Chapter 5.

1.2K 49 0
                                    

NASH'S POV

Ilang araw na ang nakakalipas mula nung huling makita ko si Sharlene.

Hindi ko alam kung bakit ko ba sya hinahanap. Basta lang, nababother ako kasi di ko sya nakita.

Napagdesisyunan ko na dumaan sa may room nila.

"Uy Nash! Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ng isang babae.

"A nandyan ba si Sharlene?"-ako-

Halatang nagulat sya sa tanong ko.

"Wala e. Ilang araw na syang di pumapasok. Sya ba ang ipinunta mo dito?"-babae-

"A hindi. Sige salamat!"-ako-

Ano kayang nangyari sa kanya?

Hindi ko inaasahan ang ginagawa ko! Nagpunta ako sa office at tiningnan ko ang records ni Sharlene. Kinuha ko ang address nya. Sakto naman na sa malapit lang pala sya nakatira.

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam muna ako sa barkada at pumunta na kila Sharlene.

Bed spacer lang pala sya.

Pinapasok ako ng isang babae.

"Tatawagin ko lang sya."

Umupo lang ako sa sofa. Nagbubulungan ang mga babae na napapadaan dun. Naririnig ko naman.

"Ang gwapo nya!"

"Bakit nya kaya hinahanap si Sharlene?"

"Nash? Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako! Si Sharlene!

Teka! May kakaiba sa itsura nya! Sobrang putla nya. Nakajacket sya at nakapajama.

"Sharlene! Okay ka lang?"-ako-

"Oo naman. Pero bakit ka nandito?"-Sharlene-

"A hindi ka na daw ka kasi pumasok, ilang araw na. May problema ba?"-ako-

Alam kong pakeelamero na ako pero hindi ko mapigilan. Wala din akong pakealam sa iniisip ni Sharlene tungkol sakin.

"A masama lang kasi ang pakiramdam ko. Okay lang ako."-Sharlene-

Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

"O sige Nash! Salamat sa pagpunta! Magpapahinga na ako."-Sharlene-

Pagkatayo nya ay tumayo na ako, muntik na syang bumagsak sa sahig pero buti na lang, nasambot ko sya.

"Sharlene!"-ako-

Dun ko nakapa ang noo nya at sobrang init nya! Ang taas ng lagnat!

Binuhat ko sya at sinakay ko agad sa kotse. Dadalhin ko sya sa ospital!

Pagkadating namin sa ospital ay dinala ko sya sa ER.

May nakita akong kakilalang doktor nila mama kaya pinaasikaso ko sa kanila si Sharlene.

Buti naman ay naging maayos sya agad. Pagpasok ko sa kwarto ay gising na sya.

"Ikaw ba ang nagdala sakin dito Nash?"-Sharlene-

"oo. Okay kanaba? Nag- alala ako sayo!"-ako-

"oo! Maraming salamat Nash! Ang dami ko na talagang utang sayo! Pasensya na ha?"-Sharlene-

"Wag mo nang isipin yun!"-ako-

"Uuwi na ako. Maayos na ang pakiramdam ko."-Sharlene-

Hindi ko naman sya pwedeng pigilan.

Hinatid ko na din sya.

Habang nasa byahe kami ay tinitingnan ko sya. Nakangiti lang sya.

"Bakit ka nakangiti?"-ako-

"A wala! Masaya lang ako na kahit papano, may isang tao na nag- aalala din pala sakin. Salamat Nash!"-Sharlene-

Sumaya din ako dahil sa sinabi nya.

Pagkadating namin dun bumaba kami sa kotse.

"Papasok na ako bukas. Salamat talaga Nash!"-Sharlene-

"Oo na! Kanina kapa nagpapasalamat! Sige Shar!"-ako-

Shar? Tama! Shar na lang!

"Shar na ang nickname mo!"-ako-

Ngumiti sya.

"Sige! Bye Nash!"-Shar-

"Bye Shar!"-ako-

--------------------

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon