"Why did you choose to enroll in our Academy?" basa ko sa newspaper na naka paskil sa may bulletinboard ng aming paaralan.Teka ba't nga ba ako dito nag enroll? Tsk! Sabi kasi nila mas exciting raw dito, lalo na sa mga school activities at events.
Mag-iisang linggo na ako dito at sa bawat araw na lumilipas ay nakikita ko na agad ang ganda ng napili kong paaralang papasukan. Next week pa ang simula nang klase pero last week lang ako lumipat sa dorm ko na naka locate lang din sa kabilang side ng School.
Nandito ako ngayon sa malawak na field at balak nang bumalik sa dorm ko habang hawak-hawak ang newspaper na naka paskil kanina.
Sa paglilibot ko sa nakaraang mga araw ay hindi ko parin lubusang naiikot ang buong campus. Sobrang lawak at laki ng mga gusali ay minsan na nga akong naligaw, buti at mayroong app ang school namin na nagtuturo sa location na nagsisilbing mapa ng lahat ng taga campus. Ganon kalaki at kalawak ang paaralan namin.
Actually. Hindi pa talaga ako nakakaapak sa totoong main campus kung saan naka locate ang nga rooms and all.
Nahahati kasi ito sa dalawa.
Villagers...
Dito naka locate ang mga dorm ng mga estudyante. Kung tutuosin para itong 5-Star Hotel sa laki at ganda.
Mayroong dalawang gusaling magkaiba para sa Boys and Girls.
Magkatabi lamang ang dalawang gusali ngunit mahigpit ito sa seguridad at wala pang lumalabag sa batas na bawal ang lalaki at babae sa iisang gusali.Tulad ng sabi ko, ang Villagers ay naka locate sa kabilang bahagi ng Academy. To make it clear, mayroon kasing malaking pader na naghahati sa Main Campus at sa Village Area.
Ang Villagers ay parang isang normal na bayan kung tutuosin. Dahil bukod sa mala 5 Star Hotel nitong gusali para sa dorm ng mga estudyante. Mayroon din itong sariling Mall kung saan hindi na kailangan pang lumabas ng mga estudyante sa Campus para bumili.
Dahil isa rin kasi sa rules dito sa Academy na makalalabas kalang dito kung talagang nakapagtapos ka na.
Ang AcadeMall ay para ring isang normal na Mall na makikita sa labas. Mayroon itong Restaurants, Cafe, Pharmacy, Clothing lines, basta lahat ng makikita mo sa normal na malls ay nandito. Hindi lamang yan dahil mayroon ding sariling Hospital ang aming paaralan. Oh, diba saan kapa?Tinatanaw ko ngayon ang malaking pader na naghahati sa Villagers at Main Campus.
Sa susunod na linggo ay makaka-apak narin ako sa Main Campus dahil School Opening na ng aming Academy. At bubuksan na ang malaking high tech gate na naghahati sa dalawang lugar. Kaya mas na e-excite ako sa kung ano mang gandang nakakubli sa malaking pader na ito.Bago ako pumasok sa Girls Dorm-Hotel o G-Dormtel kung tawagin ng ilan. Ay nilabas ko muna ang ID ko. Sensored kasi ang glass door dito sa gusali na bet na bet ko dahil sa high tech na security system. Syempre babae ako kaya thumbs up sa akin 'to. Literal na thumbs up rin kasi kailangan rin ng finger print eh, hehe.
Naka pasok na ako sa gusali at nandito na ako sa may lobby. Kunti lang ang mga nakikita kong mga estudyanteng nandito at palakad-lakad dahil siguro sa pagod dahil ang iba ang kalilipat lamang o kaya ay mas enjoy ng ibang mag stay sa dorm nila dahil sa full aircon ito with Netflix and all.
Bumukas na ang elevator at balak ko na sanang pindutin ang ika-11 floor kung saanang floor ng dorm ko, nang biglang may kamay na pimigil sa pagsara ng pinto ng elevator.
"Nakakaloka naman ang mga happenings here." saad ng babaeng maraming bitbit na mga gamit.
Kaya siguro siya nahuli dahil sa bigat ng mga ito. Tinignan ko siya nang maigi. Bago lang ba siya?
Dumapo ang tingin niya sa akin, napansin niya ata ang titig ko. Nakakahiya naman.
"Ay...Hi sayo girl." matinis na saad niya habang nakangiti at naka lahad saakin ang kamay niyang may bitbit pa na bag. Ako yung nahihirapan sa sitwasyon niya eh.
BINABASA MO ANG
Behind The Academy's Mysterious Task
Mystery / ThrillerWhat if you just found out the living truth about the deepest secret of your school? Nakapagtatakang paglalayas ng mga estudyante na parang bula. Araw-araw na pagpapalit ng mga bagong guro. Unti-unting pagbabago ng mga patakaran. Mga wirdong paniniw...