A/N: Pakibasa po muna ng special announcement ko before you proceed. I've posted it before this chapter... :)
PS: Dedicated to crazygirlshara. O eto na Shar ang nakakabaliw na panibagong role mo. Hahaha... Hulaan mo kung sinong Mario yan... LOL. :)
- Sarrah ♥
>>>♥<<<
20
Mag-aalasingko na ng hapon ng makarating kami ni Reggie sa bahay ng kaibigan nyang si Mario. Mabuti nga at hindi naman kami masyadong nahirapan hanapin ang bahay nito. Medyo malapit lang naman kasi sa bayan.
Isa si Mario sa mga pinaka-close nya nung college, ang kaso tumigil ito sa pag-aaral nung 4th year na dahil ayon sa kwento sa'kin ni Rej ay nakabuntis raw, at dahil dun ay pinatigil ng parents nya sa pag-aaral. Sa ngayon ay nagtatrabaho ito bilang assistant ng Mayor dito sa Baguio.
"Ui 'tol! Long time no see! Tara tuloy kayo!" Bati nito sa'min pagkabukas ng pinto, sabay nakipag-man hug kay Reggie, samantalang ako naman ay ngumiti lang sa kanya.
"Oo nga eh! Unggoy ka talaga! Simula nung nag-stop ka, hindi ka na nagparamdam. 'Kala ko tigok ka na eh. Haha... Mabuti na lang merong number mo si Ken." Yung Ken na tinutukoy ni Reggie, ang alam ko ay classmate rin nila nung college na taga-La Union.
"Oo nga eh... T*ngina 'tol! Ang payat mo pa rin!" Pag-iiba nito ng usapan.
"Gago! Sya nga pala, si Shane... Tart, si Mar..." pagpapakilala sa'min ni Reggie.
"As if naman hindi ko sya kilala, eh wala ka namang naging kaklase na hindi sya kilala eh. Haha..." tatawa-tawang sabi ni Mario, dahilan para sikuhin sya ni Reggie sa sikmura. "Ouch! Hi Shane! I'm so glad to finally meet you," reklamo nito, pero sabay bati rin sa'kin na nakangiti, pagkatapos ay inilahad ang kamay sa harap ko. Napangiti na lang rin tuloy ako.
"Same here..." nakangiting sagot ko sabay abot sa kamay nyang nakalahad sa harapan ko.
"Tara, pasok kayo..." aya nya sa'min ni Rej nung mapansin nyang nasa may pintuan pa rin kami, pagkatapos ay tinulungan na rin kaming magbuhat nung mga bag na dala namin. "Pasensya na kayo ah? Medyo magulo dito sa bahay namin. Alam nyo na, extended family..." dugtong pa ni Mar ng nakangiti, pagkatapos ay pumasok na nga kami sa bahay nila at iginiya nya kami papunta sa isang kwarto.
Okay naman yung bahay nila. Hindi naman nga magulo. Siguro nasabi lang ni Mario na magulo kasi maraming gamit tapos medyo maliit lang yung bahay, pero kung ako ang tatanungin, hindi naman talaga sya magulo. Cute nga eh.
"O 'tol, Shane, eto na lang muna yung magiging pansamantala nyong kwarto dito ah? Pagpasensyahan nyo na, pinapagawa pa kasi yung aircon namin eh..." sabi uli nya pagkapasok namin sa isang kwartong kulay green. Well, nasabi kong green kasi halos lahat ng nakikita ko, kulay green. Yung dingding, kurtina, bedsheet, cabinet, pati table kulay green. Oh I forgot! Pati pala orasan. LOL.
BINABASA MO ANG
I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLD
عاطفيةContinuation of I'm Yours (A T-shirt Love Story)... <3