Chapter 3.

1.4K 58 0
                                    

SHARLENE'S POV

Im Sharlene San Pedro! 2nd year highschool sa Aguas University.

Tipikal na high school student. Wala akong pamilya. Lumaki ako sa bahay ampunan. Pero tumakas ako kasi gusto kong mag- aral.

Binubuhay ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtatrabaho.

Nakapagaral ako sa Exclusive School na yun dahil may scholarship ako. Ayaw ko naman sana talaga pero alam kong madami akong matututunan na school na yun.

Napabuntong- hininga ako habang nakahiga.

Isa akong bed spacer malapit lang sa school. Napatingin ako sa panyo at isang bottled water sa tabi ko.

Bakit kaya binigyan ako ni Nash nito? Posible kayang naaawa sya sakin? Pero ang alam ko, isa sya sa mga bully na yun!

Ang isa pang hindi ko maisip ay kung bakit nila ako binubully. Wala naman akong ginagawa sa kanilang masama.

Napabuntong hininga na lang ako. Nakatulog na ako.

Pagkagising ko ay naligo agad ako.

"O Sharlene! Kailan mo balak bayaran ang balance mo?"-landlady-

"A sa sunod na sweldo ko po! Promise ko po yan!"-ako-

"Ayan din ang sinabi mo sakin dati. Makinig ka! Naaawa lang ako sayo kaya pinagbibigyan kita, sa sunod talaga mapipilitan akong paalisin ka."-landlady-

"Promise po! Salamat po!"-ako-

Pumasok na ako sa school. Naglalakad ako kasi malapit lang naman.

Dumeretso na ako sa room. Iniiwasan kong nakihalubilo sa ibang tao dito sa school kasi mayayaman sila. Iba ang tingin nila sakin.

Normal na araw na naman. Nagturo ang mga teacher namin at nakikinig naman ako.

Recess na! Hindi pa ako nakakapag umagahan kaya gutom na ako.

20 pesos lang pala ang pera ko. Sa mahal ng bilihin sa canteen, baka tubig lang mabili ko. Tama! Tubig na nga lang, nakakabusog naman yun.

Pumunta na ako sa canteen at bumili ng tubig. Bumili na din ako ng 2 candy.

Eto na ang umagahan ko. Madaming tao sa canteen kaya pumunta na ako sa garden. Dun na lang ako kakain.

Pagdating ko dun sakto dahil wala masyadong tao.

Uminom na ako ng tubig.

"Yan na ang recess mo?"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa nagsalita sa likod ko. Si Nash!

"Nash!"-ako-

"Ano? Yan lang pagkain mo?"-Nash-

"A hindi! Busog pa kasi ako."-ako-

Biglang tumunog ang tiyan ko. Nakakahiya! Hindi pa nakisama!

Nagulat ako ng ngumiti si Nash!

Bakit ganun? Ang gwapo nya?

"Gutom ka. Bakit yan lang ang binili mo?"-Nash-

Napabuntong- hininga ako. Hindi ko na dapat itago.

"Wala akong pera e."-ako-

Halata ko na nagulat si Nash.

"Aaa."-Nash-

Pagkatapos nun ay umalis na sya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Maya- maya ay may naglagay ng isang hamburger at isang chuckie sa mesa.

Si Nash ulit!

"O! Kainin mo yan! Libre ko na."-Nash-

"A wag na! Busog naman ako. Salamat na lang!"-ako-

"Wag ka na ngang magsinungaling! Kainin mo na lang yan."-Nash-

Gutom na talaga ako. Para sa mahirap na kagaya ko, hindi na dapat pairalin ang pagiging mahiyain.

"Salamat!"-ako-

Nagsimula na akong kumain.

Grabe! Matagal na mula nung huli akong makatikim ng chuckie! Masyado kasing mahal yun.

Hindi ko napansin na napaluha ako.

"O! Bakit ka naiyak? Napaso kaba?"-Nash-

Nandito pa pala sya!

"Wala. Matagal na kasi mula nung huli akong nakatikim nito. Ang saya ko lang talaga. Salamat!"-ako-

Napansin kong nag- iba ang expression nya. Alam kong naaawa sya sakin.

Inabutan nya ako ng panyo.

"O! Punasan mo luha mo!"-Nash-

"Wag na! Pangalawa na yan. Pasensya kana kung di ko pa nababalik yung isa."-ako-

"Hindi. Sayo na yan! Palagay ko kailangan mo yan kasi lagi ka na lang naiyak."-Nash-

Ngumiti ako.

"Salamat!"-ako-

"Oo nga pala. Sharlene ba talaga pangalan mo? Wala ka bang nickname?"-Nash-

"Wala e."-ako-

"Okay. Sige! Babalik na ako sa room. Bye."-Nash-

"O sige! Bye Nash! Salamat talaga!"-ako-

-------------------
Thanks readers! :) vote nyo po! :)
Comment din po!

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon