A/N: Guys, eto na po ang continuation ng I'm Yours (A T-shirt Love Story)... Like I've said, continuation po ito, so... kung hindi nyo pa po yun nababasa, basahin nyo po muna, para mas maintindihan nyo ang story...
Dedicated kay namielle... Thanks sa cover girl... Naappreciate ko talaga ng sobra... :))
>>>♥<<<
I'M YOURS (YESTERDAY, TODAY, AND ALWAYS)
written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta
Copyright ©
All Rights Reserved 2012
>>>♥<<<
Prologue:
Sobrang saya ko nung araw na sinabi ni Reggie sa harapan ng maraming tao na mahal nya ako. Walang pagsidlan yung kaligayahan ko nun, lalo na at 8 taon na rin pala nya akong minamahal.
Sinagot ko rin naman agad sya nung araw ring iyon. Alangan naman magpakipot pa ako diba? Haha... Eh walong taon ko rin namang pinangarap na maging girlfriend nya.
Ikinwento nya sa'kin ang lahat. Simula nung nakita nya ako sa MRT nung Grade 6 pa lang kami, hanggang sa nung mamatay ang Mommy nya, dahilan kung bakit tinikis nya ang sarili nyang lapitan ako.
Oh diba? Haba ng hair ng Lola nyo. Hahaha...
Anyway, ayun nga, after nung Valentine's Concert ng FEU Band, sinama nya ako sa bahay nila para maipakilala sa Daddy nya. Mabait naman yung Daddy nya. Nagkasundo nga rin kami agad eh.
After namin kumain ng dinner kasama si Tito Dennis (that's he's Dad), sinama nya ako sa kwarto nya. Natakot pa nga ako kasi akala ko kung ano ng gagawin namin. May ipapakita lang pala sya sa'kin. Hahaha...
May pinakita sya sa'king isang painting. Painting ng mukha ko.
Oh diba? Sosyal...!!! Sobrang kinilig talaga ako nung araw na yun.
Idinrawing nya daw yung picture na yun nung araw din na una nya akong nakita sa MRT.
Wini-wish ko nung araw na yun, na sana hindi na matapos yung sandaling yun. Pero syempre, dumating sa point na kailangan ko ng umuwi. Kaya hinatid nya ako sa bahay, at pinakilala ko naman sya kay Daddy.
Actually, kilala na sya ni Daddy. Sa pangalan nga lang. Sobrang close kasi ako sa Daddy ko, at alam nya ang lahat ng tungkol sa akin. Lagi kong kinikwento sa kanya si Reggie, kaya naman nung pinakilala ko na sya sa kanya as boyfriend ko, hay naku...!!! Parang mas masaya pa si Daddy kesa sa'kin. Hahaha...
Naging masaya yung first 10 months ng relasyon namin. Pagka-graduate namin, nag-start na akong magtrabaho as writer sa PDI (Philippine Daily Inquirer). Si Reggie naman, nag-self review for their board exam. Ayaw daw kasi nyang mag-review sa review center.
Luckily, nakapasa naman sya, kaya isa na syang nurse ngayon.
But an unexpected thing happen.
Hindi ko alam kung anong nangyari, basta, 1 month after malaman yung result ng board exam, bigla na lang syang naglaho na parang bula.
Nung huli kaming nagkita, masaya pa kami. Nanood kami ng sine, kumain sa labas, naglaro sa Tom's World, sa madaling salita, we're like perfect couples.
Ang saya-saya ko pa nung araw na yun. Hindi ko alam, yun na pala yung huling beses na makikita ko sya, dahil pagkatapos nun, wala na akong na-receive na text galing sa kanya.
Sinubukan ko syang tawagan, pero unattended na ang number nya. Pinuntahan ko sya sa kanila, only to know na lumipat na pala sila ng bahay. Tinawagan ko lahat ng close friends nya, pero ni isa sa kanila, walang balita tungkol sa kanya.
Hanggang sa sumuko na lang ako.
I was in deep pain for like... 6 months. Hindi ko pa rin matanggap na iniwan ako ni Reggie. Okay lang sana kung nagpaalam muna sya bago umalis, pero hindi eh... Umalis sya na walang iniiwang bakas. He left me without any idea kung anong nangyari.
Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama o ano...
After 6 months ng pagmumukmok sa kwarto, pinadala ako ni Daddy sa Paris para mag-aral ng Fashion Design. 6 months lang naman yun.
After 6 months, bumalik rin naman agad ako dito sa Pilipinas.
Pero nag-iba na ako. Hindi na ako yung Shane na iniwan ni Reggie more than a year ago. Naging mahirap para sa'kin, pero sa huli, nagawa ko pa ring maka-move on. Thanks to my bestfriend Luis. Yeah. He was with me in Paris. Dun kasi sya nag-aral after high school. May inaasikaso lang sya dun, after nun, babalik na daw sya dito sa Pilipinas. Magtatayo daw sya ng isang bar, at gusto nya, sosyo kaming dalawa.
3 months na rin ang nakalilipas simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas.
Nagtatrabaho na ako ngayon as DJ sa isang FM radio station dito sa Maynila. Bukod dun, nagsa-sideline din ako sa Manila Bulletin. Nagsusulat ako about proper lifestyle.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong nababalitaan tungkol kay Reggie.
Buhay pa kaya sya?
Aaminin ko, mahal ko pa rin sya hanggang ngayon. Kaso, wala naman akong magagawa eh. Iniwan nya ako ng walang paalam....
>>>♥<<<
BINABASA MO ANG
I'm Yours (Yesterday, Today, and Always) - ON HOLD
RomansaContinuation of I'm Yours (A T-shirt Love Story)... <3