Janna Pov's
Iniwan ko na si Patrick na nakatayo doon sa Hallway at papasok na ako sa room . Nakakainis naman kasi eh. Ano nga pinuputok ng Butse ko ? >
Flashback
Hello po :)
Seen 00:28Hello po pwede po bang magtanong ^,^ ?
Seen 02:01Naloka na ako kakahantay ng reply pero Ngangabells pa den.
So ayun lang naman pinagmamaktol ko . Malas lang ni Pat at sa kanya ko naibuntong Galit ko.
Tapos magtuturo ba naman ng lalaki kanina sa may correigdor, OO Na Gwapo sya , mapungay ang mata na pinarteran ng Mahahabang pilik mata , matangos ang ilong , mapula ang mga labi parang ang sarap uhhhggg --- nevermind matangos na ilong . Yung height ??? Puwede na ! pero hindi sya type ko. Oo na agree na ako kay patrick
'Uy Janna' - pat
'......'
'Uy Janna , dito room natin' -Pat habang nasa likod ko at tinuturo yung pintuan sa gilid niya.
' Oo na, gwapo na sya , pero para talagang Kalahi mo te' papunta sa pwesto nya na nakangiti na.
Naawa na ako sa kanya kahit papaano love ko tong baklang to
'Si L.A na nanaman ba dahilan kung bakit ka nakabusangot kanina?
'Huh?'
'Kung ako sayo te, tigilan mo na pagpapantasya sa kampon ng mga Dyosa, tigilan mo na pang iistalk kay Leonardo Aries, na Lea Aryana sa gabi'
'Hindi ko naman sya iniistalk ah'
'Ay loka hindi pala ? Kala ko kasi stalker ka nya tuwing magoonline ka diretso ka sa wall niya, ' sabay taray sakin at naupo na kami sa bakanteng upuan malapit sa bintana.
' Oo na gusto ko lang naman makamove on, diba alam mo naman kung bakit ako nagkakaganito, kinuwento ko na sayo na dahil ----' hindi ko na natapos sasabihin ko ng biglang ratsada ng sermon si pat
' Dahil kay Jeffrey na isang bakla, pero naging kayo, tapos pineperahan ka lang tapos pinaiyak , ikaw naman si TANGA sige gastos at umaasang magpapakalalaki sya para sayo. -Bulyaw sakin ni Pat.
'Hindi naman niya ko pineperahan , wala lang siyang pera kaya being her generous and understanding girlfriend tinulungan ko sya'
' Ay ewan ko sayo Janna Monteclaro hindi na uso Pagawa ng Monumento sa Luneta, papagawa nalang ako ng Sagala, Sagala Para sa Tanga at Ikaw ang REYNA!'
Hinapit ko papalapit si Pat Sa akin,
'Wag ka ngang Maingay' saway ko sa kanya
' Ayaw mo ba talga kay Mr.H.C?
'Mr. H.C?'
'Mr. Handsome sa Correigdor?'
'Huh?'
'Uy janna aminin mo nagwapuhan ka sa kanya?'
'oo na pero, para talagang kalahi mo e'
'Pero nagwapuhan ka?'
'Oo, na nga pero para talagang Bakla'
'Pero , Gwapo?'
'Oo nga PERO BAKLA! - napasigaw na ko sa sobrang kulit ni Patrick
'Ms. Monteclaro and Mr. Jaradal is there any Problem?
' heart Problem maam?' Usal ni pat
' Yes, Mr. Jaradal , can you please repeat what did you say ? - Sagot ng prof namin na nasa harapan na ng upuan namin
At ayon sa Peripheral vision ko na nakatuon ang atensyon ng buong klase sa aming dalawa kulit kase netong Baklang to.
' Nothing ma'am DORA PANGAniban'- sagot ni Pat. Siniko ko si pat dahil sa sinagot nya. Tiyak malalagot kami neto
'Pardon Mr. JARADAL? '
Yareee talagang Baklang to sakin mamaya
' He said nothing ma'am Adora Panganiban, sorry for disrurbance, ' langyang PANGA to na tinubuan ng Mukha bagay na bagay apeliyido nya sa Kuwadrado niyang Mukha >
'Good,by the way before the start of our demo teaching, may I introduce to you the pannel who will critic on your activity'
nakahinga ako ng maayos ng magsimula si Maam , medyo nawala ang tensyon kanina,Pat kase pinalala Pa.
'Mr. Roberto Nalason,' at may pumasok ba Oso sa loob ng classroom, Nakasuot pa ng kulay asul, kala mo model ng BearBrand, feel na feel niya pagiging hot niya sa mantikang tumatagaktak sa katawan niya
Eeeewwww, Ambad mo JANNA >
'Next is Mr. Uno Chavez' nagsimulang tumili ang mga kaklase ko
Anong meron May ATOM Guys? nandyan ba si ATOM THE BUILDING BLOCK OF MATTER?
'Oh may Gahd Janna si Mr. HC'-Pat
waaaah sino daw ? si Mr. HC Pannel ? Whatttt ?
Authors note:
Hello guys. Sorry kung hindi ko man kayo maimpress,Pero tatapusin ko padin po sya no matter what,Salamat po sa sumuporta, at susuporta pa:)
@JennyGigante
@GiganteJenny
Wattpad and IG
@YnnejoserThank You for Reading
BINABASA MO ANG
Accidentally Fall Inlove with a GAY( on-going)
Teen FictionAng magmahal ng taong iba ang mahal, sobrang sakit na ang dala.Pero may sasakit pa ba kung ang taong kinababaliwan mo na sobrang Gwapo Ay GWAPO Din ang hanap. Mamahalin mo parin kaya Sya o Maniniwala ka na lang Sa teacher mo sa Science na Walang FOR...