Chapter 19 (Second Part)

955 30 12
                                    

A/N: Ang sabaw ng last update ko kaya naiintindihan ko kung di kayo ngcomment, well, except sa feyborit kong reader na si crazygirlshara... :)

Eto, maikli lang 'to, pero promise magugustuhan nyo... Kaya magcomment kayo, kung hindi, wala ng susunod na update... wahaha... syempre, joke lang... labs ko kaya kayo... :)

- Sarrah ♥

>>>♥<<<

"O ano? Handa na ba lahat? Wala ka ng nakalimutan?" Tanong ni Reggie pagkatapos nyang mailagay sa hood ng kotse nya ang mga gamit namin.

Andito kami ngayon sa tapat ng gate ng bahay namin at nakahanda na para sa trip namin sa Baguio. Pagkadischarge sa akin kahapon sa ospital ay dito na kami dumiretso sa bahay. Hinatid lang ako ni Reggie, pagkatapos ay bumalik ulit sya ng Cavite para kumuha ng mga gamit na dadalhin nya sa pagpunta namin sa Baguio. Gusto nga nya sanang bumalik ulit ng Maynila at dito na makitulog sa'min, pero hindi na sya pinayagan ni Tito. Well, kahit ako rin naman ay tumutol sa gusto nya. Alam ko naman kasing pagod na sya at syempre kelangan rin nyang magpahinga.

"Yap..." abot-langit ngiting sagot ko sa kanya.

"So pa'no, mag-iingat kayo ah? Pag may problema, tawagan nyo agad ako, o kaya si Dennis..." tukoy ni Dad sa Daddy ni Rej.

"Opo, sige po Tito..." sagot ni Reggie sabay nakipag-man hug kay Dad.

"Sige po Dad... Basta, kayo po munang bahala dun sa bar ah? Pakisabi po kay Luis, saka ko na lang sya kakausapin pagbalik namin mula sa Baguio..." sagot ko naman sabay halik sa pisngi ni Daddy. Alam nya yung tungkol sa away namin ni Luis. Alam nyo namang hindi ako malihim pagdating kay Dad eh, diba? Malamang, nakwento ko na sa kanya.

Pagkatapos magpaalaman ay sumakay na kami ng kotse ni Reggie, at pagkatapos ay nagsimula na rin syang mag-drive. Isang linggo ang trip namin dun sa Baguio. Kinontak nya yung isa nyang kaklase nung college na taga-Baguio at pinakiusapan kung pwede kaming makituloy dito. Mabuti nga at agad naman itong pumayag.

Excited na talaga ako. Sana maging masaya 'tong trip namin na 'to. Oh well, I'm sure naman na magiging masaya talaga 'to. Syempre, kasama ko ang man of my dreams eh.

Halos wala pang 15 minutes yung byahe namin nung magsalita si Reggie.

"Tart?"

"Hmmm...?"

"How would you describe love?"

Awtomatikong napataas ang isang kilay ko.

"Seryoso ka? Yan ang topic natin ngayon?" Napapatawang tanong ko sa kanya. Nakakatawa naman kasi ang tanong nya. Wala na ba syang ibang maisip itanong? Mukhang inaatake na naman 'to ng pagiging korni nya ah? Haha.

"Sagutin mo na lang kasi..." nakangiti namang sagot nya.

"Uhmm... Sige na nga... Wait... Pa'no nga ba?... Ahh..! Alam ko na! For me, love is restless. Yun bang kahit pagod na pagod ka ng masaktan, hindi ka pa rin nagsasawang magmahal... Parang ako noon, nung iniwan mo ako... Sobrang sakit yung naramdaman ko nun, pero kahit kelan, hindi nawala yung pagmamahal ko sa'yo..." I saw a smile formed on his lips. Pustahan tayo, kinikilig 'to. Hahaha...

"Uyy... Kinikilig sya..." pang-aasar ko sabay kurot ng mahina sa tagiliran nya.

He looked at me, obviously trying to hide his smile.

"Sus... Ang haba naman ng sagot mo... Ako, tanungin mo?"

"Yabang nito ah? Sige nga, ikaw? How would you describe love?"

I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon