Chapter 36.

810 41 1
                                    

SHARLENE'S POV

"Ninong? Ninang?"-Nash-

"Nash?"-papa-

"Magkakakilala po kayo?"-ako-

"A oo. Magkakumpare sila ni papa."-Nash-

"Magkaano- ano kayo ni Shar ha Nash?"-mama-

"A boyfriend ko po sya."-ako-

Nagulat sina mama at papa.

Tapos ay ngumiti sila.

"Small world. Very well. Kumain na tayo. Umorder kayo ng lahat ng gusto nyo!"-papa-

Habang nakain kami ay madaming tanong sakin sina mama at masaya naman ako na sagutin yun.

"Nung 7 years old po ako ay tumakas ako sa ampunan kasi po gusto kong mag- aral."-ako-

"Pero sanka tumira? Pano ang pagkain mo?"-mama-

"Nagtrabaho po ako at nagipon po ako ng mga plastic at bote para maibenta kaya nakakain po ako ng mga dalawang beses sa isang araw. Siguro po ay 5 buwan din akong nanirahan sa kalasada. Natutulog po ako sa ilalim ng tulay."-ako-

Nalukungkot man ako na isipin lahat ng hirap na dinanas ko dati, pero masaya ako na tapos na lahat yun! Nagtagumpay ako.

"Hanggang sa may naawa sakin na tindera sa palengke at pinatira nya po ako sa bahay nya kapalit ng pagiging katulong ko. Kaya lang po nung 10 years old na ako ay namatay sya kaya umalis na ulit ako. Dun na po ako naghanap ng boarding house na matitirhan, at kung ano- ano na pong trabaho ang napasukan ko nun. Hanggang nakilala ko po si Nash."-ako-

Nakayuko ako habang nagkukwento.

Nagulat ako ng yakapin ako ni mama. Pagkatingin ko sa kanya ay iyak sya iyak.

"Anak sorry. Sorry kasi pinagdaanan mo lahat! Madami kang pinagdaanan na hirap dahil samin."-mama-

Naiyak din si papa pati si Nash!

"Mama! Okay lang po. Okay naman po sakin na naranasan ko ang mga bagay na yun kasi madami naman akong natutunan."-ako-

Umupo na ulit si mama at maya maya ay tumigil na sya sa pag- iyak.

"San ka nga pala nakatira ngayon anak?"-papa-

"Sa isa pong condo nina Nash."-ako-

"Talaga? Salamat Nash at naging mabait ka sa anak namin."-papa-

"Mahal na mahal ko po talaga kasi si Shar."-ako-

Napangiti sina mama at papa.

"Mabuti naman. Pero anak, gusto ko sana na sumama ka na samin ngayon sa bahay natin. Okay lang ba sayo anak?"-mama-

Masayang- masaya ako! Natupad na ang pangarap ko!

"Opo! Okay na okay po!"-ako-

Pagkatapos nga naming kumain ay nagpaalam na ako kay Nash. Sumama na ako kila mama at papa sa bahay namin.

Sinabi nila na bukas na lang namin kuhanin ang mga gamit ko.

Nalula ako sa bahay namin.

Grabe! Ang ganda! Ang laki! Kumpleto ang mga gamit!

"Ang laki po pala ng bahay nyo mama, papa"-ako-

"Bahay natin anak. Bahay natin to."-mama-

Napangiti ako at niyakap si mama.

"Alam kong pagod ka na kaya sasamahan na kita sa kwarto mo."-mama-

Umakyat na kami sa taas.

Pagbukas ko ng pinto ay napangiti ako.

Grabe! Ang laki ng kwarto ko! Ang ganda ng kama, parang pang prinsesa!

"Sakin po ba to? Masyado po atang malaki para sakin."-ako-

"Hindi anak. Sakto lang ang lahat ng to para sa nag- iisa naming prinsesa."-mama-

Napangiti ako at niyakap si mama.

"May mga damit ka na dyan kaya magbihis ka na muna. Babalik ako mamaya."-mama-

Umalis na sya.

Inikot ko ang buong kwarto.

Sa may gilid ng kama ko ay may nakita akong madaming regalo. Mga 14 yun. Kanino kaya yun?

Nagpalit ako ng pantulog.

Amg lambot ng tela.

Naupo ako sa kama at sobrang lambot nun.

Parang pang prinsesa lahat ng to.

Nanaginip ba ako? Parang panaginip lang ang lahat ng to.

Isanh magandang magandang panaginip.

Nagdasal ako at nagpasalamat dahil sa wakas, nakita ko na ang mga magulang ko.

Kasama ko na ang pamilya ko at mahal pa ako ng boyfriend ko, ano pa bang mahihiling ko?

--------------------

Thanks readers. Btw, recommend ko lang bago kong NashLene story, 'Come Back To Me(NashLene)' salamat!

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon