Chapter 2.

1.6K 57 3
                                    

NASH'S POV

"Good morning sir, what is your order?"

Napatingin ako sa crew! Yung babae na binully nina Alexa, yung Sharlene!

Halatang nagulat sya ng makita ako.

Nasa mcdo ako, kasama ang barkada. Kakain lang kami. Naku! Pag nakita sya nina Alexa, gulo na naman!

Sinabi ko na lang ang order ko.

Kinuha ko na ang number at bumalik sa upuan.

"Tama ba yung nakita ko? Si Sharlene yun diba?"-Jai-

"Ha? Hindi! Hindi sya yun!"-ako-

Sumilip naman si Alexa at Mika!

"Oh! What a coincidence. Nagtatrabaho pala dito yung poor girl na yun?"-Alexa-

"O! Padating na ang order natin! At tingnan nyo kung sino ang magdadala!"-Kobi-

Ang malas naman nitong si Sharlene! Sya pa ang magdadala! Naku! May mangyayari na naman!

Nakita ko ang pilyang ngiti ni Alexa.

Nang makalapit samin si Sharlene ay pinatid sya ni Alexa!

Madaming hawak si Sharlene kaya na out of balance sya. Bumagsak ang mga pagkain. At napaupo naman si Sharlene sa sahig sa may gilid ko.

"Oh! Im so sorry!"-Alexa-

Napatulala si Sharlene sa mga pagkain na nahulog sa sahig. Agad nyang nilinis yun ng biglang may sumigaw sa likod! Yung manager nya!

Sa harap pa talaga namin pinagalitan si Sharlene. Napalingon ako sa mga kaibigan ko, nagtatawanan sila.

Naiyak na naman si Sharlene! Ano ba naman? Lagi na lang syang naiyak.

"Sir, im so sorry! Papalitan na lang po namin ang order nyo! At ikaw San Pedro, kaltas yan sa sweldo mo!"-manager-

Madami yung inorder ko kaya malamang malaki ang kaltas!

Ito na naman ako! Hindi ko makontrol ang pagiging maawain ko!

"No need! Aalis na kami! So, wag mo nang kaltasan ang sweldo nya! Tara na guys!"-ako-

"Pero Nash...."-Alexa-

Tumayo na ako, alam ko naman na susunod sila.

Habang naglalakad ay napaisip ako. Dalawang beses ko na din pala nililigtas yung si Sharlene? Bakit ba kasi maawain ako?

"Nash, umamin ka nga! May gusto ka kay Sharlene no?"-Kobi-

Nagulat ako.

"Iw!"-Alexa at Mika-

"Ayie! Hindi mo naman sinabi samin na mahihirap pala ang tipo mo sa babae!"-Jai-

Napailing ako!

"Alam nyo naman na di sya ang type kong babae diba? Tsaka, hindi ko nga kilala yun! Tigilan nyo nga ako!"-ako-

Humarang sila sa harap ko.

May binabalak na naman ang mga to!

"Kung ganun, patunayan mo!"-Mika-

"Ha? Pano?"-ako-

Nagbulungan pa sila. Para talagang baliw ang mga tao.

"Ganto ang plano! Liligawan mo si Sharlene, tapos pag napasagot mo na sya, tsaka mo sasabihin sa kanya na pinaglaruan mo lang sya."-Alexa-

Nagulat ako sa plano nya! Sobrang sama!

"Pano kung ayoko?"-ako-

"Tss! E di may gusto ka nga kay Shar!"-Kobi-

"Wala nga!"-ako-

"Ayiie! May gusto dun sa mahirap!"-Jai-

Patuloy nila akong inasar at narindi na ako!

"Oo na! Gagawin ko na! Masaya na kayo?!"-ako-

Nag apir pa sila. Mga baliw talaga!

Nagpaiwan ako sa mall. May plano na agad ako.

Hinintay ko si Shar na lumabas sa Mcdo.

Sa wakas! Mga 3 pm ay lumabas na sya.

Nakayuko lang sya at umiiyak. Hindi ko tuloy sya nalapitan agad.

Sinundan ko lang sya at nakita kong umupo sya sa isang bench.

Huminga ako ng malalim bago sya lapitan. Inabutan ko sya ng panyo!

Tumingala sya sakin. Nakita ko tuloy na namumugto na ang mata nya. Parang kumirot ang puso ko nang makita ko yun.

"O, punasan mo ang luha mo!"-ako-

Hindi nya yun kinuha. Kamay nya pa rin ang pinagpunas nya sa luha nya.

"Bakit ka ba nandito?"-Sharlene-

Umupo ako sa tabi nya.

"Sorry sa ginawa ng mga kaibigan ko ha?"-ako-

Hindi sya sumagot.

Mukhang di ko sya makakausap.

Iniwan ko na lang ang panyo ko sa may tabi nya at isang bottled water.

"Uminom ka ng tubig o, baka maubos ang H2O mo! Sige, bye!"-ako-

Paalis na ako ng marinig ko sya.

"Salamat."-Sharlene-

I dont know why but somehow, those words made me happy.

------------------

Parang masyadong kawawa si Shar sa story na to ano po? hahaha
Thanks readers!
Votw and comment po! :D

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon