MANA

2 0 0
                                    

Title: MANA (One-shot story, completed)Genre: ParanormalAuthor: Wiz Ligera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Title: MANA (One-shot story, completed)
Genre: Paranormal
Author: Wiz Ligera

Dinig ang pag-awit ng pabasa sa kanto kung saan naroon ang mga namamanata sa Mahal na Araw. Kung ang halos lahat ng mga Kristiyano ay pinagluluksa ang sakripisyo ni Hesus, si Dwayne naman ay nadarama ang pighati dahil sa paunti-unting pamamaalam ng lolo.

Ang matandang lalaki ang kumupkop sa kanilang magkakapatid nang maulila na sa mga magulang. Mahigit sampung taon din silang inalagaan nito at inakala niya na maibabalik pa ang pabor ng kabutihan nito pero sa kasamaang-palad, nagkaroon na ito ng cancer at mabilisang naratay.

Kinaumagahan ay pinatawag na sa kanya ang dalawang nakatatanda na nagpakalayu-layo sa siyudad. Noong una ay ayaw man umuwi ng mga ito pero nang sabihin niya na pag-uusapan na ang mana, kaagad na nagsiuwian na ang mga ito.

"M-Masaya ako at nakita kayong muli," habol ang hiningang sinabi ni Ador, ang kanilang lolo. "Akala ko, makakamatayan ko nang hindi kayo nagkikita..."

"May pag-uusapan ba tayo sa mana?" walang kiyeme na sinagot ng panganay sa magkakapatid. Nang marinig ang walang kunsiderasyon na pahayag nito ay bahagya siyang tinapik ng kasunod na si Hector upang ayusin ang pananalita. Pinandilatan niya ng mata ang nakatatanda bilang senyales na magpakabait at baka bawiin pa ang mana na sigurado siyang napakalaki. Maykaya ang kanilang lolo kaya hindi malayong limpak-limpak na salapi ang iiwaan nito sa kanila.

"Ang ibig sabihin ko po, mas mainam na habang narito kaming tatlo, maging maayos ang dibisyon ng mga pag-aari mo kapag wala ka na," panunubok na ayusin ni Frank ang sinabi kanina lamang. "Huwag mo po sanang masamain pero bilang panganay, gusto ko lang sana na patas ang pagbibigay ng mana. Equal sharing. Walang labis. Walang kulang."

Napabuntong-hininga si Ador sapagkat nalungkot siya sa naging asal ng apo. Sinikap niyang alagaan nang maayos at tustusan ang pangangailangan ng mga ito pero sa huli pala ay mana lang ang habol ng mga ito sa kanya. Tanging si Dwayne lamang ang naaasahan niya at nagtiyagang mag-alaga sa kanya simula noong magkasakit. Habang nagliliwaliw sa siyudad ang dalawa gamit ang kanyang salapi, ang pinakabata sa mga ito ang tanging naging karamay niya.

Nais man niyang masamahan pa si Dwayne hanggang sa makapag-asawa na at magkaroon ng sariling pamilya, alam niyang hindi na siya magtatagal pa sa mundo. Doon din ay nagdesisyon siya na ibilin sa mas karapat-dapat ang pamana na alam niyang pakikinabangan ng mga apo, basta ba sa mabuti magagamit.

"Dwayne," pagtawag niya sa pinakabata sa magkakapatid. "Pakikuha ang itim na bag ko na nakatago sa aparador."

Sumunod naman ang binata at iniabot sa matanda ang sisidlan. Doon ay kinuha ni Ador ang pinaglumaang susi at panandaliang pinagmasdan. Bumalik sa alaala niya ang sikretong lugar na kanunu-nuan pa niya ang tanging nakakaalam. Medyo mapanganib doon pero alam niyang kakayanin ng magkakapatid ang mga pagsubok basta ba magtutulungan sila.

Pinagpasa-pasahan na ang susi na ayon sa ama, ipinagkatiwala raw ng isang diwata sa ninuno nila. Sa pagdaan ng mga taon.ay hindi na nila alam kung may katotohanan ba ang kuwento pero isa lang ang sigurado. Naroon nga sa kweba ang kayamanan na hihigit pa sa mayroon ng mga hari. Si Ador mismo ang saksi nang maglakas-loob silang ama na magtungo roon noong teenager pa. Kumuha lamang ang ginoo ng isang gintong kwintas roon nang magkaroon ng malalang sakit ang asawa at kailangang ipagamot. Pagkatapos noon ay hindi na ito bumalik pa sapagkat ayaw nitong mamihasa sila sa pagkuha ng hiyas na hindi naman pinaghirapan.

Paranormal One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon