Chapter 23.

978 42 8
                                    

NASH'S POV

Boring life.

Walang katao- tao dito sa bahay.

Umalis si papa. Si ate naman bumalik na sa London. At si Joaquin hindi ko alam kung san pumunta.

DING DONG.

"Yaya! Pabukas ng pinto!"-ako-

Nasan ba nga maid namin? Nakakarindi na kasi!

Sino ba yung maka doorbell wagas!!

Tumakbo na ako pababa.

Handa na akong sigawan yung tao ng laking gulat ko ng makita ko kung sino yun!

"SHARLENE!"-ako-

"A hi Nash."-Shar-

Gulat na gulat ako.

Ngumiti sya.

"May problema ba Nash? Natulala ka dyan."-Shar-

Tsaka lang ako natauhan! Ano bang nangyayari sakin?

"Pasok ka."-ako-

Pumasok naman sya. Pinaupo ko na sya sa upuan.

"Oo nga pala. Wala si Joaquin."-ako-

"Ha? Nasan sya?"-Shar-

"Hindi ko alam e. Sya ba pinunta mo dito?"-ako-

"Oo. May sasabihin kasi sana ako."-Sharlene-

Naku! Baka umalis na sya kasi wala si Joaquin! E bakit ba ayaw kong umalis sya?

"Kung gusto mo, hintayin mo na lang si Joaquin dito."-ako-

Aaminin ko na! Ayaw kong umalis agad si Shar!

"Sige."-Shar-

Yes!

"Gusto mo bang kumain? Anong gusto mong kainin?"-ako-

"A kahit ano na lang Nash. Pwede ko bang mahiram ang cp mo?"-Shar-

"Oo naman! oo naman,"-ako-

Ewan ko ba kung bakit parang natataranta ako!

Inabot ko na sa kanya ang cp ko.

"O sige, kukuha na ako ng pagkain."-ako-

Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng isang hiwang cake para kay Shar at juice.

Pagbalik ko ay nandun pa rin sya. Buti na lang! hahaha

Inabot ko na sa kanya yung pagkain.

"Kain ka."-ako-

Habang kumakain si Shar ay tinitigan ko sya.

"May problema ba Nash?"-Shar-

"Wala. Bakit?"-ako-

"Kanina ka pa kasi natingin sakin. May dumi ba ako sa mukha?"-Shar-

"A wala. Ano lang kasi..."-ako-

"Ano yun? Pwede mo namang sabihin sakin."-Shar-

Bumuntong- hininga ako. Tutal naman di ako natatandaan ni Shar. Okay lang siguro to.

"Naaalala ko kasi yung babaeng mahal ko."-ako-

Halata kong napahinto si Shar sa pagkain.

Hindi na din sya tumingin sakin pagkasabi ko nun.

"Sakin? Bakit mo naman naalala sakin. Hindi ba si Alexa ang tinutukoy mo?"-Sharlene-

Kasi ikaw yun! ikaw yun Shar!

"Hindi. A basta. Wala yun. ayaw ko nang maalala yun kasi wala na sya sakin."-ako-

Ngayon ay tumingin na sakin si Shar. Blanko lang ang ekpresyon nya.

"Anong nangyari Nash? Nasan na sya?"-Shar-

Tinitigan ko din sya.

"Wala na sya kasi pinagpalit nya ako sa ibang lalaki."-ako-

"Pinagpalit?"-Shar-

"Oo. sumama sya sa ibang lalaki na mas mayaman sakin. Sa kabila ng pagmamahal na pinakita ko sa kanya."-ako-

Matagal ko nang gustong sabihin to kay Shar! Sa harap nya! At itanong kung bakit nya ginawa yun sakin! Pero wala naman syang maalala.

Napakunot ang noo ni Shar.

"Pano mo naman nasabi na pinagpalit ka nya?"-Shar-

"Saksi ang mga kaibigan ko."-ako-

Nag iba ang reaksyon ng mukha ni Shar. Parang nagalit sya.

"Sya ang kaisa- isang babae na minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Handa kong ibigay sa kanya lahat ng sakin pero niloko nya lang ako. Sinayang nya lang ang pagmamahal ko."-ako-

Nagulat ako ng bigla na lang lumuha si Shar.

Umiiyak sya!

"Sharlene. Anong problema?"-ako-

"Excuse me muna."-Sharlene-

Nagpunta sya sa cr.

Anong problema? Bakit sya umiyak? Naalala na kaya nya? Nakokonsensya ba sya?

SHARLENE'S POV

Kung ganun! Ako pa ang pinagmukhang masama ng mga kaibigan ni Nash?!

Ako pa ang pinagmukha nilang may kasalanan?!

Hindi ko na napigilan mapaiyak ng marinig ko kay Nash kung gano nya ako kamahal!

Dapat galit ako sa kanya pero di ko magawa! Nawawala na ng unti- unti ang galit na tinago ko for 3 years! At hindi to pwede dahil hindi pa ako nakakaganti!

---------------

Sorry di lagi maka update :)
vote and comment po! :D maraming salamat.

You played with my heart(NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon