"Sorry na beshy ko, nadala lang ako sa kapogian niya." pangiti-ngiti pang sagot ni Yammy.
Mabilis ko siyang inirapan at hindi pinansin.
Noong nalaman ko kay Luna na nagpa-kidnap si Yammy at sumama sa playboy na Vice ng Lonarsumji ay mabilis pa sa alas kuwarto kong hinanap si bruha. Pero pinigilan ako ni Luna at sinabing kami nalang raw dalawa ang mag date.
Teka pang ilang date naba 'to ni Yammy, at worst sa Xyd pa talaga na yon siya nagpaloko?
"Sigi na naman bff ko, kaya mo bang hindi pansinin ang ganda ko?" at nag fliphair pa si bruha.
"Yammy, hanapin mo."
Nagningning naman ang mata ni Yammy sa pag sagot ko.
"Ano? Sigi na, anong hahanapin ko?" excited niya bang sabi at luminga-linga na parang may hinahanap.
"Hanapin mo ang paki ko." sabi ko sa kanya bago tumalikod.
Nakita ko naman ang pagbuka ng baba niya. Pwe!
SABADO ngayon at finally naka hinga na rin ako sa school works. I mean hindi naman talaga ganon ka hirap no, pero dahil na rin siguro sa mga bagay na bumabagabag sa utak ko ay nagkaroon ako ng kunting mga problema.
"Nga pala, diba sa Lunes na natin makakasama officially ang mga familias natin?" ngumunguyang saad ni Yammy.
Oo nga pala no, nag-announced kasi sa Official Page ng Academy ang bawat Familias na sa Monday na raw namin officially makakasama sila mga activities. Binigyan lang pala nila kami ng one week to really enjoy and just focus lang sa acads and all, bago raw simulan ang 'Academy's Familias Task'. Sabi ng ilan ito raw yung pinaka-highlight ng school. Kasi dito daw ang exciting part. Ito na ata yung sinasabi ng ilan na 'kakaibang mga activities'. Kaya nga ako nag enroll dito kasi yan yung nasagap ko na chismis.
About naman gyan sa official page ng academy. D'yan lang umiikot ang aming mga social media, dito kasi sila nag u-update o nag announce ng mga bagay-bagay about sa Academy. Then, ito pa ang pinaka cool. Only official Academian lang ang maaring makakita sa page, ito lang rin kasi ang taging social app na meron kami. But, its not that boring kasi nandito na ang lahat. Dito rin nag u-upload ng mga latest news ang org. ng Lonarsumji. Ang app na ito ay parang facebook, instagram, tweeter,youtube na pinaghalo-halo sa iisang app. Dito rin pala nakalakip yung digital map ng Academy, incase mawala ka.
So, while scrolling sa socials ko sa sariling app ng Academy, ay biglang nag pop up ang latest news na galing sa page ng Lonarsumji.
1 day to go, acadamians.
Tsk. Siguro ito na yung about sa Familias activities na mangyayari sa Lunes.
I was busy scrolling down ng bigla na namang umataki ang bibig ni Yammy. What a peaceful Saturday morning.
"You know what bes, bigla kong naalala...tinanong niya pala ako kung may alaga ba raw tayo dito sa dormtell natin." di ko pa rin siya pinansin.
"Tapos alala ko si Budat HAHAHA—" si budat yung paborito kong teddy bear na aso.
"Syempre alagang-alaga mo yang si Budat, kaya um-oo ako sa tanong ni Xyd." agad napaikot ang mata ko ng sinimulan na naman niyang ang kanyang kwento tungkol kay Xyd at sa date nila.
"Sabi ko pa sa kanya, oo may alaga kaming aso, grabe halakhak ko dito bes—" aalis na sana ako sa sala ng dugtungan niya ang kanyang sinabi.
"Nagtaka nga siya bes, akala niya raw ay pusa ang alaga natin—" nabilis pa sa alas kwarto na nanlaki ang mata ko at napabaling kay Yammy.
P-pusa.....
"Pusa...?Tinanong niya yon? Bakit niya daw naitanong, Yammy?" interisado kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Behind The Academy's Mysterious Task
Mystery / ThrillerWhat if you just found out the living truth about the deepest secret of your school? Nakapagtatakang paglalayas ng mga estudyante na parang bula. Araw-araw na pagpapalit ng mga bagong guro. Unti-unting pagbabago ng mga patakaran. Mga wirdong paniniw...