Chapter 11.

1.1K 44 1
                                    

SHARLENE'S POV

Summer na! Wuu!

Masaya ako kasi for the first time, magbabakasyon ako kasama si Nash at ang mga kaibigan nya! Yehey!

1 month daw kami sa isang Island Resort na sina Jairus ang may- ari.

Napansin kong wala pala akong pang swimming. Okay na siguro tong short at sando?

Maya- maya ay may tumawag sakin. Si mahal ko!

Nash: good morning mahal! Handa ka na ba?

Ako: ha? Maaga pa naman a? Diba 2 hours pa?

Nash: may dadaanan pa kasi tayo! Tara na! Nandito ako sa labas.

Nag- ayos na ako ng gamit at lumabas.

Nakita ko si Nash na nakasandal sa kotse nya. Ang gwapo nya talaga!

"Hi mahal!"-Nash-

Sumakay na kami sa kotse.

"San ba tayo pupunta?"-ako-

"Naisip ko kasi na ipag shopping ka ng mga damit."-Nash-

"Ha? E 8 am pa lang. Wala pa namang bukas na mall a?"-ako-

"Wala ka bang tiwala sakin?"-Nash-

Nanahimik na lang ako. Wala namang di kayang gawin si Nash kapag ginusto nya! Hahaha

Nakarating kami sa mall at kagaya ng sabi ko, nakasara pa yun.

Nang makita kami ng isang guard ay pinagbuksan nya kami.

"Pakibuksan ang ilaw sa department store."-Nash-

Sumunod naman agad yung guard.

Nililibot ko ang mata ko.

"May problema ba mahal?"-Nash-

"Wag mo akong pagtawanan ha?"-ako-

"Hindi promise!"-Nash-

"First time ko kasi nakapunta dito e."-ako-

"Well, there is always a first time."-Nash-

Hinawakan nya na ang kamay ko.

"Mamili ka na ng lahat ng gusto mo."-Nash-

Nakakahiya. Namili ako ng mga mura at di ko na inisip kung bagay sakin.

"Babes, bakit yan ang pinipili mo?"-Nash-

"E mura e. Sayang naman yung kikitain nyo!"-ako-

Napabuntong hininga si Nash.

Nang matapos kami mag shopping ay dumeretso na kami kina Nash. Sa isang mini bus kasi kami sasakay.

Namangha ako pagpasok namin dun kasi may sofa at tv, may cr, may ref. Grabe! Mayaman talaga sila!

Umupo na ako sa isang upuan. Nagpaalam si Nash na mag si cr sya.

Kanya- kanya sila ng ginagawa. Si Kobi, nagpe play station. Si Mika at Alexa naman, nagccp.

"Hi Shar!"-Jairus-

Tumabi sya sakin. Kahit madalas na kaming nagkakasama ng mga kaibigan ni Nash ay nahihiya pa rin ako. Nakayuko lang ako.

"Hello!"-ako-

"Bakit ba sa tuwing nakikipag usap ka nakayuko ka?"-Jairus-

"Hindi a. Wala."-ako-

Natawa si Jai. Pinatong nya ang kamay nya sa likod ng inuupuan ko.

"Alam mo ba Sharlene?"-Jairus-

"Shar na lang itawag mo sakin Jairus!"-ako-

"A okay Shar. Jai na lang itawag mo sakin."-Jai-

Napangiti ako.

"Ikaw ang unang- unang minahal ni Nash. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kaya sana, wag mo syang saktan!"-Jai-

"Mahal ko si Nash at syempre, ayaw ko naman na masaktan sya."-ako-

"I thought so."-Jai-

"Hoy ano yan? Wag mo sabihin may balak kang agawin sakin si Shar?"-Nash-

Nagulat ako. Natawa naman si Jai.

"Ayaw ko ng gulo brad! Hahaha kinakausap ko lang sya."-Jai-

"Mabuti na yung nagkakalinawagan."-Nash-

Inakbayan nya ako.

Napangiti ako.

Habang nasa byahe ay nakahiga si Nash sa lap ko at ako naman ay nagbabasa lang. Pamminsan- minsan ay nanonood ako ng magandang view.

Bumaba kami at nakita ko na ang bluish na dagat.

"Sasakay tayo ng bangka para makarating sa island namin. Tara na?"-Jai-

Masaya naman. Papasakay na ako ng mahilo ako.

Parang may kakaiba akong nararamdaman.

"May problema ba Shar?"-Nash-

"A siguro kasi first time ko lang. Tara na?"-ako-

Hinawakan ni Nash ang kamay ko at somehow, nawala ang nararamdaman kong hilo.

----------------------

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon