Chapter 20.

998 47 3
                                    

NASH'S POV

"Sharlene?"-ako-

Ngumiti sya.

Namiss ko talaga ang ngiti na yun.

"Napakilala mo na pala ako Joaquin?"-Shar-

"No babe. Hindi pa. Magkakilala kayo ni Nash?"-Joaquin-

"Hindi."-Shar- "Oo!"-ako-

"Magkakilala tayo?"-Shar-

Ano bang sinasabi nya?

"Shar, ano bang problema mo?"-ako-

"Ako wala. Babe, ano bang problema ng kapatid mo?"-Shar-

Bakit ganyan sya magsalita? Ang kilala kong Shar, hindi ganyan!

"Sorry Nash. Hindi talaga kita kilala."-Shar-

Kumunot ang noo ko.

Pagkatapos nang ginawa nyang pananakit sakin, magpapanggap sya ngayon na di nya ako kilala?

"Tama na nga Shar! Wag na tayong maglokohan!"-ako-

"Babe, nakakatakot na ang kapatid mo."-Shar-

"Nash, anong problema? Kilala mo ba talaga si Shar? Kasi hindi ka nya kilala."-Joaquin-

Pano namang hindi nya ako makikilala?

"A Nash ano kaba? Tama na nga ang pagbibiro!"

Napalingon ako sa nagsalita.

Si Alexa!

"Ha?"-ako-

Binigyan nya ako nang 'Ako-ang-bahala' look.

"Im sorry Sharlene. Btw, im Alexa."-Alexa-

"Sorry para saan?"-Shar-

Nakangiti sya.

I can feel something sa pagsasalita nya. Parang naiinis sya?

"Nagbibiro lang si Nash. Ang totoo, alam nya na ang pangalan mo at gusto lang nyang magpatawa."-Alexa-

Ha?!

Nagulat si Shar.

"A ganun ba? Pwes, nakakatawa nga yun."-Shar-

Tumawa sya pero sobrang peke naman.

"Oo nga pala, girlfriend ako ni Nash."-Alexa-

Nagulat ulit si Shar.

May weird talaga kay Shar e! Hindi ko lang ma figure out kung ano yun!

"Akala ko naman kilala mo talaga ang gf ko tol."-Joaquin-

Nakatitig lang sakin si Shar. Ganun din ako sa kanya.

"Babe, sayaw muna tayo. Excuse us, Nash, Alexa."-Joaquin-

Hindi pa rin ako makapaniwala!

Pagkaalis nila ay napaupo ako.

"Nash! Are you okay?"-Alexa-

"Ano ba yung sinabi mo kanina?"-ako-

"Narinig ko kasi ang usapan nyo. At narealized ko na walang balak umamin ang babaeng yun. Nagpapanggap pa syang hindi ka kilala!"-Alexa-

Buti na lang pala dumating si Alexa kundi, nagmukha lang akong tanga dun.

"Okay ka lang?"-Alexa-

"Saan? Na hindi ako kilala ni Shar?"-ako-

"Hindi. Na nakita mo ulit ang babaeng nanakit sayo?"-Alexa-

"Yeah. Naka moved on na ako."-ako-

"No Nash! Dapat gumanti ka!"-Alexa-

Gusto ko talaga! Pero nalilito pa rin ako.

"Di mo ba naisip na baka ang kapatid mo naman ang target nya?"-Alexa-

Tama si Alexa!

Napatingin ako kay Joaquin. Parang ako sya nung inlove ako kay Shar dati.

Hindi ako papayag na lokohin din ni Shar ang kapatid ko!

Hindi dapat maranasan ni Joaquin ang pananakit ng babaeng yan!

SHARLENE'S POV

"Okay ka lang?"-Joaquin-

Nagsasayaw kami ngayon sa gitna. Nakapatong ang ulo ko sa balikat nya.

"Okay lang ba yung mga sinabi ko?"-ako-

"Oo naman. Sakto lang. Pero hindi yun ang ibig kong sabihin? Nakita mo ulit si Nash? Okay lang sayo?"-Joaquin-

"Oo naman Joaquin. Naka moved on na ako!"-ako-

"Nakamoved on? Bakit hindi ka makapag focus sa pagsasayaw?"-Joaquin-

"Nakafocus kaya ako."-ako-

"E bakit kanina mo pa inaapakan ang paa ko?"-Joaquin-

"Ay! Sorry! Sorry!"-ako-

Natawa naman sya.

"Okay lang. Wag ka na kasing magpanggap na okay kasi halata naman na hindi."-Joaquin-

Ngumiti ako.

"pero maiba ako, bakit ka naman nagpanggap na hindi mo kilala si Nash?"-Joaquin-

"Hindi ko nga alam pero wala na kasi akong chance para makapag isip."-ako-

"E dapat iniba mo man lang ang pangalan mo."-Joaquin-

Oo nga no? Bakit di ko naisip yun?!

Pero tapos na yun e. Haharapin ko na lang kung ano man ang dadating.

Actually, hindi ko talaga inaasahan na si Nash pala ang kapatid ni Joaquin. Small world!

Teka? Sila na pala ni Alexa? Bagay sila, parehong masama!

Naiinis ako sa sarili ko kasi nakakaramdam pa ako ng konting selos.

"Shar! Wag mo nang itago! Alam ko naman na mahal mo pa si Nash."-Joaquin-

"Hindi na! Pagkatapos ng ginawa nya sakin? Kinamumuhian ko sya Joaquin!"-ako-

Bumutong- hininga si Joaquin.

"Okay lang naman sakin Shar."-Joaquin-

"Joaquin. Aaminin ko, sobrang mahal ko si Nash, dati, pero napalitan lang yun ng galit."-ako-

"Basta tandaan mo lang Shar na nandito lang ako para sayo. Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo."-Joaquin-

Kiniss ko sya sa pisngi.

"Alam ko. Salamat talaga Joaquin."-ako-

"Mahal kita Shar. Alam mo naman yun. At umaasa ako na balang- araw, mamahalin mo din ako gaya ng pagmamahal mo kay Nash dati."-Joaquin-

"Mahal din naman kita Joaquin."-ako-

Tinuturuan ko ang puso ko na si Joaquin na ang mahalin. Kasi alam kong hindi nya ako lolokohin at mahal na mahal nya ako.

Aaminin ko na! Mahal ko pa rin si Nash. Pero gagawin ko ang lahat para makalimutan sya.

At hindi ako bumalik para magkabalikan kami, kundi para makaganti sa ginawa nya sakin.

--------------------

Uy, yung sa LUVU! Pagkatulak ni Joaquin kay Shar, sumugod agad si Nash! Hahaha

Kilig much <3
Vote and comment po ;)

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon