Chapter 7.

1.1K 43 0
                                    

NASH'S POV

"Isuot mo yan Shar."-ako-

Inabot ko sa kanya yung isang pajama ni ate na pinagliitan.

"Dito ka na muna matulog Shar! Gabi na e."-ako-

"Ha? Okay lang ba?"-Shar-

"Oo naman! Hindi naman umuuwi sina mama at papa. Dun ka na lang sa isang guest room namin."-ako-

Hinatid ko na sya sa isang guest room.

Napansin kong nagulat si Shar.

"Dito ka muna matulig Shar. Okay lang ba sayo?"-ako-

"Nagbibiro ka ba? Mas malaki pa to sa buong boarding house na tinitirhan ko."-Shar-

Masaya ako na nakakangiti na sya.

"O sige, kung may kailangan ka, pindutin mo na lang yang buzzer at may pupunta nang maid dito okay?"-ako-

"Okay Nash. Salamat ng sobra!"-Shar-

"Oo na. Kanina ka pa nagpapasalamat e. Good night Shar!"-ako-

"Good night Nash!"-Shar-

Napangiti ako. Matagal na mula nung may huling nag good night sakin.

SHARLENE'S POV

Napatingin ako sa wall clock sa kwarto. 12:30 am na pala. Hindi pa rin ako makatulog. Tulog na kaya si Nash?

Grabe! Ang lambot ng kama. Ang lamig kasi may aircon. Ang bango- bango pa! Pangmayaman talaga! Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganito!

Nakaramdam ako ng uhaw.

Sabi ni Nash, pindutin ko ang buzzer. Gagawin ko pa ba yun para sa isang basong tubig?

Lumabas na ako ng kwarto.

Dumeretso ako sa kusina.

Habang nakuha ako ng tubig ay may nakita ako.

"Sino ka?"

Pagkalingon ko ay feeling ko nakakita ako ng isang dyosa. Sobrang perfect ng mukha nya! Natulala ako.

"Sino ka?"

Ulit nya. Tsaka lang ako natauhan.

"A.ako.po.si.Sharlene."-ako-

"A girlfriend ka ni Nash?"

Nagulat ako sa tanong nya.

Sasagot na sana ako ng.

"Shar! Bakit ka bumaba? Sabi ko pindutin mo lang yung buzzer."-Nash-

Speechless ako.

"Uy nandyan ka na pala Kath!"-Nash-

Kath? Ayun siguro yung pangalan ng babaeng maganda.

"Kath? Hindi mo ba talaga ako gagalangin Aeign?"-kath-

Nakababa na si Nash. Magkatabi na sila nung Kath.

"Shar, bakit di ka pa natutulog?"-Nash-

"A ano kasi. Nauhaw lang ako."-ako-

"Hey! Dont act like im not here!"-Kath-

"Oo nga pala Shar, kapatid ko si Kathryn!"-Nash-

"What did you just call me?"-Kath-

"Pangalan mo! Kathryn!"-Nash-

Nagulat ako ng suntukin ni Kath si Nash. Nilagay nya ang paa nya sa leeg ni Nash.

"Learn to respect Aeign!"-Kath-

"Oo na! Suko na ako! Suko na ako Ate Kath!"-Nash-

Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako.

Nginitian ako ni ate Kath.

"Hello Shar! Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Gf ka ba ni Nash?"-ate-

"A hindi..."-ako-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Wag mo na syang sagutin Shar. Pwede ka nang matulog."-Nash-

Aakyat na sana ako.

"Shar! Diba wala naman kayong pasok bukas? Gusto mong magmidnight snack?"-ate kath-

Napangiti ako.

"Hindi pwede! Inaantok na ako!"-Nash-

Tumawa si ate Kath.

"Sino ba may sabi na kasama ka? Kaming dalawa lang! Let's go Shar!"-ate kath-

Hinawakan nya na ang kamay ko hinila na ako papunta sa kwarto nya.

Pagpasok namin dun ay napanganga ako! Sobrang ganda mg kwarto nya. May sariling banyo, ref, tv, sofa. Maganda talaga.

"Please sit down. Kukuha lang ako ng kakainin natin"-ate kath-

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Ang ganda talaga!

Nakakita ako ng picture ni Nash nung bata pa. Napangiti ako.

Nilapag na ni ate kath yung mga pagkain sa lamesa.

"Feel at home Shar."-ate kath-

"Salamat po miss kath."-ako-

"Miss? Sobrang formal mo naman! Ate na lang itawag mo sakin."-ate kath-

"Okay po ate."-ako-

"Pero matanong ko nga ulit. Magkaano- ano kayo ni Nash?"-ate-

Napaisip ako. Hindi ko din alam. Magkaano- ano ba kami ni Nash. Parang di naman kami magkaibigan. Hindi kami magkaklase. Hindi ko alam.

Bakit nga ba ako tinutulungan ni Nash?

----------------------

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon