A/N: May downloadable version na po yung I'm Yours (A T-shirt Love Story). Please visit this site if you would like: sjmcarmenta.jimdo.com or you can click the external link sa gilid.
- Sarrah ♥
>>>♥<<<
11
Reggie's POV
"Tart, kelangan pa ba talaga natin syang sunduin? Matanda naman na yun eh. Kaya na siguro nya ang sarili nya..." sabi ko kay Shane habang nagmamaneho ng sasakyan.
Kagagaling lang namin sa office ng Manila Bulletin at papunta na kami ngayon sa airport para sunduin ang pinakamamahal na BESTFRIEND ng GIRLFRIEND ko.
Hay naku! Tama naman kasi diba? Bakit ba kasi kelangan pang sunduin yun si Luis, eh hindi naman na yun maliligaw.
"Alam mo Tart, kung ayaw mo talaga sumama sa pagsundo sa kanya, okay lang naman eh... Hatid mo na lang ako sa airport at ako na bahala sumundo sa kanya..." mahinahon nyang sabi.
"Psh... Para namang kaya kong gawin yun..." halos pabulong kong sabi pero sapat lang para marinig nya.
"O yun naman pala eh... Kaya wag ka ng magreklamo dyan ah?" sabi nya sabay ngiti at hawak sa braso ko.
"Tsk tsk..." pagkatapos ay napailing-iling na lang ako.
Ewan ko ba, pero parang hindi ko talaga makakasundo si Luis. Actually, hindi pa naman talaga kami nag-uusap ng personal eh. Eto yung first time na mag-uusap kami. Pero malakas talaga pakiramdam ko na hindi kami magkakasundo. Well, unang-una, ayaw ko sa kanya, kasi alam ko naman na may gusto sya kay Shane eh. Manhid lang talaga 'tong isang 'to. Pangalawa, alam kong galit rin sya sa'kin dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Shane. Pero may dahilan naman lahat ng yun, diba?
At mas lalo pang uminit yung dugo ko sa kanya sa sinabi nya sa'kin kahapon nung inagaw ko kay Shane yung phone nya.
-FLASHBACK_
"Luis, this is Reggie..." sabi ko pagkalagay ko ng phone sa may tenga.
Matagal bago sya nagsalita. Siguro dahil sa gulat. Nung medyo nakabawi na, saka sya nagsalita.
("So... Hindi nga ako nagkamali... Ikaw yung lead vocalist ng bandang kinuha namin para tumugtog sa Man-Man...") then I heard him smirked. ("What a small world... So ano ng balak mo ngayon? Saktan uli si Shane?... Ano? Ba't di ka makapagsalita?! Bumalik ka ba para saktan uli sya?! Eh kung hindi ka naman pala isa't-kalahating g*go eh!")
BINABASA MO ANG
I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLD
RomansaContinuation of I'm Yours (A T-shirt Love Story)... <3