Chapter 31.

903 39 0
                                    

SHARLENE'S POV

Nasan na nga ba si Joaquin? Mula nung dumating kami sa isla, hindi ko na sya ulit nakausap.

Ngayon ko na kakausapin si Nash at aaminin ko sa kanya na alam ko ang totoo.

Tatanungin ko pa sana si Joaquin pero di ko naman sya makita.

Lumabas na ako ng kwarto at sakto naman na nakasalubong ko si Nash pagkababa ko.

May dala syang carpet na uupuan namin.

Pumunta kami sa beach.

Naupo kami dun.

Napatingin ako sa langit at nakita ang mga nagniningning na stars.

Tandang- tanda ko pa nung huli naming ginawa ito ni Nash.

"Alam mo bang ganitong- ganito tayo 3 years ago."-Nash-

Nagulat ako di dahil sa hindi ko alam kundi dahil di ko akalain na sasabihin ni Nash yun.

"Shar yung gusto kong aminin sayo."-Nash-

"Hindi Nash. Ako muna."-ako-

"Hindi Shar. Hindi ko alam kung anong magiging rekasyon mo sa mga sasabihin po pero ang alam ko lang ay dapat aminin ko na sayo lahat ng ito."-Nash-

Bumuntong- hininga ako.

"Kilala na kita 3 years ago bago ka pa magka amnesia. Actually, mag ex tayo Shar. Sorry di ko agad naamin sayo. Akala ko kasi ikaw ang nangloko sakin. Sorry Shar. Ako ang lalaki sa panaginip mo. Ang lalaking nagwasak ng puso ko. Sorry Shar. Sorry."-Nash-

Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa mga sinasabi ni Nash.

"Pero maniwala ka Shar. Minahal talaga kita at mahal pa rin kita hanggang ngayon at hindi ko nga alam kung mawawala pa ang pagmamahal ko sayo. Walang kinalaman sa pustahan kaya naging tayo. Siguro nung una, naaawa lang ako sayo pero nang makilala ko ang totoong ikaw, ang totoong ikaw ang minahal ko!"-Nash-

Those words really made me happy.

"Kaya Shar. Sana naman mapatawad mo ako."-Nash-

"Nash, pinapatawad na kita."-ako-

"Shar, bakit pinapatawad mo agad ako? Sa kabila ng inamin ko sayo? Kahit ako, hindi ko kayang patawarin ang sarili ko!"-Nash-

"Nash, hindi lang naman ikaw ang may kasalanan."-ako-

"Anong ibig mong sabihin Shar."-Nash-

"Nash, sana mapatawad mo ako. Niloko kita."-ako-

Nagulat si Nash at napaharap sakin.

"Hindi totoo na may amnesia ako. Hindi totoo na nakalimutan kita. Tandang- tanda ko ang lahat! Lahat ng saya at sakit nung kasama kita 3 years ago."-ako-

Nagulat si Nash.

"Pero..."-Nash-

"Tatapusin ko muna. Nung sinabi sakin ni Alexa na pinaglaruan mo lang ako, na hindi mo ako mamahalin kahit kailan. Sobrang nasaktan ako at pinagtangkaan kong wakasan na ang buhay ko. Nagpakamatay ako Nash pero dahil kay Joaquin, buhay pa ako kasi sya ang nagligtas sakin."-ako-

Napaluha ako habang kinukwento yun kasi hanggang ngayon, damang- dama ko ang sakit ng naramdaman ko nung mga panahon na yun.

"Dinala ako ni Joaquin sa ibang bansa para pagbalik namin dito ay makapaghiganti ako sayo pero mali ako."-ako-

Sinubukan kong pigilan ang mga luha ko pero di ko kaya.

"Kasi nung nakita kita ulit, nung gabing yun, bumalik lahat ng pagmamahal ko sayo na pinilit kong alisin."-ako-

Humagulgol na ako ng iyak.

Napatigil lang ako ng hawakan ni Nash ang magkabilang- balikat ko.

"Nash, sorry. Sorry."-ako-

Niyakap nya ako.

Sobrang saya ko sa yakap na yun. Sobrang saya!

"Wag kang mag sorry Shar kasi ako ang may kasalanan ng lahat. Sorry kasi madami kang pinagdaanan dahil sakin. Mapapatawad mo pa ba ako ha?"-Nash-

"Oo. Napapatawad na talaga kita Nash."-ako-

Niyakap ko din sya at nakaramdam ako ng sobrang saya at pagkapanatag.

JOAQUIN'S POV

Parang nawasak ang puso ko ng makita kong magkayakap sina Shar at Nash.

Sobrang sakit!

Basta mo na lang ba ako bibitawan Shar?

Kailangan ko na naman bang magparaya para sa kapakanan ng ibang tao?!

Hindi! Hindi na!

--------------------

Vote and comment thanks! :)

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon