"Bff inom ka muna tubig" mahinang saad ni kulot habang itinutulak sakin palapit ang basong may lamang tubig.Pagkatapos ng nangyari kanina ay hinila niya ako at di ko namalayang nasa dorm na pala kami.
Tinignan ko siya diretso sa mata. Wala kasi akong ma sense na takot man lang sa kanya. So? Ano yun prank lang ba talaga yun?
"Ahm...Ano. Kulot pwedeng patingin ng email na sinend sayo ng admins?" nagbabakasakaling ani ko.
Napakunot ang noo niya sa aking nasabi.
"Bakit? Wala kang natanggap?" nagtatakang ani niya bahang lumalamon ng chichirya.
"O-oo eh. Ewan ko rin sira ata yung saakin." pagsisinungaling ko.
Naalala ko ang nakasaad sa email kanina na mayroong word na confidential. Kaya nagtaka ako ng ibinigay niya ito sa akin.
Binuksan niya ang pink niyang shoulder bag at inilabas ang phone niya. Inabot niya ito sa akin ng walang pag-aalinlangan.
"Here. Siguro need na nating mag Mall miss-maam, para na rin mapaayos natin yang phone mo." ngumunguyang saad niya.
Napatango-tango ako kunwaring nakikinig sa kanya. Binuksan ko na ang phone niya at mukang inaasahan ko nang wala itong password. In-open ko na ang email niya at binasa ang email na galing sa Academy.
Ngunit napakunot ang noo ko at binasa ito ng ilan pag beses.
" Bakit parang natatae ka bes." natatawang ani ni kulot, bruha talaga.
Ibinalik ko ang tingin ko sa phone niya at binasa ulit ang email.
School Academy's Admins and Staff,
Good day students,
Here are the list of your schedules for the upcoming opening of the Academy.
Just simple as that. Like, what the hell? Inis kong ibinalik sa kanya ang phone niya. At nag-iisip sa mga posibleng dahilan para iprank nila ako nang ganito. Naiinis ako!
"Omg ka bes ha! Sabihin mo lang kong gusto mong magpasama para ipaayos yang phone mo, sasamahan naman kita eh. No need na para sirain rin yung saakin." dramatic niyang saad.
"Yan lang ang email mo?"
"Ha? Bakit mayroon pa bang iba?." sabi niya habang kinakalikot ang phone niya. Siguro naghahanap ng iba pang email.
"Kung ganon kumpermadong mayroon ngang nanti-trip saakin." bulong ko sa hangin.
Inaalala ko na lahat ng mga ginawa ko sa mga nakaraang araw.
"May ginawan ba ako ng kasalanan?" tanong ko sa sarili.
Nanlaki ang mata ko dahil may pumasaok na alala sa isip ko.
Omg! Baka mayroong nakakita sa akin noong unang araw ko palang dito sa Academy. Naglalakad ako no'n nang mahagip ng mata ko ang nga makukulay na mga bulaklak kaya nilapitan ko 'yun, at....
Aksidente kong nabunot ang tanim na rosas sa Village Garden. Shutangina. Balak ko lang naman sanang hawakan ito at amuyin, pero ng aamuyin ko na sana ito ay sakto ring may dumapo ditong bubuyog. Kaya ayun sa gulat ko napatalon ako, 'di ko namalayang nabunot kona pala yung bulaklak na aamuyin ko lang sana. Shutakels naman oh, pero binalik ko naman yun eh at binibisita ko rin araw-araw kong buhay pa. Buhay pa naman.
Aksidente yun! Malinis ang aking konsensya.
Pero naalala ko na nabanggit sa email na ang mga kagamitan raw na gagamitin ko sa mission-mission na 'yon ay ipapadala raw dito sa dorm ko.
BINABASA MO ANG
Behind The Academy's Mysterious Task
Mystery / ThrillerWhat if you just found out the living truth about the deepest secret of your school? Nakapagtatakang paglalayas ng mga estudyante na parang bula. Araw-araw na pagpapalit ng mga bagong guro. Unti-unting pagbabago ng mga patakaran. Mga wirdong paniniw...