Chapter 35.

851 35 0
                                    

NASH'S POV

Kinuwento na sakin ni Shar lahat.

Hindi naman pala totoo na naging sila ni Joaquin at sobrang saya ko dahil dun.

Napag desisyunan ko na hanapan si Shar ng ibang matitirahan.

Umalis si Joaquin sa bahay namin nang hindi nagsasabi. Nag- aalala din ako para sa kapatid ko pero wala naman akong magagawa.

"Nash, may balita ka na ba kay Joaquin?"-papa-

Nakain kami ngayon.

"Wala po e."-ako-

"San na kaya sya napunta? Nag- aalala na ako."-papa-

"Wag po kayong mag- alala. Hahanapin ko po sya."-ako-

Naghanda na ako para pumasok sa school.

Masaya ako kasi naging kami na ulit ni Shar. Masayang- masaya ako nang sagutin nya ako ulit sa pangalawang pagkakataon.

Pagdating ko ay nakita ko si Shar. Nakayuko lang sya.

"Shar, may problema ba?"-ako-

"Nash, samahan mo ako."-Shar-

"Saan Shar?"-ako-

Tumingin sya sakin. Nakakita ako ng pag- asa sa mga mata nya.

"May posibilidad na buhay pa ang mga magulang ko."-Shar-

Masaya ako sa sinabi ni Shar pero mas masaya ako na masaya sya.

"Pano mo nalaman?"-ako-

"Nagkita kami ng dati kong kasama sa ampunan at sinabi nila na may mag- asawa daw na naghanap sakin. Nash! Baka nga buhay pa ang mga magulang ko!"-Shar-

Niyakap ako ni Shar.

"Tara na. Kailangan natin silang makita."-ako-

Nagpunta agad kami sa dating bahay ampunan.

Habang naglalakad kami papasok ay masayang nagkukwento si Shar.

"Nakikita mo yung duyan na yun! Dun ang tambayan ko dati! Ayun! Dun ako naliligo!"-Shar-

Masaya ako na hindi naman pala malungkot ang kabataan ni Shar.

Nang makarating kami sa isang kwarto ay may nakita kaming isang matandang babae.

"Sharlene! Ikaw na ba yan?"

"Opo! Aling Teya! Namiss ko po kayo!"-Shar-

Nagyakap pa sila.

Nagkamustahan sila.

"Oo nga pala. May mga nagpupunta dito na nagpapakilala na mga magulang mo Sharlene."-aling teya-

"Sino po sila?"-Shar-

"Sina Myleen at Hector San Pedro."-aling teya-

Hector San Pedro? Parang pamilyar sakin. Di ko lang maalala.

"May iniwan silang number nila na pwede mong contactin."-aling-

Ayun nga. Umalis na kami ni Shar.

Habang nasa kotse kami ay tinawagan agad ni Shar ang number na binigay ni Aling Teya.

SHARLENE'S POV

Napalingon ako kay Nash ng hawakan nya ang kamay ko.

"Shar, ang lamig ng kamay mo. Kinakabahan ka ba?"-Nash-

"Sobra."-ako-

"Pero bakit naman? Matagal mo nang pangarap na makilala ang mga magulang mo."-Nash-

"E kasi... baka..."-ako-

Sila ba talaga ang mga magulang ko? Mabait ba sila?

Nandito kami ngayon sa isang restaurant dahil nakipagkita agad samin ang may- ari nang number na yun.

"Baka ano Shar?"-Nash-

"Nash, matagal ko nang pinangarap na magkaroon ng mga magulang. Buong buhay ko, gusto ko silang makilala. Pano kung hindi nila ako mahal? Pano kung ayaw nila sakin?"-ako-

Hinawakan ni Nash ang pisngi ko.

"Imposible yun Shar. Walang taong aayaw sayo."-Nash-

Napangiti na lang ako.

"Anak?"

Napatayo ako at paglingon ko ay nakita ko ang isang babae na mga late 30's siguro.

"Sharlene, anak, ikaw na ba yan?"

Kusang pumatak ang mga luha ko.

"Mama?"-ako-

Tumakbo sya palapit sakin at niyakap ako.

Napatingin ako sa kasama nya.

"Anak."

"Papa?"-ako-

Niyakap nya din ako. Nagyakapan kaming tatlo habang nakatayo.

"Anak, ang laki mo na. Lumaki kang maganda. Masaya ako na nakita na kita muli."-mama-

"Sorry anak. Sorry kung nawala ka samin. Sana mapatawad mo kami sa 14 years na wala kami sa tabi mo."-papa-

"Okay po. Okay lang po."-ako-

Parang napunan ang pangungulila ko sa 14 years! Lahat ng kalungkutan ay napalitan ng sobrang saya!

Napantingin sina mama at papa kay Nash at parang nagulat.

"Mama, papa, sya po si Nash."-ako-

Nagulat din si Nash.

"Ninong, ninang?!"-Nash-

Ha? Magkakilala sila?

------------------

Ang lamig :)
Thanks readers! :]

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon