Chapter 29.

987 41 1
                                    

SHARLENE'S POV

"Bakit hindi mo sinabi sakin na dito pala tayo magbabakasyon?!"

Dahil sa pag apak ko sa lugar na to ay bumalik lahat ng naramdaman kong sakit 3 years ago! Lahat ng naramdaman kong pilit kong kinalimutan!

"Im so sorry Shar. Maniwala ka. Hindi ko din naman alam e. Kung alam ko lang na dito pala, hindi na sana ako pumayag o hindi na sana kita isinama."-Joaquin-

Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi naman kasalanan ni Joaquin to pero di ko alam kung sino ba ang dapat sisihin.

Nandito kami ngayon sa island resort nina Jai. Dito kami nagbakasyon ni Nash 3 years ago. Dito ko nalaman na niloko nya lang ako.

Kasama namin ang papa nina Nash at si Nash mismo at madami nilang mga kamag- anak. Mga pinsan, mga tita nya. Nagtaka lang ako kasi hindi kasama ang mga kaibigan nya.

"Im so sorry Shar. Gusto mo na bang umuwi?"-Joaquin-

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi. Sorry Joaquin. Hindi dapat kita sinisi. Hindi mo naman kasalanan to."-ako-

Niyakap nya ako.

"Hindi ka na ba galit sakin?"-Joaquin-

"Hindi na."-ako-

Pumunta na kami sa resthouse. Dito mismo ang lugar na yun! Pano ko to makakalimutan?

"O sige Shar. Magbihis ka na. Magbibihis na din ako."-Joaquin-

Nagpunta na ako sa kwarto para sakin.

Ito mismo ang ginamit kong kwarto.

Ang sakit talaga.

Dahil sa nararamdaman ko ay nagpasya ako na maglakad- lakad muna.

Nagpunta ako sa beach.

Pumikit ako at naisip ko lahat ng masasayang alaala namin ni Nash dito.

Nagulat ako ng may biglang magtakip ng mata ko.

Kilala ko to!

"Joaquin?"-ako-

Pagkalingon ko ay nagulat ako.

"Nash!"-ako-

"Sorry. Si Joaquin ba inaasahan mo?"-Nash-

"A hindi."-ako-

Umupo na ako sa may beach. Tumabi naman sakin si Nash.

"Alam mo ba? Ang dami kong masasayang alaala sa lugar na to."-Nash-

Nilingon ko sya. May kislap sa mga mata nya.

"Dahil yun sa isang babaeng minahal ko ng sobra."-Nash-

"Si Alexa?"-ako-

"Hindi. Ikaw yun."-Nash-

Napakunot ang noo ko.

Alam na ba ni Nash na wala talaga akong amnesia?

"Joke lang!"-Nash-

Kahit sinabi nyang joke yun, i can't help but feel na ako talaga ang tinutukoy nya.

"Nung unang beses na nagpunta ako dito kasama ang babaeng mahal ko. Ayun ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Kung hindi nga lang siguro ako umalis, baka...... baka hanggang ngayon......"-Nash-

Ano Nash? Baka hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako?

Nilingon ko sya. Nagulat ako kasi naiyak sya!

"Nash bakit?"-ako-

"Kasi. Naalala ko lang yung babaeng mahal na mahal ko. Alam mo ba? Ang sakit! Nalaman ko kasi ang totoo."-Nash-

Kahit alam ko ang sinasabi ni Nash ay kailangan kong magpanggap na wala akong idea.

"Anong totoo Nash?"-ako-

Humarap sya sakin.

"Na hindi pala ako niloko ng babaeng mahal ko. Na hindi nya pala ako pinagpalit! Na nasaktan ko sya ng sobra. At alam mo kung ano ang pinaka masakit?"-Nash-

Ang bigat sa pakiramdam na marinig ang mga sinasabi ni Nash kasi alam kong nasasaktan sya.

"Ano yun?"-ako-

"Na pinilit ko ang sarili ko na kalimutan sya kahit hindi ko kaya. Pinilit kong kamuhian sya sa isang bagay na hindi nya naman pala ginawa!"-Nash-

Napaluha na ako.

"Kaya Shar. Im sorry."-Nash-

Sorry! Masaya akong marinig mula sa kanya yun kasi ramdam na ramdam ko ang sincerity sa boses nya.

Pero pano ko sasabihin na wala talaga akong amnesia. Na pinapatawad ko na talaga sya?

Ang hirap! Sobra!

"Nash, sigurado ako na kung nasan man yung babae na yun. Pinapatawad ka na nya. Sigurado akong nakikita nya na ngayon na nagsisisi ka."-ako-

Ngumiti si Nash.

Kasi Nash, pinapatawad na kita.

------------------

Halloooo. Vote and comment po, thankies! :)

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon