'Ngayon alam ko na kung bakit kakaiba ang Academy sa ibang mga schools.'Today is the day.
Exactly 7:30 am ay nandito na ang lahat na mga estudyante sa Village Field para hintayin ang makasaysayang pagbubukas ng Academy's GateHall. Nagkaniya-kaniya na umupo ang iba sa bermuda grass para hindi ngalayin sa pagtayo. As usual kasama ko si kulot ngayon at kanina pako naiinis dahil sa pinagagagawa nya.
"Hello mga ka Curlebabes ko gyan. Now kasi ang Opening ng Academy kaya, knows na knows kong excited ang lahat. Do you like my outfit? Omg, thank you and shout out to @ginisarapako , muah. Thanks for following me curle's you'll always be my babes." sabi niya bago nag-flying kiss at sa wakas for the love of grass itinigil na niya ang pag l-live niya.
"Alam mo bang ang boses mo ang nangunguna sa kaingayan dito?" inis kong sabi sa kanya.
Nag-peace sign ang bruha bago humagikhik.
"Huwag ka ngang KJ gyan bff. Ano, hindi kaba excited ha? Omg ako nga parang naiihi na nga ako sa kahihintay eh. Anong oras naba? Bakit parang antagal naman? Matutusta na tayo sa lagay nato eh." reklamo niya.
I just keep on rolling my eyes whenever I'm with her.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang mikropono.
"Mic test. Mic test."
Napataas ang kilay ko nang makita na naman yong lalaking nagsalita rin sa mic nong may Memo kaming natanggap. Sa pagkaka-alala ko parte ata siya ng Academy's Org. Ano nga ba yon? Lonarsumji?
'rumbled letters spelled as journalism'
Tsk. Corny naman pwede namang journalism nalang diba? Bakit mahilig ang mga tao ditong pahirapan ang kanilang mga sarili?
"Attention. Do you'll still remember my gorgeous face? Well again. I am the former Lonarsumji's Vice-President, Xyd Gallager at your service." Tsk, maypa lip bite pang nalalaman.
"So, today is the day para malaman ang kapalaran ng bawat isa. Ngayong umagang ito ay sama-sama nating tunghayan ang isa sa makasaysayang pangayayari na tanging sa Academy lamang matutunghayan ng kahit na sino." he pause and chuckled.
Napaikot ang mga mata ko dahil sa tili ng mga ingratang nagpapacute sa Vice-Pres. ng lonarsumji. At napahawak na rin ako sa aking tenga ng sumabay rin ang bruha sa pag tili.
"Pwedeng kalmahan mo lang. Para kang tangang nagmumukhang babaeng ready nang magpalapa sa kanya." sinamaam ko siya ng tingin.
Natigil ako dahil bigla nalang sumigaw ang bruha.
"Nakalimutan ko atang mag panty Xyd baby ko pwedeng ikaw nalang ang gawin kong panakip sa—" nanlalaki ang mata kong tinignan siya at mabilis na tinakpan ang bunganga niya.
Ang walang hiya maghahasik pa ata ng lagim dito.
Nagpatuloy lang ang announcement hanggang sa mag countdown na ang lahat para sa pagbubukas ng GateHall.
"Are you all ready to step in and enter the true world of The Academy behind the wall?"
"Well this is the beginning of your journey and you will going to face it all until the end "
Hindi ko masyadong gets ang sinabi niya. At mas nag focus na lang ako sa pag countdown.
9.....8.....7.....6....5....4.....
3
2
1
Ang magbukas ng Academy's GateHall ay siya ring sabay na pagkulim-lim ng langit.
BINABASA MO ANG
Behind The Academy's Mysterious Task
Mystery / ThrillerWhat if you just found out the living truth about the deepest secret of your school? Nakapagtatakang paglalayas ng mga estudyante na parang bula. Araw-araw na pagpapalit ng mga bagong guro. Unti-unting pagbabago ng mga patakaran. Mga wirdong paniniw...