A/N: Ang Chapter na ito ay dedicated sa lahat ng readers ng I’m Yours.
Silent readers, magparamdam naman po kayo. Hindi naman po nangangain si Ms. Author… :) You can PM me if you’d like… :)
- Sarrah ♥
>>>♥<<<
5
Pagkadating ko sa bahay, sakto namang dumating din si Luis saka yung friend nya. Babae pala yung interior designer na tinutukoy nya.
Pinakilala kami ni Luis sa isa’t-isa pagkatapos ay sabay-sabay na kaming kumain sa kusina, habang si Manang naman ay inayos muna yung mga ginrocery ko bago tuluyang bumalik sa kwarto nya. Kumain na daw sina Luis, kaso naawa siguro sa’kin dahil wala akong kasabay kumain, kaya kumain na lang ulit sila. Hehe…
“Maine, pa’no naman pala kayo nagkakilala nitong bestfriend ko?” tanong ko habang kumakain kami. Romaine kasi ang pangalan ng friend ni Luis.
“Ahh… Magkaklase kami sa isang subject nung college…” sagot naman nya.
“Ahh talaga?! So sa Paris ka rin nag-aral?”
“Hindi hindi… Dito kami sa Pilipinas naging magkaklase… To talaga, tatanong pa, alam naman na…” sabat naman ni Luis.
“Cheh! Tumahimik ka nga! Hindi ikaw ang kinakausap ko!” singhal ko naman sa kanya. Sasabat-sabat kasi, hindi naman sya ang kinakausap ko.
Ngumiti naman si Romaine bago uli nagsalita.
“Yeah… Sa Paris ako gumraduate ng Interior Design, then after graduation, nagkaro’n ako ng offer sa New York kaya pumunta ako dun…”
“Ahh… Kaya pala hindi kita nakita nung nag-aral din ako sa Paris…”
“Talaga?! Nag-aral ka din dun?”
“Yeah… Actually, vocational lang naman… Fashion Design. 6 months lang sya… Wala nga yun sa plano eh. Pinadala lang kasi ako ni Daddy dun para… Urgh… Never mind…” di ko na pinagpatuloy. Parang bumabalik lang kasi yung sakit. Pinag-patuloy ko na lang yung pagkain.
“Nga pala Manang… Nakinig kami nung program mo…” parang alam ko na ang patutunguhan ng kwentuhan namin kaya tinignan ko ng masama si Luis. “Wala lang… Sinasabi ko lang na nakinig kami… Bakit? Bawal?!” mabuti naman at na-gets nya.
“Oo nga Shane… Ang galing mo pala mag-DJ… Saka yung last na letter na binasa mo, grabe ah? Nakakaiyak sya, in fairness…” sabi naman ni Romaine.
BINABASA MO ANG
I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLD
RomanceContinuation of I'm Yours (A T-shirt Love Story)... <3