunez. Kakatok na sana ako ng bigla kong marinig ang boses ni Dad. Ewan ko, pero parang may nag-udyok sa akin na 'wag ng ituloy ang pagkatok at makinig na lang sa usapan nila.

"Doc..." I heard my Dad said.

"Mr. Navarro, pasensya na kung medyo natagalan. May inoperahan pa kasi ako eh... Maupo ka..." Narinig ko namang sagot nung taong kausap ni Dad. I guess si Doktora Nunez yun.

"Gusto nyo raw po akong makausap..." sabi ulit ni Dad.

"Yeah... About your son's condition..." Nag-pause sya saglit at mukhang huminga ng malalim. I guess sobrang lapit lang nung pwesto nya sa pintuan dahil narinig ko pa yung pagbuntong-hininga nya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Navarro... I hate to say this pero mas malala na yung kondisyon nya ngayon. Unti-unti ng nawawala yung epekto ng operasyon na ginawa sa kanya sa States..."

"Hayaan nyo Doc... Sa tingin ko, malapit na naman namin syang mapapayag na magpachemo. Lalo na ngayon at magiging tatay na sya..." pagkatapos ay narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Daddy. I think he's trying to make the situation lighter.

"The thing is..." Nag-pause ulit saglit si Doc. Yun bang parang pinag-iisipan kung ano yung susunod na sasabihin. "Kahit magpa-chemo sya, wala na rin yun magagawa..."

I felt my heart stopped beating pagkarinig ko sa mga katagang iyon. What does she mean? Wala na akong pag-asang mabuhay pa? That can't be! Hindi yun pepwedeng mangyari! Hindi pa ako pwedeng mamatay. Kelangan pa ako ng magiging mag-ina ko!

I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon