Humihikab akong nakikinig sa lessons ni Miss V ngayon, dahil hindi na ako dinalaw ulit ng antok simula noong may nangyari kagabi. Siya rin kasi ang adviser namin, scary rin siya minsan.
"Class reminders yung reporting nyo ay bukas na, please be guided na lahat kayo ay dapat makapasa bukas. I need your reports on time, and I wont accept late comers." seryosong usal ni Miss V.
See??? She's scary.
"Shit, bukas na pala yung pasahan ng reports? I need to go now, ayaw kong gabihin dito sa academy. Sa comshop na lang ako sa mall ng villagers mag p-print." sabi ni Gyzielle, kaklase ko.
Hindi kami mag kaklase nila Luna at Yammy sa subject ng adviser kong si Miss V. Pabago-bago kasi ang schedule is nila.
"You're right Gyz, sama ako sayo. Ayaw ko ring gabihin dito sa academy. Omygod, may kumakalat pa namang balita dito na may bago na namang student ang nawawala. Like, what the frog? Hindi ba sila nababahala nito? Noong nakaraang araw lang nabalitaang no where to be found si Sir Gilbert, ang sabi naman ng iba nag. resign lang." mahabang sabi ni Stephanie.
By the way we're from the same Familias, pero 4th division nga lang kaya hindi kami same team sa Game.
Shit, ang Game nga pala. Kanina nga pala ay pinatawag kami ni Damien, 1st division na kasi kami nila Yammy at Luna kaya kasama na kami sa meetings nila. We still gathering information about sa pinapahanap sa game. Ang iba naming kasamahan ay nakahanap na raw ng clue na isa itong bagay na pabilog. Pero maraming bagay nna pabilog kayaa hindi parin ito sapat na impormasyon para mahanap ito. Clouded pa rin kasi ang utak ko sa issue ni Luna eh.
At meron pa talaga kaming reporting bukas. Kaya halo-halo na ang bumabagabag sa utak ko.
Isama mo pa ang isa-isang pagkawala ng mga estudyante at guro dito sa academy. Kaya mas lalong lumaki ang hinala kong maaring tama nga si Luna. Baka kagaya nang nangyari sa kanya at sa pinsan niya, ay ganon rin ang nangyari sa iba kaya sila misteryosong nawawala. Hindi nababahala ang iba dahil may sabi-sabi namang nag resigned lang o na drop sa school, at marami pang ibang mga dahilan.
Kaya nga ayaw na nilang abutin ng gabi dito sa academy dahil sa chismis na mayroon ngang mga nilalang na kumakalat dito. Tsk.
Ni text ko na si Luna at Yammy na late akong uuwi dahil mayroon pa akong tatapusin, napagpasyahan rin naming magmasid muna bago gumawa ng aksyon. Para hindi kami mapahamak.
Buo pa rin ang desisyon kong hindi gagalawin ang pera sa A-wallet ko kaya sa Academy's Library na lang ako pumunta dahil libre naman ang print dito. Marami talagang libre dito sa Academy pero mas ginusto ng ibang gumastos.
Pagkatapos kong ni scan ang id ko at thumb ay pumasok naa ako sa library. Kusang bumalik ang ala-ala ko noong una akong tumapak dito.
Wait ano nga ba yung pinapahanap sa akin ng task dito na hindi ko nagawa?
Find something that is similar to the moon and resemblance of the sun.
Come to think of it, hindi ko pa rin ito nagagawa. Pero hindi naman ako binigyan ng time limit. At wala rin namang nangyaring masama. Sa ngayon....
Teka lang? May tatlong babaebg boses rin pala akong narinig dito noon, na pinaghihinalaan kong tulad ko ay parehas kami ng hinahanap.
"Self, relax. Focus nandito tayo para mag print." usal ko sa sarili.
Sinimulan ko nang mag print ng mga kakailanganin ko para bukas.
Marahan kong inuunat ang mga braso ko dahil sa ngalay, sa wakas at tapoas na rin ako. Napatingin ako sa paligid at napagtantong ako nalang mag isa. Sobrang tahimik, nakakabingi.
BINABASA MO ANG
Behind The Academy's Mysterious Task
Mystery / ThrillerWhat if you just found out the living truth about the deepest secret of your school? Nakapagtatakang paglalayas ng mga estudyante na parang bula. Araw-araw na pagpapalit ng mga bagong guro. Unti-unting pagbabago ng mga patakaran. Mga wirdong paniniw...