Yammy' POV"Yammy si Sirenity!" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kong si Sirenity pala ang pinunta namin dito.
"Nagsimula na sila! Hindi kayo pwedeng basta-basta nalang lumabas at hanapin siya." natataranta ring sabi ni Via.
"Anong gusto mong gawin namin! Maghintay dito hanggang sa mag umaga?!" naiiritang sabi ni Luna.
"Mabuti pa ay samahan mo kami, ikaw ang may alam sa nangyayari dito at pasikot-sikot sa Academy." sabi ko kay Via.
Magdadalawang isip pa sana siya pero kalaunan ay pumayag na rin.
"Nasaan naba kasi ang kaibigan ninyo?" natataranta ring sabi ni Via habang binabaybay namin ang daan.
"Eh kung alam naman pala namin kung nasan ni Sire edi sana hindi kana namin pinipeste!" nabubwesit na talaga ako sa kanya, hindi ko pa rin siya napapatawad sa pag yakap niya sa bebe ko.
Napahinto kami ng maaninag namin sa hindi kalayuan ang mga taong may pinapalibutan. Nakita rin namin ang Academy's Ambulance kaya patakbo na naming tinahak ito.
"Anong nangyari?!"natatarantang tanong ni Luna sa mga estudyanteng naka palibot.
"Someone committed suicide, binaril niya ang sarili niya." sagot naman ng taong pinagtanungan namin.
Nagtinginan kaming tatlo at napadako ang tingin namin sa nakabulagtang tao na nanababalutan ng puting tela na nababahidan na ngayon ng dugo. Kita rin sa tabi nito ang baril na ginamit sa pangyayari.
"Kilala niyo ba kung sino yan?" tanong kong muli sa taong nandito, napagtanto kong dumadami ang mga kapwa kong estudyanteng pumunta rito dahil daw sa ingay ng putok na narigig nila at ingay ng ambulansya.
"Hindi eh, hindi na namin nakita ang mukha at hindi na rin masyadong makilala dahil wasak ito." sagot niya.
Napabalik ako sa katinuan ng biglang mag vibrate ang cellphone ko, dali-dali ko itong kinuha sa pag-aakalang baka si Sire na ito.
Academy's School Admins and Staff,
Good evening, you are task to bring the thing that the victim is holding in her right arm, in the libary's FIRST FLOOR, THIRD COLUMN, and put it in the FIFTH BOOK and put the book upside down. NOW!
Note:
Failing this task means facing consiquences.Kinabahan ako sa mga nangyayari pero, agad kong kinalabit si Luna at pinalayo muna sa eksena.
"Please help me!" natataranta kong sabi sa kanya habang pinapakita ang cellphone ko.
"Fuck!" malutong na mura ni Luna matapos basahin ang email.
"Hindi natin to pwedeng sabihin kahit kanino, kahit pa kay Via. Ikaw ang kumuha sa bagay na nasa kamay nong biktima at ako ang magsisilbing distrakron sa mga tao at sa mga umaasikaso sa bangkay." mahinahong sabi ni Luna.
Tumango ako at nagsimula nang pumunta sa ambulansya kung nasaan isasakay ang biktima. Agad akong pakunwaring umiiyak habang papunta doon.
"A-anong nangyari bes! Sino ang gumawa sayo nito! B-bakit mo ito ginawa?!" pati ako ay nalito na sa mga sinasabi ko dahil sa kaba, pero patuloy pa rin ako sa pag acting na umiiyak.
Nakalapit na ako sa ambulansya at agad akong tinanong ng taong magdadala sana sa biktima sa loob ng ambulansya.
"Kilala n'yo ba ang biktima?" malamig na turan sa akin ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Behind The Academy's Mysterious Task
Mystery / ThrillerWhat if you just found out the living truth about the deepest secret of your school? Nakapagtatakang paglalayas ng mga estudyante na parang bula. Araw-araw na pagpapalit ng mga bagong guro. Unti-unting pagbabago ng mga patakaran. Mga wirdong paniniw...