Chapter 24.

1K 38 7
                                    

NASH'S POV

"Shar, okay ka lang ba? Bakit ka ba biglang umiyak? Nag aalala ako sayo."-ako-

Kasi naman, nang ikwento ko sa kanya yun, bigla na lang syang umiyak.

"Wala Nash. Wag mo na akong pansinin."-Shar-

Panong hindi? E hindi ko nga kayang makitang umiiyak ang babaeng mahal ko.

"Sabihin mo na sakin Shar."-ako-

Napatingin sya sakin.

"Kasi, naalala ko din yung lagi kong napapanaginipan. Hindi ko lang mapigilan mapaiyak pag naaalala ko yun."-Shar-

"Anong panaginip?"-ako-

Naupo na kami.

"Yung napapanaginipan ko kasi. Isa daw akong mahirap at walang pamilya na tao. Wala akong kaibigan, basta, mag isa na lang ako."-Shar-

Teka! Ayun talaga si Shar! Baka naman hindi panaginip yun kundi memories!

"Tapos sa school na pinasukan ko ay mga bullies. Lagi na lang nilang akong inaaway kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila."-Shar-

Kami yun! Napayuko ako.

"Hanggang sa may nagligtas daw sakin. Tapos dahil lagi nya akong nililigtas, minahal ko sya. Minahal
ko sya ng sobra na hindi ko pa nagawa sa buong buhay ko!"-Shar-

Naiyak sya habang nagsasalita.

"Tapos, akala ko... akala ko mahal nya din ako."-Shar-

Oo Shar! Mahal din kita! Lagi kong sinasabi sayo yun!

Naiyak pa rin si Shar.

"Pero nalaman ko, pinagpustahan lang pala nila ako. Nang mga kaibigan nya na bully! Amg sakit! Sobrang sakit!"-Shar-

Kung ikwento ni Shar ang mga nangyari ay parang damang- dama nya.

"Tapos, nagpakamatay ako kasi hindi ko na kaya ang sakit. Biruin mo yun? Wala na nga akong pamilya, mahirap lang ako tapos pinaglaruan nya pa ako? Ang sama nya!"-Shar-

Teka? Si Shar? Nagpakamatay!

Baka naman panaginip nya lang talaga! Pero totoo lahat ng mga una nyang sinabi!

Ang gulo! Hindi magkatugma ang kinukwento nya sa kinuwento ng mga kaibigan ko!

Ano ba talagang nangyari?

Pero isa ang sigurado ko! Galit ako sa sarili ko! Hindi ko alam na nasaktan ko ng ganun si Shar para tangkain nyang magpakamatay.

"Shar sorry."-ako-

Niyakap ko na sya.

Sorry sa lahat! Ako ang may kasalanan kung bakit ka nasaktan ng ganun! Pasensya na! Sorry!

Nagulat lang ako ng biglang may humila kay Shar palayo sakin! Hawak ang buhok ni Shar.

"ALEXA!"-ako-

"Sya ba? Sya ba Nash?! Sya ba at ang paglalandian nyo ang gusto mong ipakita sakin?!"-Alexa-

"What are you talking about? Bitawan mo si Shar!"-ako-

"Nasasaktan ako Alexa. Ano ba?"-Shar-

Sobrang higpit ng pagkakapit ni Alexa sa buhok ni Shar.

Nagulat pa ako ng sampalin nya si Shar.

"Yan ang nararapat sayo! MANGAAGAW!"-Alexa-

Napatingin ako kay Shar. Naiyak sya.

Naaalala ko yung mga panahon na binu bully sya ni Alexa.

"ALEXA! TUMIGIL KANA!"-ako-

Napahinto naman si Alexa.

"Sige Nash! Kampihan mo pa tong malanding babae na to!"-Alexa-

Buti naman at nagawang makawala ni Shar mula sa pagkakahawak ni Alexa sa buhok nya.

Nilapitan ko si Shar.

"Okay ka lang?"-ako-

Malamang hindi! Ang stupid ng tanong mo Nash!

"Umalis kana Alexa!"-ako-

"Pero Nash..."-Alexa-

"UMALIS KANA!"-ako-

Mangiyak ngiyak na umalis si Alexa. Padabog pa sya.

"Im so sorry Shar. Saglit lang, gagamutin ko ang pasa mo."-ako-

Naiyak lang sya.

"Uuwi na lang ako Nash."-Shar-

"Hindi! I feel responsible for what happened to you."-ako-

Kumuha agad ako ng yelo at nilagay ko yun sa ice bag.

Habang ginagamot ko ang pisngi ni Shar na sinampal ni Alexa ay napatitig ako sa kanya.

"Sorry Shar."-ako-

"Okay lang. Naiintindihan ko naman ang gf mo."-Shar-

Hindi lang yun! Lahat! Lahat ng nangyari sayo, ng pinagdaanan mo, kasalanan ko!

"Sana mapatawad mo ako Shar."-ako-

SHARLENE'S POV

Hahahaha! Nakakatawa ang mukha ni Alexa e!

Yung parang umuusok yung mga tenga nya sa sobrang galit sakin kanina.

Ako talaga yung nagtext sa kanya. Pinapunta ko sya para makita nyang magkasama kami ni Nash.

Hindi ko naman akalain na yayakapin ako ni Nash.

Nasambunutan at nasampal ako pero wala na sakin yun.

Mas madaming mas malala pa ang ginawa sakin ni Alexa kaya manhid na ako sa kasamaan ng ugali nya.

Masaya ako na nakaganti ako sa kanya.

Pero may isa akong problema.

Nung nagsorry si Nash sakin kanina. Nawala na ng tuluyan ang galit ko!

Nakakainis! Ganun lang yun? Pagkatapos ng pangloloko nya sakin? Isang sorry lang?!

-------------

Vote and comment! Thankys! :)

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon